Chapter 29 : Ain't a coward

Começar do início
                                    

Teka may tao ba sa loob?

"Tammy takbo!"

Biglang tumili si Milky kaya lumingon sa direksyon ko ang salaring kumakaladkad sa kanya. Akala ko lalapitan niya ako pero nagtaka ako nang ibinalik lamang niya ang tingin kay Milky at kinaladkad ito hanggang sa makarating sila sa mismong likod ng sasakyan. 

Para akong nanigas sa kinaroroonan ko dahil sa gulat nang bigla na lamang niyang ikinadena ang dalawang paa ni Milky sa likod ng sasakyan. Sa pagkakataong 'to, para ng tambol ang pagkabog ng puso ko at para na akong masisiraan ng bait. Diyos ko anong gagawin niya sa kaibigan ko?!

Napasinghap ako nang bigla na lamang iniwan ng salarin si Milky. Pumasok siya sa loob ng sasakyan, hindi sa driver's seat kundi sa passenger's seat. Isa lang ang ibig sabihin nito--May kasabwat siya! Hindi siya nag-iisa!

"Milky!"

With all my strength and might, I stood up. I heard something snap on my leg, it was excruciating but I ignored the pain and ran as fast as I could. I was tipsy, it was as if I was drunk, Drunk with pain and downright terrror.

Para akong tuluyang nawalan ng lakas nang makalapit kay Milky. Nadapa ako sa tabi niya pero hindi ko na ininda ang matinding sakit, dali-dali kong hinawakan ang kadenang nagkakabit sa kanya sa kotse. Umaandar na ang makina ng sasakyan at sigurado akong ano mang oras ay tatakbo ang sasakyan at makakaladkad ang kaibigan ko at kung hindi ako bibitaw, siguradong makakaladkad din ako.

"Tammy what are you doing?! Run!" Pagmamakaawa ni Milky habang humahagulgol.

"No! I'm not leaving you! I wont let go!" Muli kong giit habang pilit na kinakalas ang kadena ngunit balewala, may kung ano itong locking mechanism na hindi ko maaninag.

"Bestfriend, thank you." Narinig kong muling humagulgol si Milky kaya napatingin ako sa kanya. Umiiyak man, nakikita ko siyang ngumingiti. Kung hindi lang siya mukhang takot, masasabi kong mukha siyang natutuwa.

Narinig kong bumakas at sumara ang pinto ng sasakyan. May lumabas mula rito at patungo ito sa amin pero imbes na bumitaw o tumakbo, lalo lang akong humawak ng mahigpit sa kadena at muli itong hinigit at sinubukang kalasin mula sa sasakyan.

"Tammy tumakbo ka na!" Muling sumigaw si Milky habang nakatingin sa likod ko na para bang takot na takot. Hindi ko na kailangan pang magtanong, alam ko at ramdam kong nakatayo na sa mismong likod ko ang salarin.

Bigla kong naramdamang hinawakan ng salarin ang paa ko at para bang kakaladkarin na naman niya ako kaya hindi ako bumitaw sa kadena at sa halip ay niyakap ko ng mahigpit si Milky.

"Tammy!" tili ng tili si Milky. Kapwa kami takot na takot, nanginginig at humahagulgol.

"I wont let go! I wont let go!" Paulit-ulit kong sambit habang mas hinihigpitan pa ang yakap sa kanya. Maging siya'y yumayakap narin sakin kaya hindi ako mahila ng tuluyan ng salarin.

Milky is my bestfriend and I'm not letting go. If we will die tonight, I'd rather die with my bestfriend.

Biglang kumidlat at saglit na lumiwanag ang paligid. Sa di malamang dahilan, bigla kong naramdamang bumitaw si Milky sakin. Nagulat ako sa ginawa niya at dahil dito ay tuluyan akong nahila ng salarin paupo at palayo sa kanya.

Bigla kong naramdaman ang braso ng salaring pumulupot sa bewang ko. Para niya akong niyayakap mula sa likod gamit ang dalawa niyang kamay. Masyado siyang malakas kaya nagawa niya akong kargahin palayo kay Milky.

Hinang-hina na ako. Parang switch ng ilaw ang paningin ko, bigla-bigla nalang dumidilim at lumiliwanag. Nag-aagaw ang kamalayan ko't pagod. Pakiramdam ko ano mang sandali ay mawawalan ako ng ulirat.

Bigla akong iniupo ng salarin sa tabi ng kotse ni Quinn na nakataob. Pinosas niya ang kamay ko sa isang bahagi nito.

Hindi ko makita ang mukha niya. Masyadong madilim at may takip ang mukha niya. Hindi siya nagsasalita o gumagawa ng kahit na anong ingay.

Nagulat ako nang bigla na lamang siyang lumuhod sa harapan ko gamit ang isang paa. Napatili ako at napapikit. Akala ko ay sasaksakin niya ako o di kaya'y pagbubuhatan ng kamay pero laking gulat ko nang maramdaman kong may ipinulupot siyang piraso ng tela sa ulo ko dahilan kung bakit tuluyang naghari ang dilim sa paningin ko. Teka totoo ba to? Pinipiringan lang ako ng salarin?!

Akala ko hanggang dun lang pero nagtaka ako kasi may inilapat siya sa dalawang tenga ko--Headphones. Sa isang iglap, ang tanging naririnig ko na lamang ay ang kanta ng Centuries ng Fall Out Boy.

Dilim at malakas na musika. Dahil sa dalawa ay para akong nawawala sa reyalidad. Wala akong makita, wala akong marinig pero dahil dito ay lalo lamang tumitindi ang takot ko.

Huminga ako ng malalim at pinilit kong makiramdam sa paligid. Unti-unting humihina ang musikang naririnig ko hanggang sa tuluyang pumangibabaw sa pandinig ko ang napakalakas na palahaw ni Milky na labis na nasasaktan. 

"Milky!!!!"

End of Chapter 29

Author's Note : Guys, please let's avoid spoilers lalo na pag nasa social networking sites. Maawa kayo sa ibang readers na hindi pa nakakapagbasa ng latest update. hahahahaha.

Thanks for reading!

Vote and Comment <3

The girl who cried murderOnde as histórias ganham vida. Descobre agora