Chapter 42

3.5K 93 13
                                    


Randal POV

Dahil sa pag lala ng condition ni Anika ay napilitan sina tito na dalhin ito sa France. Upang matutukan ang pag papagamot nya. Kahit na alam naman naming malala na ang condition ni Anika. Pero gaya nina tito umaasa pa din akong gagaling sya. At makakasama pa namin sya ng matagal.

Kamusta na kaya sya don? Miss na miss ko na sya. For sure namimiss na din sya ng mga bata. May tatlong araw na din mula ng dalhin nina tito si Anika sa France at ipag bilin nila sa akin ang mga bata. Kaya ito ako ang pansamantalang nangangalaga sa kanila.

Pasado 1am na ng madako ang aking mga mata sa wall clock na nakalagay sa office ko. Kahit kasi iniwan sa aking pangangalaga ang mga bata kailangan kobpa din asikasuhin ang company na iniwan din muna sa akin ni tito. Wala na kasi syang ibang mapag iiwan si Anika lang naman ang nag iisa nyang anak na kasalukuyang nakikipaglaban para mabuhay. Kaya wala akong choice kundi ang akuin muna ang lahat. Isa pa para din naman ito sa babaeng pinakamamahal ko. Para kay Anika.

Kaagad kong tinapos ang kailangan kung gawin dito sa opisina para makauwe na agad ako. Madaling araw na rin kasi. Baka hinahanap na din ako ng mga bata. Kahapon pa akong umalis ng bahay para asikasuhin ang kunting problema dito sa company ni tito Rencho.

Nang matapos ako sa lahat ng kailangang gawin ay nag mamadali akong lumabas sa aking opisina. Nang makababa ng parking lot ay nakita ko pa si mang pedring isa sa mga guard. 

"Hijo nandyan kapa pala? Pauwe kana ba?"

Medyo may katandaan na si mang pedring nasa 50+ na ito. Pero masigasig pa din ito sa kanyang trabaho.

"Ah oho may tinapos lang po ako."

Sagot ko habang nilalagay sa kotse ang mga kailangan kung dalhin sa bahay. Di ko pa kasi natapos kaya napag pasyahan ko na lang na iuwe para sa bahay ko na lang gawin. Para mabantayan na din ang mga bata.

"Ganun ba? Sya ingat ka sa pag mamaneho hijo."

Tumango na lang ako at sumakay na sa kotse. Bumusina lang ako at ibinaba ang bintana ng kotse para makapag paalam kay mang Pedring.

"Sige po mang Pedring ingat din po kayo dito "

Sumaludo lang ito sa akin bilang sagot. Pinaandar ko agad ang kotse palabas ng company. Nang makalabas na ako ng company na kaagad ko itong pinaharurot para makauwe kaagad.

Kaagad akong bumusina ng makarating. Kaagad din naman itong binuksan ng isa sa mga guard na nakatalaga dito sa mansyon nina tito. Dito kasi gusto ni tito na manatili ang mga bata kaya wala akong pag pipilian kahit na may kalayuan ito sa company nina tito.

Nang makababa sa kotse ay pumasok agad ako sa loob since nasa akin naman ang susi. Kaya di ko na inabala pa ang katulong para pag buksan ako.

Pagod na pagod akong nahiga sa aking kama ni hindi kuna inabala pang mag palit. Ilang minuto lang ang nakakalipas ng tangayin ako ng aking antok.

Di ko alam kung ilang oras palang ang naitutulog ko ng may mag kakasunod na kumatok. Pikit mata ko itong binuksan. Bumungad sa akin si Aica na umiiyak kung si Aica nga ba talaga ito. Hanggang ngayon kasi nalilito pa din ako kung sino si Ella at kung sino si Aica.

"Bakit ka umiiyak? May problema ba?"

Nag aalalang tanong ko dito. Baka kasi kung anong nangyari nang wala ako dito. Di ko pa man din sila napuntahan sa kwarto nila kanina para icheck kung ayos lang sila.

"Daddy Tito napanaginipan ko po kasi si mama eh.
Miss na miss ko na po si mama. Daddy tito puntahan po natin sya."

Napabuntong hininga na lang ako. Ilang gabi na din nila akong ginigising para lang sabihin na puntahan namin ang mama nila. Kagabi si Ello ang umiiyak ngayon si Ella naman.

~The four angels of mine~Where stories live. Discover now