Prologue

199 28 10
                                    

I excitedly went out of my unit carrying a basket of my homemade cupcakes! Binabalak ko kasing magbigay nito sa mga katabing unit ko. I watched this tradition on TV e, 'yong nagbibigay ng kahit na anong pagkain sa mga kapitbahay-- 'yon ay kapag bagong lipat ka sa neighborhood na 'yon.

Halos mag-iisang oras na nang matapos ako sa pag-ikot dito sa floor namin, and now, it's just one unit to go! Ito ang pinakadulong unit at katabi lang din ito ng unit ko. I pressed the doorbell three times already but no one's responding. Tatalikod na sana ako nang biglang kumawang ang pinto nito.

"Oh?" Nanlalaki ang mata kong turo sa pinto. May tao? Pwede kaya akong pumasok? Wait, automatic ba ang pinto niya?!

"Hello po? B-Bagong lipat ako sa kabilang unit and I'm just here to give some cupcakes. Pasok na 'ko ah?" I asked though lumalakad-lakad na ako papasok habang nagsasalita. Wala kasing tumutugon e.

"Ang dilim naman dito?" Pabuong kong tanong sasarili. Malalaki ang bintana ng mga unit dito and in this unit's case, may malalaki at parang mabibigat itong kurtina. Kaya naman pala ang dilim-dilim e.

When I realized that no one's here, I just put the cupcakes on the coffee table at dahan-dahang naglakad palabas. But before I could even go outside, someone grabbed my arm. Sandali akong hindi nakagalaw. Tao ba 'to?! Multo?! 

Sinubukan kong kumawala sa pagkakahawak nito sa'kin pero mas humigpit lang 'to.

I looked back just to confirm that the one holding me is a human. Pigura niya lang ang nakikita ko kasi nga madilim dito. Pero nang humangin at medyo nalipad ang kurtina, tumama ang konting liwanag sa mukha niya. There, I saw his eyes staring directly at me. 

"A-Ah, I-I'm sorry for breaking into your unit without c-consent. Ako nga pala 'yong bagong lipat sa kabilang unit. May d-dala nga pala akong cupca-" Bago ko pa matapos ang sinasabi ko ay kinaladkad na niya ako palabas at hindi lang 'yon dahil nang madala niya ako sa labas ay pinagsarhan niya pa ako ng pinto. Malakas at parang puno ng sama ng loob na pagsasara.

W-What?

Natulala ako sa harap ng unit niya at tila nawala saglit sa sarili. A-Ano nga ulit ang nangyari?

Nang maka-recover ay mabagal akong naglakad papunta sa unit ko habang inaalala ko ang nangyari. I knocked, I went inside and I put the cupcakes on his table then he suddenly appeared-

Nang tuluyang makapasok sa sariling unit ay saka ako tinubuan ng inis. The fact that I came to his unit to give him some cupcakes and I got rude treatment in return?! Bakit ba ang grumpy ng taong 'yon?! Like anong kasalanan ko?

Padabog kong ipinatong sa table ang basket. This is my first day here and I already encountered a rude neighbor. Hindi ko rin naman sinasadyang pumasok nang walang paalam e. And hey, just as I remember, I said, 'Pasok na 'ko, ah?', right? Nagpaalam pala ako! And also, he was just inside his unit so why didn't he respond to me?

Naiinis pa rin ako kaya nagkutingting nalang ako sa phone ko, just to divert my attention and to stop myself from thinking about what happened.

Little did I know na 'yong encounter namin ay hindi pa natatapos do'n.

Na makakausap at makakasama ko pa rin pala ang lalaking 'yon.

Na magiging parte pala siya ng tahimik kong buhay.

That weird and mysterious guy wearing his black hoodie-

That man-

The man who can't be happy.

A Man Who Can't Be HappyWhere stories live. Discover now