Chapter 4

65.9K 2.1K 406
                                    

"JILLIAN!!!!!!!!!" sigaw ni Chelsey habang papalapit ako sa kanila hawak ang dalawang gatorade na binili ni Julian.

Dalawa pa talaga ang binili.

Nanlalaki naman ang mga mata ng ibang teammates ko na kasama kong nakatayo ngayon dito sa gilid.

"Why are you shouting and staring at me like that?" painosenteng tanong ko sa kanila kahit may ideya na ako kung ano ang dahilan.

"Ano iyong eksena niyo ni Julian?!" sigaw ulit ni Chelsey.

"Ano sa tingin mo?" Tanong ko pabalik sa kanya. Nakakatawa ang nga reaction nila at hindi ako magtataka kung mas grabe pa ang reaksyon mamaya ni Milly kaoag nag-usap na kami.

"Ang ganda mo talaga Jillian!!" kinikilig na saad ni Chelsey mukhang alam na nito ang sagot sa tanong niya.

Napailing nalang ako sa kanila at binalik ang tingin sa court kung saan lamang na ang Wilhelm ng pitong puntos.

I guess tinatarget ng mga open spikers si Jam dahil mas mababa ang block reach nito.

Mas maliit sa akin si Jam. 5'5 ft lang siya kumpara sa akin na 5'9 ft.

Natapos ang set na panalo ang Wilhelm sa score na 25-15.

Malaki ang lamang ng Wilhelm sa amin at karamihan sa puntos nila ay galing sa kanilang dalawang open spiker.

Third set is about to start and coach include me again as one of the first six.

"Captain, as much as possible break their offensive form. Target their main spiker on your serve para di makaporma agad." sabi ko sa kanila. Tumango naman si captain at nagsipuntahan na kami sa aming pwesto.

Ginawa nga ni captain ang sinabi ko at nasira nga ang form nila dahil hindi maganda ang receive ni Nicole kaya naman delayed ang attack nito.

Nagready naman agad kami ni Trixy para sa blockings.

Nicole's attack went out. Maybe because she got intimidated by our blocks kaya napalakas ang spike nito.

Ginawa ulit ni captain ang sinabi ko at medyo nabother si Nicole sa pagreceive kaya hindi nito nakontrol yung bola.

Agad naman itong hinabol ni Izzy para ma-set kay Nicole dahil no choice ito kung hindi sa kanya lang pwedeng ibigay ang bola.

Dahil doon ay bantay sarado na namin si Nicole kaya naman nakagawa kami ni Trixy ng block point from Nicole's spike.

Sa pangatlong serve ni captain ay nakaalalay na pala kay Nicole ang libero nila kaya naman maganda ang naging receive nila.

Diretso naman sa quick set sa middle si Izzy at hindi agad nabantayan ni Trixy at Lia ang attack na yon kaya puntos sa kabila.

Si Izzy na ang magseserve at target niya ay si captain Mel. Pero easy lang ito kay captain at maayos na naipasa ang bola sa akin. Papunta pa lang ang bola sa akin ay nag-approach na agad sa pag-atake sina Trixy at Lia.

Napansin kong tutok ang mga blockers ng Wilhelm sa dalawa kaya naman nag-disguise ako to set perk ang totoo ay nag-drop ball ako.

Hindi nila namalayan ang drop kong iyon kaya naman maging ang mga nanonood na mga students ay napa-wow sa ginawa ko.

Natuwa naman ako doon and I give credits to Lia amd Trixy. Bago ako pumunta sa service line ay sinabi ko sa tatlong nasa frontline na gawin lang nila yung mga attack form nila at wag mabother kahit misreceive pa ang mangyari dahil ako na bahala at gagawa ng paraan sa pagset.

Pumunta na ako sa service line para mag-serve. I was just waiting for the referee's whistle when someone shouted.

"Go Julian!" at naghiyawan ang mga students na nanonood.

Volleyball Sweetheart (Sporty Princess #1)Where stories live. Discover now