"Ah? Ganun ba?"

"Pwede nating mabawi yung grades mo na 'yon just please? Pumunta ka naman pag tuturuan kita. Naghintay ako kanina." He said while holding my wrist.

"Wag na haha! Mag-aaksaya ka lang ng oras, hangang dito nalang talaga ako, bobo na talaga ako." I smiled and shoved his hand away. "Tigil na natin yung tutoring."

I was about to walk away when he talked.

"Why? You're confusing me, Eloisa." He said and I looked at him. "You want to give a medal for your Dad but sumusuko ka na?"

"Hindi naman ako susuko babawi akong mag-isa ayokong mangsayang ng oras ng iba." I said and smiled at him. "Sorry tsaka thank you sa oras mo, Parker."

"If that's what you want then." He walked away and I was just staring at his back watching him walk away. I'll never be good enough. Bobo na talaga ako, ako lang talaga hindi makatanggap na hangang dito lang ako.

Baka nga totoo yung sinasabi nila mga mahihina talaga utak naming mga Humanista. I sighed and looked at the students celebrating their exams mga ABM students sila. Nakaka-inggit.

May humintong jeep sa harap ko at agad akong sumakay doon at umandar na agad iyon. Nagpapatugtog lang ako habang nakatingin sa daan iniisip kung paano ko mababawi yung Physical Science ko dahil kung gusto kong mag with honor baka mahirapan ako ng sobra.

Nagbuntong hininga na lamang ako at nang dumaan ang kotse namin sa kanto nila Parker ay napansin kong nagbabaan silang magkakabarkada at napa-iwas na lamang ako ng tingin at bumaba nang nasa kanto na namin ako.

Sa totoo lang nahihiya talaga ako maging kay Dad hindi ko alam kung paano gagawin ko kung kumalat sa buong bayan ang kahihiyan na ginawa ko.

"Goodafternoon, Dad." I greeted him after seeing him at the living room.

"Maupo ka muna dito, Eloisa Andrada." Umupo ako sa tabi niya at tiningnan niya ako hinihintay na magsalita.

"Dad ako yung nagpakopya. Dad, naawa kasi ako kay Gale kasi gustong-gusto niya magkaroon ng mataas na grades."

"Anak, ang tunay na kaibigan hindi kukunsitihin ang kaibigan dapat magkasama kayong nag-aaral okaya tuturuan mo siya." He said and smiled at me. "Papalampasin ko 'to pero pag umulit ka doon ka pa lang magkaka punishment. Umakyat ka na sa taas."

Tumango ako kay Dad at umakyat na sa kwarto ko at bumungad sa akin ang teddy bear na bigay ni Parker.

"Paano ba kita haharapin?" I asked the teddy bear at nalungkot na lamang ako.

Nagulat ako nang biglang magbeep ang phone ko at tiningnan ko 'yon. 'Go to the library, tomorrow same time.' It's Parker's text at napangiti na lamang ako at nilagay sa lamesa ko ang phone ko.

"Oh ano? Pupunta ka na bang library?" Gale asked me at tumango na lamang ako naglakad na paalis dahil may gagawin din si Gale eh.

Pumasok ako sa loob ng library at nakita ko agad si Parker na nakahawak sa kanyang labi habang nagtatype ang isang kamay sa laptop.

He looked up at me and I smiled and sat beside him.

"Hindi naman ikaw ang nangopya bakit sinabi mong ikaw?" He asked with his brows furrowed.

"Eh mas lalo lang mapapahamak si Gale." I said and looked at what he's typing and research pala. "Hala busy ka pala sige alis na muna ako."

Tumayo na ako ngunit hinawakan niya ang kamay ko at hinatak pa-upo sa tabi niya. "I'll continue this later."

"H-Ha eh baka abala sayo-"

"Iniiwasan mo ba ako?" He asked and looked at my eyes. "Because if that fucking cheating issue is the problem here i'm gonna tell you right now na wala akong pake don."

"E-Eh nahihiya kasi ako."

"Tss ginagawa yan ng lahat mga hindi lang nahuhuli." He said and wrote something at his paper. "Yan lesson niyo ngayong second sem noh? ELS? Kapalit ng Phy Sci niyo? More on memorizations yon less sa computation kaya sa Stats nalang tayo."

I looked at the paper at ito nga ang sinabing unang lesson namin sa Statistics kanina kaya agad kong sinagutan dahil common sense lang naman.

"Common sense lang ang stats pero lilituhin ka." I nod slowly and he looked at my paper. "Tama lang, Ano Gen Ave mo ngayon first sem?"

"87 lang." I said and he slowly nod.

"Kailangan mong mag 92 para mapasok ka sa with honor." He said after computing in his brain. "Mag-aral kang mabuti."

"Ah oo naman!" I smiled and looked at the second problem he wrote.

"Magmemorize ka mamayang gabi tatanungin kita bukas." Nanlaki ang mata ko.

"U-Uy briefing pa lang kami sa magiging lessons tapos Undas break pa next week."

"Mas maganda kung mag-advance ka kaagad." He said.

"But makakalimutan ko lang yan since Undas break na." He slowly nod and looked at me.

"Sige pagkatapos nalang ng Undas break."

"Sige! Una na ako." Tumayo na muli ako ngunit hinatak niya lang ako pabalik.

"Sabay tayong uuwi." He said and fixed his things grabe nahahalata niya bang sobrang ilang ko sa kanya? "Sabay na tayo laging uuwi pareho lang ulit siguro whole day natin?"

"MWF ako eh." He nod at mukhang pareho lang. "Tapos panghapon half day ko lagi."

"Yeah, same."

"Parker!" I looked at who called Parker and it's Wendy kasama si Daisy. "Mom wants to see you again."

Again?

"Hindi ako pwede ngayon." Parker said and hold my backpack habang suot ko ito dahil pakiramdam niya siguro tatakas ulit ako katulad ng dati.

"Ohh how about tomorrow?"

"Busy ako this week, Wendy." He looked at me and pulled my wrist. "Tara na."

I smiled at Wendy at Daisy but hindi sila ngumiti pabalik at bumaba na kami ng building ni Parker.

"Bakit ka busy?" I asked him.

"Research and you." My eyes widened.

"Bakit ka naman magpapaka busy dahil sa akin? Baliw ka! Nakakahiya!"

"Tss just let it be kailangan mong mag with honor." I slowly nod and smiled at him.

"Pero hindi mo naman kailangan sayangin oras mo sa akin."

"Hindi ko sinasayang okay? Gusto kitang turuan." Nang may humintong jeep sa harap namin ay sumakay na kaming dalawa.

"Wag mo na akong ihatid sa bahay!" I said and I can see how his jaw clenched.

"Iniiwasan mo parin ba ako?" He looked at me, staring at my eyes.

"H-Hindi! Nahihiya lang talaga ako kasi baka ang dami mong ginagawa pero nagkakatime ka pa sa akin."

"It's okay, ihahatid kita."

Sailing Above the CloudsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon