Chapter 18: Feelings, Emotions

Start from the beginning
                                    

            Justin sent Aubrey that text message before hopping in the driver’s seat of his car. Nang i-start na niya ang makina nito, naka-tanggap na siya ng reply kay Aubrey—or at least he thought so. Nang i-check niya kasi ang kanyang cellphone, text mula sa isang unregistered number pala ang kanyang natanggap. And it said:

            Justin Calleja. Why don’t you check your email to see a very interesting news about your fiancee?

            Napakunot noo si Justin. He wondered who the sender was, pero kaysa reply-an ito ay inuna niyang i-check ang kanyang email.

            What could have happened to Aubrey?

            Alalang-alala siya sa nobya. Baka kasi may nangyari rito dahil sa naging pag-uusap nila kahapon.

            Justin had twenty unread messages in his email, pero alam niya agad kung alin doon ang tinutukoy ng nag-text. The one with the subject, Interesting News, Justin, from nobodyknows@email.com.

            See what your fiancee did in Japan—with your best friend.

            That was the message said, with an attached video na agad niyang dinownload at pinanood. Nanlaki ang mga mata niya sa unang limang segundo palang nung video. And the rest of it, hindi na niya kinayang panoorin. Masyadong masakit sa puso. Masyadong nakakakulo ng dugo. Nanginginig at naluluha na lang niyang binitawan basta-basta ang cellphone.

            Aubrey... Chester... How could you do that to me?

                                                            ***

TULALA SI CHESTER habang nakapuwesto sa harap ng kanyang computer monitor.

            Linggo na Linggo, iyon ang pinagkakaabalahan niya. Family business. Puro na lang iyon mula nang bumalik siya ng Pilipinas galing Japan.

            Nanghihina siya. Hindi sa may sakit siya. Wala lang siyang gana na gumawa ng kahit ano. And it was not like him.

            Chester Salviejo? He never gets distracted. He is goal-oriented. He is organized.

            But how come I’m distracted right now? And I’m messing up.

            Then Aubrey popped up into his mind. Aubrey, that night they shared, and the tears she shed.

            Because of a girl, I’m being like this. For the first time.

            Gulung-gulo ang isip ni Chester. Gulung-gulo siya sa sarili niya.

            When he found out that Justin still had no idea about Aubrey’s past, he wanted the girl to break up with him and back out from their wedding. Simple lang naman ang dahilan niya. Nag-aalala kasi siya dun sa babae.

            Nung nasa Amerika pa siya, minsan na kasing nakapagkuwento sa kanya si Justin tungkol kay Aubrey. His best friend loved the girl so damn much and was very proud of her. Proud sa pagiging talented nito at sa pagiging inosente.

            “Damn, bro. Kung sa past girlfriends ko, naba-badtrip ako kapag binibitin ako. Kay Aubrey, hindi. If she wants to do it only right after getting married, then I’ll wait. She’s very worth the wait after all.”

            Ayun ang minsang nasabi ng best friend niya over the phone, which made him believe na natamaan na ang loko—na ayos lang naman. Sana. Kaso hindi. Hindi, dahil ang Aubrey na tinutukoy ng kaibigan ay ang babaeng binayaran niya pala noon para magamit ng isang gabi. Ang babaeng tumatak sa isip niya dahil sa pag-iyak nito matapos na may mangyari sa kanila.

            Nang makilala niya si Aubrey bilang fiancee ng kaibigan, hindi niya napigilang mag-alala. Aubrey was not the woman his best friend was expecting her to be. She was not innocent anymore—‘cause he was the one who took her innocense.

            Chester knew his best friend very well kahit ilang taon na silang hindi nagkikita. Hindi naman kasi nawala ang komunikasyon nila. Kahit madalang, nagkakamustahan pa rin sila. With that, alam niyang madi-disappoint si Justin at hindi matatanggap ang nakaraan ng fiancee nito—and would end up hurting the girl.

            Babalewalain naman na sana niya ang pag-aalalang iyon. Pero nang magka-ideya na siya kung bakit nagawa ni Aubrey na ibenta ang sarili noon, lumala ang pag-aalala niya.

            She already had gone through a lot. She doesn’t deserve to get hurt just because of her past. Chester thought before deciding to do the haunting game with Aubrey.

            Kailangan niyang mapaghiwalay ang dalawa bago magpakasal ang mga ito at bago pa masaktan si Aubrey. At kailangan niya ‘yung magawa nang hindi sinisiraan ang kaibigan. Pero, wala siyang napagtagumpayan sa mga iyon. Kaya siya nanlulumo ngayon eh.

            Matutuloy na ang kasal nina Justin at Aubrey. At nagawa na rin niyang siraan ang best friend niya. Above all, napagtaksilan na rin niya ito.

            Napahilot ng ulo si Chester.

            Aubrey. Aubrey. Aubrey. That name was echoing inside his head, confusing him. Pero hindi naman siya tanga para hindi maintindihan agad ang sarili. Hindi lang niya iyon matanggap—hindi niya matanggap na nahuhulog ang kanyang loob sa isang babae na kagaya pa nito.

            Because I do not fall in love. I don’t want to.

            Sa kabila ng pag-iisip nang malalim, napansin niya ang message na nag-pop up sa computer niya. An email notification.

            Chester opened the email tab to check the email he just received. It was from nobodyknows@email.com with a subject, Chester Salviejo, Damn You.

            Kunot noo niyang binasa ang laman no’n.

            Now, I wonder what’s gonna happen to you, to that slut, and to your stupid best friend.

            There was also an attached video na agad niyang dinownload at pinanood.

            “Shit.” Napatayo siya nang mapanood ang simula ng video na naka-attach at nanggigil ang kanyang mga kamay sa galit.

            Who the fuck recorded this video? Sa loob pa ng kuwarto ko sa pagmamay-ari kong hotel!

            Nagmadali siyang umalis ng opisina. Habang pababa sa elevator, tinawagan niya ang kanyang mga tauhang naka-base sa Japan at inutusan ang mga ito na alamin kung sino ang gumawa ng kalapastangang iyon sa kanya.

            After that, he made another call. Si Aubrey. Pero cannot be reached ang numero nito.

            “Damn it!” Pagkahinto na pagkahinto ng elevator sa basement parking, tumakbo siya. Sumakay siya sa kanyang kotse at madaling nag-drive—patungo sa babaeng alam niyang nanganganib ngayon.

—TBC

Haunting Aubrey (SEXY BLACK Duology Book 1)Where stories live. Discover now