I know you
Kaagad ding natapos yung show ni Javy dahil may pupuntahan pa daw silang taping pagkatapis ng show.
Ng magsimula ng magbigay ng autograph si Javy ay hindi na kami nakasingit dahil sa sobrang dami ng tao at bumili ng kanyang cd. Halos magka stampede pa nga.
Andito na kami sa parking at hinihintay ang pagbabalik ng ilan naming kasama.
"Gaga ka. Nagsolo flight ka kanina! Di mo kami ininform" natatawang sabi ni Jane sa akin habang inaayos namin sa likod ng Van yung mg ginamit namin na tarp.
"Agaw eksena ka dun! Di ko alam na megaphone pala yang boses mo girl" ani ni Karen sa tabi na umiinom ng tubig.
"Nagulat lang talaga ko. Mukha kasi siya talagang anghel na bumaba sa langit. dapat pala isinigaw ko nalang na kung pwede ko siyang itanan e" lintaya ko habang inaalala ko yung pagngiti sa akin ni Javy kanina.
Para parin akong naglalakad sa alapaap habang inaalala ko ito. Daig ko pa ang nagmagna cumlaude sa ngiting iginawad sa akin!
Ilang araw na din ang lumipas ay hindi pa din humuhupa ang nararamdaman kong pagkakilig.
"Girl. You're making me sick. Get over it. Lahat naman nginingitian ng mga artista."
"Shaz, Hulog na hulog na ako. I'll never be able to move on." Sabi ko at tumingin sa bintana. "Tsaka iba yung ngiti niya sa akin. Grabe talagaaaa!!!"
"Di ko alam kung ano pinakain mo kina Tita at pinayagan nila yang kagagahan mo!"
"Okay lang. Deep down suportado mo din ako, look at us? Ihahatid mo pa nga ako sa taping ni Javy e." Ngisi ko kay Shaz na abala pa din sa pagddrive.
"E kung iliko ko na kaya to at ihatid kita sa inyo?" Ngisi niyang pabalik sa akin.
"You can't do that. Hindi kita ilalakad kay Jio pag inuwi mo ako."
Shaz is my cousin and my best friend. dahil sabay kaming lumaki at pareho kami ng school na pinapasukan ay mas lalo pa kaming naging close. Hindi man niya aminin ay talagang kunsintidor din siya.
Ilang saglit pa ay andito na kami sa Laguna kung saan ang taping ng bagong telesrrye na ginagawa ni Javy.
"I'll pick you up at 7"
"8"
"6"
"7. I love you." Nagbeso kami bago ako bumaba ng sasakyan. At tuluyan na din siyang nagpaalam sa akin.
Tinext ko muna si Marianne upang ipaalam na andito na ako para malapitan ko na sila. Sa di kalayuan ay nakikita ko na may shooting ng ginagawa.
Hindi naman nagtagal ay nagreply din siya agad at sinabing nasa tent sila ni Javy.
Dugdug. Dugdug. Dugdug.
Ayan na naman yung puso ko na naghaharumentado. Ilang saglit pa ay narating ko na din yung tent ni Javy. Pagkapasok ko ay tinawag si Marianne.
Kitang kita ko sa kinakatayuan ko ang pag pipicture nila kasama si Javy. Isa yun sa mga nagustuhan ko sa kanya dahil sobrang bait niya sa mga fans niya. At hindi mo maraaramdaman na Fan ka lang niya. Para kaming kaibigan na din kung ituring niya.
Ngumisi ako ng lumingon na sa akin si Marianne. Lima lang kaming andito ngayon. Wala akong klase ng hapon kaya pumayag na akong sumama sa kanila.
"Bakla kanina kapa diyan?" Sa sinabi niyang iyon ay ikinalingon nilang lahat.
Nahagip ng tingin ko ang pagtingin sa akin ni Javy at pagngiti.
"Hey! I know you."
"Hi Stan" sambit ko na siyang ikinataas ng kilay ng mga kasama ko.
"Ay ang taray mo te. May sarili kang tawag ke Javy beybeh" ani ni Alice.
"Ikaw yung sumigaw nung sa La Union diba" sheeet calm your self girl. Natatandaan ka niya!!! "Ano kasing pangalan niya?" Tanong niya kay Alex na katabi niya.
Kahit lagi ako sa mga gigs ni Javy ay di naman ako consistent na andon kaya siguro hindi niya rin matandaan pangalan ko.
"Stacey." Sabi ko sa kanya na ikinabalik ng tingin niya sa akin. Ngumisi ako sa kanya "Pwede ka bang iuwi Javy? Please?" Sabi ko papalapit sa kanya at walang pakundangan na yumakap. "Ang bango bango mo pa. Grabe. Itanan na kaya kita?" Sabi ko pa na siyang ikinatAwa naman niya.
"Bakla ka. Dumadamoves ka diyan. Lumayo ka nga sa baby ko" ani ni Alice sa tabi.
Hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya at tiningala ko siya.
"Nasa langit na ba ako?" At yunakap ko siya ulit at doon ko na din naramdaman yung pagakbay niya sa akin.
"You're funny Stacey" rinig ko pa rin ang pag ngiti ng kanyang boses.
Tinignan ko ulit siya at sinabing "pwedeng pa kiss?"
Narinig ko ang pagalma nila Marianne sa likod na ang kapal kapal ng mukha ko. E ano ba susulitin ko na to no. Lalo na at major exams na next week. At ang dami school activities.
"Hahahha. Sure. Ikaw ha"
Akmang hahalikab na niya ako..
"Sa lips please? Torrid na din pwede?" Walang pigil kong sabi at naramdaman kong may humila sa buhok ko. At siyang pagbitaw ko kay Javy.
"Hoy teh! Sapakin ka namin gusto mo"
"Eh ang bait kasi niya e. Lubusin ko na" sabi ko sabay kindat kay Javy na siyang ikinangiti niya lalo.
"Wag kayong kontra please. Love life na talaga to!" Binalingan ko si Javy na nakatingin pa din sa akin na nakangiti. "Marcus free ka ba mamaya? Ako kasi free ako e. Baka pwede ba kitang iuwi sa amin. I'm sure my parents won't mind."
Lumapit siya sa akin at pinisil ang pisngi ko. Bakit ganun pati daliri niya ang lambot. Heaven girl!
"Ang cute mo Stacey."
"Bakit parang may mga anghel na tumatawag sa akin nung binaggit mo pangalan ko? Pwede bang pakasalan na kita para araw araw akong nasa langit?"
Humagalpak lang sa tawa si Javy.
"Stacey ano bang problema mo? May pinagdadaanan ka ba?" Tanong sa akin ni Marianne sa gilid ko.
"Nayakap ko kasi si Marcus at nawala ako sa sarili ko."
"Javy hanap kana ni Direk"
"Okay. Sunod ako."
YOU ARE READING
Started With A Date
Teen FictionI'm in love with a celebrity. The most popular celebrity in this era. I'm in love with Javy Hobbs. I-L-O-V-E JAVY MARCUS HOBBS. I'm a class A stalker. And unfortunately he HATES ME. I became the most Annoying person in his life. I ruined his dat...
