Chapter 7: Concentration

727 43 3
                                    

"Here." She said kaya agad akong napatitig sa maganda niyang kamay na nilalahad sa akin ang isang papel, her calloused hands look so engross in her training and sport.

"Ah, ano to?" Mahina kong tanong, her stares are so warm and cold at the same time, mainit ang bawat titig dahil direkta lamang itong nakatingin sa akin while cold because it doesn't portray any emotions in it.

"Schedule of the team, Coach said it earlier. Ginagawa ko lang." She simply said, pwede naman niya i-email sa aking or even message me on my facebook account, akala ko ganun ang gagawin niya.

"Ah, o-okay. Sige." I just said dahil naghuhumerentado ang puso ko habang nagtatagal ang tingin niya sa akin. I look at her but she was just looking plainly at me.

"Please, advise me kung anong oras ka darating sa practices so I could lend a hand on you." She said kaya tumango naman ako at bahagyang ngumiti sa kanya, but her face is stoic and straight kaya agad kong binawi ang ngiti ko.

"Okay, sige. Pero pa-pano?" I asked out of nowhere. Hindi ko kasi alam kung active ba siya sa social media, or if she has one dahil sikat siya, though I feel dumb by the question. 

"I'll just add you on your Instagram, do you have one?" She asks kaya naman tumango ako, hindi ko alam kung saan ba ko namemesmerize, sa mata niya na kusang inaakit ang mga mata ko o ang swabe niyang mga labi habang nagsasalita. Wait? What?!

"Me-meron." I said stuttering kaya natawa naman si Annica sa akin, agad naman siyang kinurot ni Monique.

"Okay." She said at pahapyaw pang tinignan ang nasa table ko, agad naman akong nahiya ng makita niya ang iilang drawings, binalik niya ang malalim niyang tingin sa akin at tumango bago nagsimula ng maglakad palayo sa amin, sinusundan ko pa ng tingin ang likod niya hanggang mawala iyon sa paningin ko.

"Please, Monique. Remind our friend na straight siya." Natatawang turan ni Annica kaya naman sinamaan ko siya ng tingin, Monique even let out a small chuckle dahil sa sinabi ni Annica.

"Huwag kang mag-alala, ipapaalala ko, Nica." Dagdag pa ni Monique kaya pati siya ay inirapan ko. Sabay pa silang natawa dahil sa sinabi ni Monique kaya napanguso naman ako. 

"Kulang na lang tumulo ang laway mo sa pagtitig mo kay Iyssa." Annica said at napahampas pa sa lamesa dahil sa sobrang tuwa. Akmang hahampasin ko siya kaya't umlilag naman siya.

"Hindi! Loko ka! Nagulat lang ako, pwede naman kasi niyang i-message sa akin." I said at tinignan ang isang light blue na memo sa harapan ko, her writings are all capitalized, thin and precise strokes, ang ganda naman ng sulat neto.

"Oh, huwag assumera, Iyssa Veriane Montevedra iyon, te." Annica hissed, popping my almost done imaginary bubble in my head. Baka malisyosa lang talaga ako, though I'm really guilty na napapatitig ako sa kanya but still. 

"Hindi naman siya lesbian diba?" Tanong naman ni Monique, agad namang nagkibit-balikat si Annica.

"She's too beautiful, sayang naman. But she's a tough one, so may possibilities, lalo pa't a lot of girls in the varsity are into lesbianism." Annica explains kaya naman napatitig ako sa kanya. Wow, if I'am going to look at her, hindi siya mukhang lesbian, ang ganda nga naman kasi niya, but Annica is right. The possibilities.

"There's a rumor na she has thing for girls, pero sobrang into volleyball daw kasi siya so wala siyang panahon with such things, may mga kwento rin na she's attracted to guys, so it's never sure." Saad naman ni Monique, Annica give her a point of that kaya napairap naman ako, I didn't know they are both into gossips.

"Kaya kung ako sayo, Arya. Mag-iingat ako, andaming tahong ang aaligid sayo." And Annica burst into a morbid laugh once again dahil sa pang-aasar niya. I just look at the pathway na nilakaran ni Veriane kanina and look again at the paper that she handed not a few moments ago.

Why Does it Matter?Where stories live. Discover now