THREE (1/2)

10 1 0
                                    

"ARE YOU a trainee in your company? This issue can be resolved in two minutes. We are talking for twenty minutes now. I am starting to get frustrated."

Ni-mute ni Kaylee ang kanyang Avaya. Walang kasing lalim ang pinakawalang buntong hininga. Maging siya'y nafu-frustrate na rin sa kausap na matanda.

"Bill, I know how important your time is. Please remember that you got me here to help you fix your TV. Can you kindly check if the wire is properly attached to the socket?"

"Are you telling me that I don't properly attached it. Jeez, get me your f*cking supervisor. And it's B E L L not Bill."

"Hold on please," she put the client on hold. Saka sumigaw. "TL, supcall."

"Bakla, nakakaapat ka nang supcall and it's just the first two hours of your shift. Are you on drugs?" Gigil na gigil na ang pagirl niyang team leader.

She understood Nix getting frustrated on her. She never had four supcalls ever. Madalang pa sa patak ng ulan, kumbaga sa isang buwan, mga tatlong ulit lang siya magkasupcall. Maging siya'y nafufrustrate sa sarili. Kulang siya sa tulog, bangenge siya, wala siya sa sarili, and she couldn't focus.

"Transfer the call and log out to both your PC and Avaya. Lumapit ka rito."

Natulala siya. Was she terminated? Napakabig deal kasi sa kanilang account ang customer satisfaction. Kailangan niya na bang mag-update ng resume? May ipon naman siya sa bangko that could support her for a year pero tamad na tamad talaga siya sa pag-aapply.

Napamura siya nang imbes na matransfer ay na-end call niya. "TL, na-end call ko." Halos maluha luha na siya sa kanyang kagagahan.

Nahampas ng kanyang TL ang inooccupy na station. Now, she's dead. "Log out!"

She did. Nag-antay siya ng mga dalawang minuto bago lumapit dito. Abala itong kinakausap ang malamang ay ni-call back nitong customer niya. Isa pang minuto ang lumipas at natapos na rin ito with matching pakantang closing spiel. Pero nang makaharap siya nito ay sinapian ito ni Sadako.

"Umupo ka ngang bakla ka. What is your problem ha?" Nanlilisik ang eye contacts nito. Okay naman si Nix outside pero siyempre work's work. Walang kapatid, kapamilya o kapuso.

"E, kasi bobo."

"Sino? Ikaw?"

"TL naman, eh."

"Umuwi ka na nga muna Kaylee at baka mapatay pa kita. Whatever your problem is, dapat iniiwan 'yan sa labas ng building. We can't afford to lose business at alam mo 'yan. Now go, get drunk and get laid. Bukas pagpasok mo dapat okay ka na."

Damn you, Erwan! You are ruining me.

"Opo TL, salamat."

Nagpaalam na siya rito at bumalik sa station para isuot ang kanyang four inches stiletto. Hinubad niya ang suot na jacket at tiningnan muli ang repleksyon sa salamin. She assured herself that she's gorgeous. Dumaan siya sa locker upang kunin ang purse at phone and booked a Grab service. It's just 5am kaya hindi pa traffic.

SIX A.M ay nasa harap na siya ng gate ng Paraiso Residence. Si Mader F ang nagbukas ng gate for her. Napakaexcited nito nang makita siya. "Come, Kaylee. Dumiretso na tayo sa pantry para makapagkape tayo. Mabuti at hindi pa matraffic. Akin na 'yang paper bag mo't ako na ang magbibitbit."

"Thank you. Hindi pa naman po. Si Gil, Tita?" Inabot niya rito ang isang buong blueberry cheesecake habang siya na ang nagdala ng tinakeout niyang black coffee mula sa Cafe de Silva.

"Nagbibihis na 'yong boyfriend mo, sasabay siyang nagbreakfast, maupo ka na't antayin si Gil. Si Lilia'y maghahain na. Magpapalit lang ako ng mas comfy na damit. Medyo naiinitan na rin ako dito," anitong inginuso ang suot na pink pyjama.

"Please don't worry about me, Tita. Ayos lang ako dito."

Tumango ang ginang at umakyat na sa taas. Ipinatong niya ang bitbit na kape at tumungo sa dirty kitchen kung saan naabutan niya ang househelp na si Lilia who was finishing her garlic rice.

"Ang bongga naman ng outfit n'yo ma'am. Siguro ang mahal mahal niyan," tsinika siya nito habang hinahalo halo ang rice sa pan.

"'Wag kang papaloko sa nakikita mo, less than three hundred lang 'tong tube top at chino trouser, sa online shop ng isa kong workmate, 'di ako bumibili ng mahal. Madalas din ako sa Divi,"

Tsumika sila tulong sa fashion habang isinasalin ang mga niluto nito at dinala sa dining room.

Sakto namang bumaba si Gil nang maiset nila ang mesa.

"Good morning," ubod lapad ang ngiti nitong lumapit sa kanya at nagnakaw ng halik sa pisngi.

"Ang fresh mo naman sa Safeguard lemon," aniya. "I bought coffee from Cafe de Silva."

"Thank you. Nag-abala ka pa. Ako dapat naggaganyan sa'yo, eh." Habit nga siguro ni Gil ang kumamot sa ulo kapag nahihiya ito. "Hayaan mo't babawi ako sa'yo."

"Don't be pressured, Gil. Rice," aniyang iniabot niya rito ang mangkot.

"Thanks. Nga pala, nabigla ako kanina nang sabihin ni mommy na papunta ka rito. 'Di ba't may work ka?"

"Yeah," she said reluctantly. Pero nunca niyang sabihin niya rito ang dahilan kung bakit siya napauwi nang maaga. Nakakahiya. "I think I need an extra off. It was an out of the blue decision. So here I am. Okay lang bang sumama mamaya sa office?"

"Oo naman," anito at iniabot naman sa kanya ang plato ng sunny sideups. "Careful, medyo mainit pa."

It was her turn to automatically smile.

Lord, kung si Gil na po talaga. Magbigay po kayo ng sign. Kapag may nanghingi sa'kin ng barya this week, 'yon na po ang sign.

What the heck, Kaylee. Are you into marriage already? Akala ko ba'y chillax muna at matagal pa namang mawawala ang edad mo sa kalendaryo? As usual, ang kontrabida niyang inner self, tsinetsek ang kanyang katinuan.

"I just can't believe that we are this close already," mahinang bulong niya.

"You are saying something, Kaylee?"

"A-ah, wala naman, Gil. Ang s'abi ko'y ang sarap ng garlic rice at black coffee. Try mo, kumain ka na kasi."

Natatawa namang sununod si Gil.

Shit. Ang hot niyang sumubo.

UHAW at pagod si Erwan nang pumasok ng mansyon. Dalidaling tinungo muna niya ang kitchen upang kumuha at uminom ng dalawang baso ng malamig na tubig. Then he went outside, sa duyan sa ilalim ng mga puno ng narra. There he streched his body and felt rested.

Nakakapagod ang maghapon, sobrang naging abala siya. Umaga pa lang ay bumyahe na siya papuntang Santa Barbara upang bumili ng seeds, wala kasing stock sa kanilang suki sa sariling bayan. Bago umuwi ay dumaan siya sa mansyon ng mga del Sol upang kumustahin si Donya Cecilia. Nagbitbit siya ng paborito nitong roses at siyempre cassava cake.

Madalas kung hindi man kusa, ay binubuyo siya ng kanyang lola na bumisita sa kaibigan. Anito'y makabubuting may ibang nakakasalamuha ang matanda nang 'di ito maburyong sa mansyon.

Kaya pa naman nitong maglakad. In fact, minsan ay nadatnan niya itong nagjojogging kasama ang tatlong kasambahay.

Ang mga Sarmiento at ang mga del Sol ay matagal nang magkakilala at magkaibigan. Well, puwera sa kanila ni Kaylee del Sol. Whatever they had ay matagal nang natapos.

But he was frustrated. It didn't end well.

"Hijo, bring Kaylee back. Nararamdaman kong hindi na ako magtatagal. I want her to settle, have family and bear children."
⚜️to be continued⚜️

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 03, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Ex DealWhere stories live. Discover now