Chapter 1

83K 1.7K 474
                                    

"Jill! Congratulations on passing the entrance exam in Venusville University!" masayang bati sa akin ni Milly. Hinihingal pa ito mula sa pagtakbo papunta dito sa aming bahay.

"Thanks." maikling sagot ko.

"Pero bakit sa Venusville University? Sa pagkakaalam ko, hindi ganun kalakas ang volleyball team nila, ang daming nag-scout na universities sa'yo and most of them kabilang sa mga powerhouse teams sa SAU volleyball, pero bakit sa Venusville?" kuryusong tanong nito sa akin.

Alam ko sa sarili ko na isa ako sa mga highschool standouts na pinag-aagawan ng mga powerhouse teams sa larangan ng volleyball pero kahit anong pilit nila sa akin ay mas pipiliin ko pa din ang Venusville.

VU finished at eight place out of 10 teams last season kaya naman hindi makapaniwala si Milly na mas pinili kong mag-enrol dito.

I played as a setter ever since I learned how to play volleyball. Why? It's because the setter is the most important position in volleyball. You can't create magnificent attacks without them setting on you.

For short, setter is the brain of a volleyball team. The playmaker.

Willhem University and Stuartz University who placed first and second last season are the first two universities who offered me to play for their team but I declined them.

"Sana wala kang pagsisihan sa desisyon mo." Milly was also a volleyball player but she decided not to continue her volleyball career anymore. That was her parents decision but Milly agreed to them. Milly is only child kaya naman mas ginusto nitong magfocus nalang sa pag-aaral kaysa maging student-athlete gaya ko.

"Believe me Milly. Wala." I smiled at her to assure that I am hundred percent confident of my decision.

"Okay, support pa rin kita kahit sa Wilhelm University ako mag-aaral, kahit sabihan nila akong traitor, I don't care! Basta support ko number one friendship ko hihi!" wika niti na may halong biro na nagpatawa sa akin.

"Mamaya itakwil ka nila dun haha!" pang-aasar ko sa kanya.

"Maganda pa rin naman ako kaya wala akong pake. Haha!" Madilim na sa labas ng magpaalam si Milly sa akin upang umuwi.

I know it would be a rough start for my college volleyball career but I am sure that it will all be worth it.

"Congratulations on becoming part of VU womens volleyball!" bati sa amin ng team manager ng VU Womens Volleyball Team.

"Alam nating lahat na hindi naging maganda ang ating performance last season kaya naman ngayon palang ay maghahanda na tayo para makabawi at maipunta ulit natin ang VU sa itaas sa larangan ng volleyball!" saad ng aming headcoach na si Mr. Zamora. "at higit sa lahat, nagpapasalamat ako at dito napiling mag-aral ni Ms. Villegas at maging parte ng ating team. Palakpakan natin siya!" dagdag nito.

Naging awkward para sa akin ang huling sinabi nito ngunit nagpapasalamat pa din ako dahil malugod akong tinanggap ng aking mga bagong teammates.

Matapos ang mga ilang paalala sa amin ni coach ay isa-isa nang nagpakilala sa akin ang mga bagong teammates ko.

"Hi! I'm Melissa! Mel nalang for short. Open Spiker and the team captain." pakilala nito sa akin maging ang position nito sa team. Sa tingin ko ay nasa 5'9 ft ang height nito dahil halos magkasing-tangkad lang kami.

Volleyball Sweetheart (Sporty Princess #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon