Nangangapa sa apat na sulok ng kwarto
Hindi ko alam ano nanaman ang kanilang ibabato
Mga mata nila'y nagsasabing kriminal ako
'Wala akong kasalanan' sagot sa tanong na 'ano?'
'Ano, ikaw ba ang may kasalanan?'
Paulit-ulit na katanungan
Ako'y nabibingi sa paulit-ulit na sigawan
Parang awa niyo na wala akong kinalaman
Maraming laman ang aking isipan
Punong-puno ng kasagutan
Ngunit ako'y naging pipi sa kanilang harapan
Paulit-ulit kong pinatunayan ngunit ang mga salita ko'y walang kapangyarihan
Gusto kong magwala at lumabas
Ngunit mga kamay ko'y may posas
Ako ba'y tutuloy na sa rehas?
Sa apat na sulok ng kwartong ito ako pa ba'y malayang makakalabas?
-Lhares
YOU ARE READING
Poems by Lhares & Tine
General FictionThis book is collection of poems that Lhares and Tine created. It's contained random genre that written in English and Tagalog.
