Nagpasalamat yung matanda bago nito ako tinulungan na buksan yung gate sa mga apartment. Itinuro nito ulit yung bahay nila Terry.

"Sige, ganda. Salamat ha?" Ngiting ngiting sabi nito bago pumasok sa katabing apartment.

Ngumiti din muna ako dito. Saka naglakas ng loob na kumatok sa pintuan ng bahay nila Terry.

Nakailang katok na ako ay wala namang nagbubukas.

Damn! Wala bang tao o bingi lang yung nasa loob?

Tsk. Medyo naiilang na din kasi ako dito sa tapat ng pintuan ng bahay nila. Lahat kasi ng kalapit pintuan nila nakatingin na dito sa gawi ko. Baka akalain nila magnanakaw ako.

Yung isang lalaki sa pintuang pinasukan ng matanda kanina talagang nakatingin na sa akin ng hindi maganda.

"Lakasan mo yung katok mo. Baka natutulog pa yung tao dyan. Umalis na si Aling Olive." Sigaw pa nito at saka nanigarilyo sa tapat ng pintuan nila.

Dahil ayoko talaga sa amoy ng sigarilyo ay nilakasan ko na yung pagkatok ko ulit sa pintuan.

Finally, after a thousand years. Bumukas din yung pinto at iniluwa yung babaeng hinahanap ko.

Shit? Is she the one?

Magulo yung buhok nya. Halatang kababangon lang ng higaan. Bahagya pang nakapikit yung mata at nagsasalubong yung kilay. Shit. Feeling ko nga may natuyong laway pa sa gilid ng labi nito.

Seryoso ba? Heto ba talaga yung babaeng nakatakda kong pag alayan ng lahat-lahat.

C'mon Sam. It's not yet too late. Run for your life.

Tatalikod na sana ako nang maalala ko yung malungkot na itsura ni Dad. Urgh! I have to face this. I'm not a quitter.

Pinilit kong kinalma yung sarili ko. I'm used into dealing with different people dahil minsan sumasama din naman ako sa mga medical mission nila Dad. I've seen worst.

"Anong kailangan nila?"

I took a deep breath bago umatras ng isang hakbang.

It's normal Sam. She just woke up. Hasn't even combed her hair and hasn't brushed her teeth. It's pretty normal.

But why's Corinne still pretty even if she just woke up?

"I'm looking f-"

"Tenant lang din ako, Miss. Sa kabilang pinto yung may ari ng mga unit dyan. Dun ka mag-inquire kung may bakante pa."

What? Pinoproseso pa ng utak ko yung sinabi nya. So, ibig sabihin hindi nya ako namumukhaan? I was standing on the stage, just confessed my undying vows on her cousin infront of the elite crowd, got my face in the daily newspapers, and have my driver sent her home on my birthday dahil bigla na lang umalis sina Aria at Corinne at tuluyan na yatang nakalimutan na nasa party din siya. Tapos ngayon hindi nya ako nakikilala? That's a first!

"No, I'm exactly at the right house."

Kontrol Sam. You're good at this.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Okay. So anong kailangan mo nga ulit?"

Pinapaalis nya na ba ako? Then, I have to make it quick. Fast and clear.

"You're my betrothed."

"Naliligaw ka, Miss." Inis na isasara na sana nito yung pinto ng humarang ako doon.

"I don't think so. You're Terry Alcatraz right?"

"Sino ka ba?"

"I'm your betrothed." Hindi ba sya nakikinig?

Trapped with the Cactus-LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon