♥ ♥ ♥Chapter 4♥ ♥ ♥

40 4 5
                                    


"Right there and then I saw my future in his eyes"

Selene's POV

May nakita akong... Isang pares ng mata, ngunit hindi iyon ang ikinagulat ko, ang ikinagulat ko ay ang kulay ng mata niya color blue.

Kapag tumingin ka maigi mararamdaman mong hinihila ka ng mata niya, sobrang ganda ng mata niya kaya hindi ako agad nakapag salita.

"Hello?"sabi ng lalaking may color blue'ng mata kaya nahimasmasan ako.

Naramdaman kong umiinit ang mga pisngi ko kaya yumuko ako, sa pag-asang hindi niya nakita ang pamumula ng mukha ko.

"pusang gala, naman kasi kung ikaw ba namang natutulog at makakita ng blue'ng mata sinong hindi matutulala."bulong ko pero mukhang narinig niya sapagkat tumawa siya agad.

"Sorry, pero paano mo nakita tong lugar na ito, stalker kita no???"sabi niya na parang nang-aasar pa.

"hindi no, hindi ka naman guwapo para sundan kita rito, tsaka hindi mo ba nakita nauna ako sayo rito at natutulog ako nung dumating, kaya paano mo nasabing sinusundan kita ha?"sabi ko sakaniya pagkatapos umirap

Bigla nanaman siyang tumawa ng malakas"Sorry, napansin ko kasi nung nakita mo ako bigla kang nalungkot."sabi niya at nang tinignan ko ang mata niya nakita kong nagsasabi siya ng totoo.

Tama nga siya, meron paring parte ko na umaasa na si Lucas ang una kong makikita pag kagising ko, I guess I'm a long way down the road of moving on, dahil alam ko sa sarili ko na mahal ko parin siya kahit papaano.

"Ako nga pala si Rix ikaw anong pangalan mo para hindi na kita tawaging palatulog." sabi niya habang inilalahad niya ang kamay niya sa harap ko.

Inabot ko iyon at sinabing " Selene, at hindi ako palatulog I'm just emotionally tired." emotionally tired of being heartbroken gusto ko sanang idagdag pero hindi ko tinuloy dahil hindi ko pa siya masyadong kilala baka kasi mamaya isa lang ulit siyang plastic.

"Selene??? Magandang pangalan, alam mo ba si Selene ang greek goddess of the moon!?" sabi niya habang napansin kong umiilaw ang mata niya habang sinasabi niya ang tungkol sa greek goddess.

Napagtanto kong mahilig siya sa mga greek dahil merong kakaibang kislap ang mata niya noong sinasabi niya ang tungkol dito." talaga!? Hindi ko alam yun ah." sabi ko habang nakangiti.

"yup, kaya nga tawag ko saiyo simula ngayon ay moon, ok moon?"sabi niya na parang tuwang-tuwa pa sa naisip niya.

Actually gusto ko yung pag tawag niya ng moon saakin, to the point i felt my heart flutter, Bakit ganon alam kong hindi pa ako nakapag move-on pero when saw his eyes I felt something I have never felt before kahit kay Lucas hindi ko ito naramdaman.

I felt complete....

"Rix? Anong oras na kailangan ko naring umuwi e." sabi ko ng mapansin kong dumidilim na ang paligid.

"sige hatid na kita Moon, mahirap na baka may mangyaring masama saiyo gabi narin kasi e." sabi niya at naramdaman ko ulit ung naramdaman ko kanina, hindi ko nalang ito pinansin at tumango nalang ako.

Habang naglalakad kami kami naalala ko na naman kung bakit ako pumunta doon, naramdaman ko ang mga luha kong unit-unting lumalabas kaya bago pa mapansin ni Rix iyon pinunasan ko na.

"Ilang taon kana pala Rix?" sabi ko dahil ayoko ng sobrang tahimik.

"19 na ako ikaw moon ilang taon kana?"sabi niya at nagulat ako dahil akala ko mga nasa 20's na siya dahil sa tangkad niya.

"18 palang ako."sabi ko naman, napangiti agad siya bigla."ok, simula ngayon dapat tawag mo saakin kuya ok? Moon." sabi niya habang tumatawa siya.

Hindi ko rin napigilan ang sarili ko pati ako na rin mismo napatawa ewan ko ba pero may kakaiba sakanya na kapag kasama ko siya palagi akong masaya.

I never thought that someone could be so close in a very limited time, But I guess it depends on the person wether they are real or a fake.
~♥~

♥♥♥Yet Another Plastic♥♥♥{COMPLETED}Where stories live. Discover now