BITR-42

455 3 1
                                    

Messenger

Valla:

Kyyyyleeee!!

Gumanaaaa!!!

OH MY GOSH!!!

Kyle:

Pakialam ko?

Valla:

Putangina ka.

Wala kang pasalubong sa akin kapag nakalabas ako ng bansa hmp!

Kyle:

Ighost mo na

Valla:

Not now, nag eenjoy pa ako eh.

Kyle:

Mag backfire sana sa'yo 'yang pinaggagawa mo.

Valla:

Wala ka talagang pasalubong sa akin!

Sana magkajowa ka na!!

Kyle:

La akong Vallak.

Lemme see the guy.

Valla:

You sent a photo.

Kyle:

Kawawa naman ang mukhang 'to napagtripan.

Pero seryoso ako Valla.

Baka magbackfire sa'yo ang ginagawa mo.

Huhulaan ko.

Magcha-chat ka sa aking umiiyak.

Valla:

My gosh, bakit naman ako iiyak.

Hindi magba-backfire 'yan, Kyle. Atsaka hindi ko naman s'ya gusto 'no, mas gusto ko 'yung barkada n'ya.

Kyle:

Ewan ko lang sa'yo Valla. Lahat ng sinasabi mo ngayon kakainin mo 'yan kapag ikaw ang nainlove sa lalaking 'yan.

Tignan lang natin kung hindi ka masasanay.

Mali 'yang pinaggagawa mo, Valla. Kapag 'yan nalaman na pinaglaruan mo lang s'ya, ewan ko lang kung hindi 'yan magalit sa'yo at baka maghiganti pa 'yan.

Valla:

Alam mo Kyle. Laro lang naman 'to hindi dapat seryosohin. Atsaka igo-ghost ko s'ya kapag nakaset na 'yung flight ko 'no, para pag alis ko hindi na ako babalik sa Malalag, uuwi ako diretso sa Gensan hindi na ako magpapakita sa kan'ya.

Kyle:

Ewan ko lang talaga sa'yo, Valla.

Basta alam ko na ang mangyayari. Magagalit sa'yo yan at baka isumpa pa 'yang pagmumukha mo ulit.

Valla:

Bahala ka nga, Kyle! Sana magkajowa ka na!

Kyle:

Try harder.

Burning In The RainWhere stories live. Discover now