Chapter 18: Feelings, Emotions

Mulai dari awal
                                    

            Madali nang bumangon si Justin at nagtungo sa bathroom ng kanyang kuwarto upang maligo.

            I’ll go make up with her. Now.

            At kasabay ng desisyon niyang makipag-usap at makipag-ayos sa nobya ay ang paglawak pa ng pag-iintindi niya sa sitwasyon nito—sa mga bagay na hindi niya nagawang intindihin kahapon dahil sa pagkagulat sa nalaman.

            Aubrey was an orphan. She had no one else to turn to when her mother died. All she had was herself, and life was really hard on her. She was helpless. Kung naging desperado siya, hindi ko siya masisisi. In fact, I might even have done the same thing if I were in her shoes, matupad lang ang pangarap ko.

            His heart then hurt, realizing how Aubrey suffered para marating ang estado nito ngayon.

            Sana nung mga panahon na ‘yon ko pa siya nakilala. Para natulungan ko siya at naprotektahan.

            “Kuya Jus!”

            Natuwa ang kapatid niyang si Renton nang makita siya nitong pumasok sa kanilang kainan. The kid was busy eating breakfast with their mom.

            “Oh Justin?” Medyo nagulat ang ina niya na agad niyang hinalikan sa pisngi.

            “Good morning, Mom.” Bati niya rito. Pagkatapos ay lumapit siya sa kapatid at ginulo ang buhok nito. “Ren. How’s school yesterday huh?”

            “Kuya? Saturday po kahapon!”

            Saglit na hindi nakaimik si Justin bago natawa. “Oo nga pala. Sorry.”

            Lumapit siya sa upuan kung saan lagi siyang pumupuwesto, pero hindi siya umupo roon. He only grabbed a loaf of bread at madaling kinain ‘yon.

            “Justin, balita ko umuwi ka raw nang lasing kagabi.” Kalmadong sita ng kanyang ina.

            “Mm,” slight siyang tumango habang ngumunguya.

            “Bakit? Nag-away ba kayo ni Aubrey?”

            Medyo na-amuse naman si Justin sa tanong ng ina. Kilalang-kilala talaga siya nito. Alam nito na isang bagay lang ang maaaring mag-udyok sa kanya na magpakalasing, at ayun ay anumang may kinalaman sa relasyon nila ni Aubrey.

            “Not really,” sagot niya sabay inom ng tubig. “Anyway I need to go now, Mom.”

            Muli niyang nilapitan at hinalikan sa pisngi ang kanyang ina.

            “And where are you going?” Nag-aalalang tanong nito.

            “To Aubrey. Gonna make up with her.”

            Napangiti na ang kanyang ina. “That’s good. ‘Cause I’m gonna kill you if she backs out from your wedding.” At pinanliitan siya nito ng mga mata.

            “Mom?” Natawa si Justin. “That’s never gonna happen.”

            “Kuya!” Renton raised a hand. “Please tell Ate Bree na mag-visit po dito! I already miss her!”

            “I will, I will. See you later.” Justin waved at them then hurriedly went out to get his car.

            Aubrey, I’m sorry about yesterday. I’m really sorry. Right now I’m going to your place. Gonna talk to you. Okay baby?

Haunting Aubrey (SEXY BLACK Duology Book 1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang