Prologue

129 37 9
                                    

"What would you do for love?"

"I'll become a better man" — Felix Eros Miseo


"Handa akong maghihintay sa tamang panahon at oras" — Jethro Sanchez


"I'll do everything for love" — Dwayne Ramirez


"Kaya kong magsakripisyo ng aking sariling kaligayahan" — Nathaniel Kobayashi


"Hindi ka iiwan kahit na ilabas mo ang pinakaworst side ng pagkatao mo" — Valerie Esquivel


"Happiness. Joy. Delight. Love is bright. Ang pag-ibig ay ang pagbibigay ng saya at kaligayahan sa taong 'yong minamahal" — Julianna Louise Musni


"Love does not forget. Makalimutan ko man ang lahat, mananatili ka pa din sa puso ko. My love will never fade, it'll be forever constant." — Kyrie Maius Apostello


"And you, what would you do for love?"

If I were asked what can I do for love. I'll simply answer, "I would love." Dahil iyon ang bagay na kaya mong gawin sa pag-ibig. Ang umibig. Sa tingin ko hindi naman kailangang palawakin ang kahulugan niyon. Mahalin mo lang ang bagay na gusto mo. Patunayan mo lang sa sarili mo na totoo ang nararamdaman mo. Ano pa ba ang kaya mong gawin para sa pag-ibig? Wala na kundi ang umibig. Dahil hindi mo naman kayang umibig kung wala ka niyon.


Rinig ko ang palahaw ng hangin sa aking kinatatayuan. Narito ako ngayon sa paboritong lugar ng aking ina. Dito sa ilalim ng puno ng acacia. Dito ay matatanaw mo ang ganda ng buong siyudad.


"Kyrie.." tawag sa aking ng isang misteryosong boses. Luminga ako sa paligid ngunit wala akong nakita na kahit na sino o kahit anino ng sinoman.


"Kyrie.." tawag niyang muli.


"Sino ka?! Magpakita ka!" Bakas sa tinig ko ang takot ngunit pinanatili kong matatag ang aking tindig.


Lumitaw mula sa likod ng puno ng acacia ang isang lalaking may suot na itim na kapa na kinapapalooban ng puting tunika. Una kong napansin ay ang kabigha-bighani niyang mga mata. Itim at hugis almendras na mga matang gaya ng sa akin. Nang magtagpo ang aming mga mata ay bumalik ang mga alaala na kailan ma'y hindi ko nadama. Masaya, masalimuot, at nakakalungkot na memorya. 

Cecilion's Arrow (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon