"Yes mom. I'll be home before midnight. Promise. Yes mommy. Okay. I love you." And I ended the call.
Tinignan ko ang relo ko. 10 am palang, pero kanina pa kami nasa biyahe papuntang Pangasinan. May mall tour si Javy ngayon sa isa sa mga mall doon.
Kailangan maaga kami dahil siguradong blockbuster na naman yung mga taong dudumog kay Javy dun. 4pm magsisimula yung event.
Yeah baby. From South to North. How is that? I'm from not so South, sila oo pero ako sa Taguig lang. Pero ang layo padin! To think na patayan pa naman yung traffic sa edsa. Like now. 2hrs na kami sa edsa at nasa may Quezon ave palang kami!
"Sayang talaga Stace wala ka last time! Ang galing galing ni Javy."
Linigon ko si Camille sa pinakadulo ng Van. At sumimAngot ako.
Sising sisi talaga ako last last week nung concert ni Javy.
"Tapos after pa naman pinapasok kami sa backstage. Did you see our pictures na ba?" Sabad naman ni Alice sa kaliwa ni Cams.
"Ang bango bango niya te! Nahalikan ko na naman nga siya e. Next time sa lips na"
"Kahit pawis mga bakla aminin niyo ang yummy padin ni Javy"
Lahat kami ay sumangayon. Naliligo ba ng pabango ang mga artista dahil sobrang babango nila? Kahit pawis nila ang babango e. Lalo na si Javy ko. E yung sakin maasim e. Bakit ganun?
"I saw Javy's, pero yung sa inyo hindi. Mamamatay ako sa inggit. Ay namatay na pala ako. Kaluluwa ko nalang tong kasama niyo"
Humalakhak sila at nagtuloy pa sila sa pangiingit sa akin. Hindi ko maipagkakaila na talagang nainggit ako noon. Pinagipunan ko pa naman kasi yung VIP seats pAra don pero talAgang di ako pinayagan ni Mommy kahit na may ticket na ako. Ang sakit Kuya Edi.
Hindi rin ako nakatulog Dahil iniisip ko kung ano ng nangyayare sa kanila ng mga oras na yon. Umiyak pa nga ako e sa sobrang dismaya.
Matagal na kasi naming usapan ni Mommy at Daddy na papayagan nila ko sa pagffan girl ko kay Javy basta hindi ito hahadlang sa grades ko. At kapag bumaba isa sa mga grades ko
ay talagang lagot ako. Kalahating taon akong hindi makakapunta sa lahat ng acvities ng Javians kaya okay na din yun.
Aaminin ko na, nung una wala talagang dating sakin si Javy, pero talagang tinamaan at pinana yata ako ng dalawang dosenang kupido dahil binaliw niya ako ng husto. 24 na pana niya ang sapul na sapul sa puso ko at sa ulo ko.
Ang pagtapik ni Alice ang siyang nakapagpagising sa akin. Nakatulog na pala ako ng hindi ko namamalayan.
Pumungas pungas ako at tinignan ko ang relo ko. 3pm na!! Napatingin ako sa kanila na abala sa paglingon lingon sa paligid at namamangha din sa kapaligiran. Ang ganda kasi dito at medyo malamig na compare sa amin.
Nang kumulo ang tiyan ko ay yinaya ko na silang kumain na muna. Dahil hindi rin naman kami nagstop over ng papunta dito. Nagtitipid kaming lahat. Dahil medyo malaki din ang gastos namin. Sa mga baon pa kasi namin kinukuha yung mga pinapagawa naming tarp. At katulad na din nitong unipormAdong tshirt na suot namin ngayon.
Bute nalang at nakaarkila din kami ng van na sasakyan.
Binilisan lang namin ang pagkain at nagpasya na kaming dumiretso
Sa event center. Dahil Filipino time malamang mamaya pa yun ulit maguumpisa.
Siniko ko si Marianne at tinanong kung mY ibang show pa ba si Javy ngayon.
"Oo. Galing yata siyang Galaxy Network niyan. Diba may sunday show sila ngayon, andon sila ni Cassy ngayon."
Narinig ko ang pagtawag sa amin ni Camille na ayusin na yung mga tarps dahil malapit na daw dumating sila Javy.
Si Camille ang aming leader dahil umpisa palang ay fan na fan na talaga siya ni Javy. Early this year ko lang nadiscover yung fanbase na ito dahil nung una ay hindi pa naman ako ganun ka baliw.
Nagsimula ako sa pagccomment comment sa mga pictures na tinatag nila kay Javy kung kailan ba yun nakunan yung whereabouts ni Javy hanggang sa tuluyan na akong inalok ni Camille na sumali sa kanilang fanbase.
Wala naman sa kanila kung sino ang makakapareha ni Javy, ay susuportahan pa din namin siya. Javy Marcus Stanley Salcedo Hobbs all the way kami. Sa aming mga miyembro kanya kanya nalang din kami kung sinong kapareha niya ang susuportahan namin. Ang mahala ay ang pagmamahal namin para kay Javy.
Pang 9 na mall show palang ito ni Javy na nakasama ako. Hindi naman madalas na solo show niya ay andon padin kami para suportahan siya. Pero sa bawat show niya na nakikita ko siya ay palala ng palala ang nararamdaman ko sa kanya. Para na akong traffic sa edsa na hindi makamove on.
I'm very thankful sa parents ko na sobrang supportive. Pero tuwing may family gathering kami ay nagppass ako sa mga shows kAya binihira akong makasama. Number 1 priority ang family.
Ilang saglit pa ay nakahanda na kami ngunit wala pa ring Javy na dumarating. Inaliw nalang namin ang aming mga sarali sa pagkkwentuhan.
Apat na palapag ang mall na ito at punong puno ng mga tao.
Inikot ko pa ang mga mata ko sa mga taong may dala ng malalaking poster ni Javy.
Napahinto ang tingin ko sa isang teenager din na may dala ng malaking tarp din na may mukha At pangalan ni Javy. Napakagwapo talaga ni Javy wala kang itatapon. Walang anggulo kang hindi mamahalin. Yung ngiti niyang lalaglag talaga yung underwear at ovaries mo. Sa kinis niya, mapupungay at nagsasalitang mga mata. Kay tangos niyang ilong na minana niya pa sa Aussie niyang ama. Yung perpektong hugis ng kanyang labi at ngipin. Oh boy. Sino ang hindi magkakandarapa sa lalaking ito?
"Girls get ready. Javy is here" rinig kong sigaw ni Alice sa amin.
"OMG OMG" naghaharumentado na ang puso ko.
"Feeling ko magppropose na si Javy sakin. I can't breathe" sabi ko sa kanila na siya namang ikinatawa nilang lahat.
Wala pang limang minuto ay narinig ko na ang emcee na inaanunsyo na ang pagdating ni Javy.
Hindi na niya kami pinaghintay at nakita ng dalawang mata ko ang ngiting gabi gabing nasa panaginip ko na nagpapasya sa akin.
"Yes Javy! I'll marry you! Yes!" Sigaw ko at dahil nasa harap ako ay tinignan niya ako. Tumahimik din sa palagid ko.
Sabay ng paglapat ng mata niya sa akin ay ang pagsilay ng kanyang nakakamatay na ngiti at kindat sa akin.
Na siyang ikinasigaw ng buong tao sa mall na ito.
And the crowd went crazy.
YOU ARE READING
Started With A Date
Teen FictionI'm in love with a celebrity. The most popular celebrity in this era. I'm in love with Javy Hobbs. I-L-O-V-E JAVY MARCUS HOBBS. I'm a class A stalker. And unfortunately he HATES ME. I became the most Annoying person in his life. I ruined his dat...
