"Drain! Nandito na si Jerace! Sinusundo ka!" Biro nung lalaki.

Agaran ang pagtingin ko sa puwesto ni Drain at nagulat pa ako nang makitang nakatingin na siya sa'kin. May sinabi siya kay Ash at inayos ang gamit niya. Napatingin ako kay Ash at masama ang tingin niya sa'kin.

The hell I care! You're ugly naman!

" Wait lang, Drain!" Humabol pa siya nang maglakad na si Drain palapit sa'kin.

" What?"

Ngumiti siya. " Puwede ba akong sumabay?"

My eyes widened. Nakaramdam ako ng sobrang inis!

Kumunot ang noo ni Drain. " Why? Don't you have a driver?"

"Ah..hindi raw ako masusundo e."

Sinamaan ko siya ng tingin. " Liar!"

" What?!" Tumaas ang kilay niya at lumingon sa'kin.

"Gusto mo lang sumabay! Duh!"

Natawa siya. " Of course not, kid. Wala lang talagang susundo sa'kin."

" I'm not a kid."

" Oh? Really? " Halatang-halata na inaasar niya ako!

" Oo! Gusto mo sample?" Humakbang ako palapit sa kaniya. Sinalubong niya naman ako at nakataas ang kilay!

" Stop it." Hinawakan ni Drain ang braso ko.

" Bakit ako? Siya ang nauna!" Inalis ko ang kamay niya.

Ash rolled her eyes. "Oh my gosh! You're so immature!"

" What?!" Pinipigilan kong magalit pero nakakainis siya! " Ako, immature?!"

" Yes! Why? Hindi ba ah?"

Bago pa ako mahila ni Drain ay mabilis kong nahatak ang buhok ni Ash! Napatingin sa'min ang naroon pa sa room. Sumigaw sa sakit si Ash na agad napahiga!

"Ouch! Let me go! Ouch!" Reklamo niya. Wala akong pakialam at sinabunutan pa siya.

" Fuck! What the hell, Jerace!" Agad akong hinatak ni Drain pero inalis ko ang kamay niya!

Gosh! I'm so mad!

" Sumusobra ka na! Alam kong may gusto ka kay Drain kaya ginagawa mo 'to!" I shouted!

" Ouch! Ano ba!" Natulak niya ako kaya mabilis na naman akong nahatak ni Drain patayo!

"Jerace!" Napatigil ako nang galit siyang lumingon sa'kin. Hinihingal pa ako dahil sa ginawa ko sa babaeng 'yun!

Mabilis niyang dinaluhan si Ash nang magsimula itong humikbi. I raised a brow. Iyon lang, umiyak na siya? What a cry baby!

May mga kalmot siya sa braso at gulo ang buhok. Hindi man lang ako nagsisi dahil matagal ko ng pangarap ang magawa 'yun sa kaniya!

Napatingin ako sa mga kaklase nilang nanonood na pala sa'min. Inalis ko ang tingin sa kanila at nilipat kina Drain.

Nagulat ako nang buhatin niya si Ash.

" Are you okay? Dalhin kita sa clinic." He whispered.

Nagpaawa pa si Ash at kumapit sa kaniya. Nakakairita!

"Okay. It hurts!" Tinuro niya ang mga braso. Tumango si Drain at tumingin sa'kin. Masamang tingin!

" Mauna ka na. Hindi kita maiisabay." Malamig na sabi niya at akma akong lalampasan ngunit hinarangan ko siya.

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon