Chapter 16: Melting Point

Start from the beginning
                                    

Punyeta naman talaga, oh. Bakit ko nga ba nakalimutan na finals nila ngayon at ngayon ko pa talaga siya inaway.

"Maaga pa naman, eh. Kita na lang tayo sa arena later."

"Okay, girl! May bayad 'to ah! Hindi ko talaga ma-gets bakit ka pa nagpagawa ng mini tarp eh pwede namang ikaw na gumawa ng banner!" Sigaw niya sa kabilang linya.

The thing is hindi lang naman ang problema kay Ven ang nasa isip ko, pati ung deadlines sa schools at ilang requirements ko for internship ay inaasikaso ko na, naguguluhan na nga ako sa dami ng nasa utak ko. Gusto ko na lang matulog! Kaloka!

"Busy ako! Sige na see you later!" I said at pinatay na ang tawag. Bumuga muna ako ng hangin bago kinuha ang duffel bag ni Ven at lumabas ng unit para pumunta sa unit niya. Pagkapasok ko naman sa loob ay napailing na lamang ako ng makita ang sobrang daming bote ng Gatorade sa sahig. Praning din naman 'tong babaeng to eh no? Gatorade ung tinira imbes na alak!

Binaba ko ang duffel bag sa sofa niya at pilit na hindi inaalala ang mga sinabi ng nanay niya sa akin sa loob ng kwartong 'to. Kung hindi lang talaga siya mas matanda sa akin at kung hindi lang talaga siya nanay ni Ven baka nahambalos ko na siya pero syempre charot lang. Hindi ko pa rin kayang pumalag sa kanya dahil ina pa rin siya ni Ven. Ina niya.

Isa-isa kong pinulot ang mga nagkalat na gamit at basura sa sala niya at nilinis iyon. Binalik ko pa sa pwesto ung ps4 niyang hindi niya iniligpit, kahit pa gusto ko siyang pagalitan dahil ang kalat ng unit niya ay hindi ko na ginawa. No to bad vibes muna tayo, finals mamaya.

Dumeretso naman ako sa kusina niya pagkatapos kong linisin ang sala niya. Nagsalang na ako ng sinaing at kinuha ung last stock niya ng chicken sa freezer. I thaw the chicken first at minarinate. Pumasok naman ako ng kwarto niya after that.

Bumungad sa akin si Ven na nakadapa sa kama niya. I don't know if she's sleeping because she's facing the other side of the room. Tahimik ko namang kinuha ang mga kailangan niya sa training, ung uniform niya for today, some extra shorts and jogging pants for after championship celebration sana. Kumuha rin ako ng extra low cut socks niya, niready ang compression tights niya, some knee pads and ung rubber shoes niya.

Paglingon ko sa kanya nakita ko siyang nakaupo na sa kama niya at pinapanood pala akong ayusin ang gamit niya para mamaya. I smile at her a little bago tumayo at nilikom lahat ng gamit niya, she even looks confuse habang ginagawa ko lahat ng iyon sa kanya.

"I thought your mad." Mahinang bulong niya pero rinig ko pa rin naman kaya nilingon ko siya.

"I'm mad, but I still love you Ven. You don't stop loving someone dahil galit ka o pagod ka na sa kanila." Makahulugan kong saad habang tinitignan siya bago ngumiti ng tipid sa kanya at lumabas na ng kwarto niya leaving her there.

Maayos ko iyong inilagay sa duffel bag niya at inilagay sa gilid. Kinuha ko pa ang natitirang Gatorade niya sa ref at inilagay din iyon sa bag niya.

Binalikan ko ang niluluto ko at nagstart ng iprito ang manok. Nang maluto na ang kanin at ulam namin. Agad kong hinain sa hapag iyon while she's there looking at me intently, ung inis ko sa kanya kanina ay unti-unting nag-subside habang ginagawa ko lahat ng ito para sa kanya. I just love doing little things for her.

"Kumain na tayo para makapag-prepare ka na later on." I said at inilapag na ang mga kinuha kong kubyertos at pitsel ng tubig.

Nagulat naman ako ng bigla na lamang siyang naglakad papunta sa akin at kinulong ako sa isang yakap. I can feel my whole body freeze ng isiksik niya pa ang ulo sa leeg ko. The familiar warmth that she brings to me envelope my system as she shoves me away with her hug.

Why Does it Matter?Where stories live. Discover now