"Matanda ka naman na Teray. Alam mo naman na siguro yung ginagawa mo."

Huh? Ano naman yung tinutukoy ni Mama.

"Makasabi ka naman, Ma. Akala mo naman isang linggo ka dun. Baka nga bukas nandito ka na ulit." Biro ko sa kanya.

Huminga ng malalim si Mama.

"Nagkaayos na ba kayong dalawa ni Samantha?"

Natigilan naman ako. Nakita ba kami ni Mama?

Kagat labing napatango na lang ako.

"Mabuti naman." Komento nito na yung mga gulay na nabalatan ko naman yung hinugasan sa gripo. "Mabuti at hindi pinapatulan ni Sam yang pagiging topakin mo."

"Ma, ako yung mapagbigay at maunawain. Hindi ko nga pinapatulan yung saksakan ng sama na ugali nya." Napaismid pa ako.

"Mas masama ang ugali mo, Teray. Bata pa lang maldita ka na. Buti na lang mabait yung Ate Corinne mo kaya hindi ka lagi napapaaway."

Natahimik ako doon. Oo nga. Palagi pala akong nasasangkot sa gulo nung bata pa kami. Pero hindi alam ni Mama na kaya naman ako nasasangkot ay dahil pinoprotektahan ko lang yung mga sarili namin.

It's hard to grow up without a father. Palagi akong binubully noon dahil putok daw ako sa buho. Saka hindi naman kasi kami mayaman. Si Ate Corinne naman ay laging pinagtritripan noon sa school dahil sa punto ng pagsasalita nito na halatang lumaki sa probinsya. We're totally an outcast. That's why portraying that they didn't manage to get under your skin is the only way to survive.

"Sa nakikita ko, mukhang mahaba naman ang pasensya ni Sam. Saka masyadong mabait yung batang iyon. Sana hindi sya magsawa na intindihin ka lagi."

"Para namang masyado nyo na yatang gusto yung babaeng giraffe na yun."

"Hindi ko masabi sa ngayon kung gusto ko si Sam para sayo. Masyadong malayo ang agwat nyong dalawa. Pero naniniwala ako na kaya ka naman nyang protektahan. Kaya iaasa na muna kita sa kanya."

"Mama naman! Parang ibinibilin mo na ako nyan. "

Tumawa naman si Mama bago sinimulan magluto.

"Ikaw Teray, kelangan mo nang matuto ng mga gawaing-bahay. Yung itsurang iyon ng girlpren mo mukhang walang alam kundi mag-utos."

Napaisip ako. Sabagay. Hindi ba kaya nga umalis si Ate Corinne ay dahil kinuha nga nitong tagaluto at tagalaba?

Tsk. Ayoko nga. Hindi ako papayag na maging ganun lang din ako.

"Samantha!" Malakas na sigaw ko.

Ilang segundo lang ay sumungaw na yung ulo nya sa kusina. Sinabayan nya pa ng hikab. Lagi ba talaga syang inaantok?

"Magluto ka daw dito sabi ni Mama. Dapat matuto ka para mapagsilbihan mo ko."

Umangat naman yung kilay nito na halatang hindi naniniwala sa sinabi ko.

"I thought I made it clear kanina na ako yung upper hand. So.." Tiningnan nya ako na tila ba bagot na bagot. "Do your part. Cooking and laundry will be yours. Not mine. Entendido?"

Kapal talaga ng mukha nito na utusan ako sa harap pa mismo ni Mama. Hindi ba talaga sya nahihiya? She should be pleasing me sa harap ni Mama para magustuhan sya nito.

"Aba, Mama o. Sumasagot pa. Narinig mo yun?"

Imbes na kampihan ako ni Mama ay tumatawang umiling lang ito. Si Sam naman ay tinaasan lang ako ng kilay.

Bastos talaga. Did I ever say na gusto ko pa syang halikan ulit? I've changed my mind. Hindi na pala. Baka mahawa pa ako sa tabas ng dila nya na napakatalas.

Trapped with the Cactus-LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon