Chapter 1

13 1 0
                                    


"Bye,Vicci! Nagluto ako ng breakfast, kumain ka bago pumasok!" Sigaw ko habang nagmamadaling magsintas ng sapatos. Halos hindi ko pa 'to natatali ng maayos ay binuksan ko na ang pinto ng apartment namin at dali dali rin itong ni-lock gamit ang susing nakasabit sa id ko.

"Damn it, late na naman."

Tumakbo ako at halos mabunggo na ang lahat ng mga naglalakad papasok at palabas ng Pureza. Sumalubong sakin ang maingay at abalang kalsada. Marami na ring papasok na estudyante kasabay ko, ang ilan ay sumasakay sa mabibilis na tricycle at ang iba naman ay piniling maglakad katulad ko.

Since ang Building ng College of Engineering and Architecture o mas kilala sa tawag na CEA ay walking distance lang mula sa Pureza kung nasan ang apartment namin, lagi lang ako naglalakad. But this time, i need to run as fast as i can. This day is just one of those days na late ako nagising dahil late na rin natulog.

Pagkapasok ko sa building ay tumakbo na ako sa 2nd floor kung nasaan ang assigned room namin. I'm already 10 minutes late for my 7:30 am class, which is our first subject.

Alam kong nandoon na ang prof namin, nakita ko sa chat sa gc ng klase.

Before entering our room, i checked my phone when it vibrated endlessly. Nagulat ako ng si Ali ang tumatawag, kaklase ko.

"Hoy, may balak ka ba pumasok? Nandito na si ma'am. Lagot ka." Bungad pa niya. Na hindi nakatulong para maibisan yung kaba ko. I tried my best not to roll my eyes just because he's not even here.

"Nandito na 'ko sa labas ng room, at nakapasok na sana ako kung di mo ako tinawagan."

Before he could even say anything pinatay ko na yung tawag.

Huminga ako ng malalim at binuksan yung pinto.

"I'm sorry Ma'am, I'm late." I apologized after opening the door. Ni hindi manlang nag abalang silipin kung nasaan ang propesor. Tahimik ang buong room at walang sumagot sa akin kaya nag angat ako ng tingin. There, I saw how everyone glanced at me while biting their lower lips before they all laugh in chorus, filling the whole room.

Wala pang prof...

"Miss Legazpi, you will only be forgiven if you will go to the ground floor and buy me a drink." I arched my right brow to Ali.

"Gago." I should have thought that he can even call me, that means na wala nga prof. Hay naku.

Dumeretsyo na ko sa upuan ko at nilapag ang mga gamit. Naupo ako habang naghahabol ng hiningi mula sa pagtakbo kanina. Ang banas, nantrip lang pala sila sa mga late. Lesson learned.

"Nagbreakfast ka na?" Bumilis ang tibok ng puso ko ng narinig ang boses na 'yon. Hindi ko napansin na nandito na pala si Frib, palibhasa ay nakayuko lang sya sa lamesa ng upuan habang ginagamit na unan ang mga braso. Nakaupo siya sa kaliwa ko habang ang gunggong na si Ali naman ang nasa kanan.

I smiled. Crush...

"A-ah. Hindi pa..." Sagot ko sabay bulong ng "...pero hindi mo naman ako gusto hmp."

Napansin niya ata yung binulong ko kaya nagsalubong ang kilay niya habang nakangiti.

Putaena. Yang mga ngiting 'yan. Grr.

"What?" Tanong niya habang nakangiti pa rin.

Sasagot sana ako pero di ko napansing nakalapit na yung katabi ko sa kabila.

"Hoy ano 'yan? Ba't kayo nagliligawan d'yan ha?" Tinignan ko si Ali at inirapan. Ang epal nito. Halos buong katawan n'ya ay nakasakay na sa lamesa ng upuan ko para lang makachismis at dumukwang palapit sa amin.

Belive me, Tara (Iskolar's #1)Where stories live. Discover now