CHAPTER 2: Mawasak na ang lahat huwag lang aking kariton

Start from the beginning
                                    

At himala hindi niya nadatnan ng hapong iyon ang bago nitong pamilya.

"Why not? Anak niyo naman na siya." pang iinsulto niya rito sa edad nitong fifty eight medyo pumayat na nga ito at lumalalim na ang gitla sa noo nito na sa tingin niya'y tumanda pa lalo ito kumpara sa edad nito.

Bagama’t hindi pa rin maitatago ang kagandahang lalaki ng kanyang ama.

Malamang ganun din ang hitsura niya kapag tumanda siya.

Nicolo is described as "tall and foreign-looking," with dark, ash brown hair and light hazel eyes, which he inherited from his father's eyes, a half Italian.

"Pag isipan mong mabuti ang sinasabi ko sayo pag ako napuno sayo makakalimutan kong anak kita."

Napangisi siya sa sinabi nito. "Go, on matagal ko na rin naman kayong nakalimutan kung hindi ko lang nabalitaan ang walang katotohanan sa inyo that you're sick and dying, atleast I am very pleased meeting you again my dear father!" sarkastikong saad niya.

Namumula na ang mukha nito sa galit.

"Wala kang utang na loob iyan ba ang natutunan mo sa Manila ang pagiging bastos!"

Tumayo siya mula sa pag ka kaupo. "Wala rin namang ipi-nagbago ang Manila dito at wala kong interes sa kayamanan niyo ipamana niyo nalang sa iba ang kung anong meron kayo in fact gumagawa na ako ng sarili kong pera, kalimutan niyo na rin na naging anak niyo ako." pagkasabi niyon walang lingon-likod na iniwan ito.

Naririnig pa niya ang pagtawag nito sa kanya na galit na galit ang boses. Nilisan niya ang villa, alam niyang matagal na naman siyang aapak doon at kung aapak man siya malamang—iwinaksi niya ang masamang isipin. Kahit papaano ama pa rin naman niya ito.

Bago niya lisanin ang lugar may kung anong nagtulak sa kanya na puntahan ang bagay na iyon. Tinungo niya ang garahe at nakita niya ang kanyang kotse na regalo pa ng yumao niyang ina at alaga pa rin iyon na kung sino man ang lumilinis niyon.

Matagal na niyang hindi ginagamit iyon simula nung lisanin niya ang lugar.

Pinaandar niya ang sasakyan tama nga siya umaandar pa. Iyon na lang muna ang gagamitin niya at ipapakuha na lang niya ang sasakyan niya sa tauhan ng daddy niya kinabukasan.
 

Binuksan ng guard ang gate at umalis na sa lugar na iyon.

Goodbye, my dearest father!

Ayaw na niyang magtagal pa sa lugar na 'yon. Mahal na mahal naman niya ang ama but that was before!

Okay lang naman sa kanya ang mag-asawa ito pero ang tanggalin lahat ng alaala ng kanyang ina sa bahay na iyon 'yon naman ang hindi niya kayang matanggap.

Nasa ganoong pag iisip siya nang sa pagliko niya saktong may papatawid sa bandang gawi niya at mabilis siyang nagpreno ngunit huli na dahil nabangga na niya ito!

Bumalandra ang katawan nito sa harapan ng kanyang kotse pati na rin ang mukha nito sa sa salamin ng kotse!
   

Kitang kita niya ang mukha nito sa harapan. Babae ang nasagasaan niya! Shocked was written on his face. Shit! sa tanang buhay niya ngayon lang siya nakasagasa at sa tao pa! He couldn't move on his butt!
   

Series 1: The Arrogant Actor is a BillionaireWhere stories live. Discover now