Chapter 26

5.5K 115 30
                                    

Y Z E N N I A

Naawa ako sa kalagayan ni lance ngayon.

Where have you been w-wife? May halong pag alala na tanong niya

Im sorry lance.. for being immature. I won't do it again. P-Please forgive me.. Buong puso kong sabi sa kanya

N-No n-need to say s-sorry m-my w-wife. Nag ca-cracked yung boses niya habang nagsasalita halatang sobrang pagod na siya.

A-ako ang d-dapat na mag s-sorry sayo sa pagtrato ko sayo na ibang tao w-wife. Bulong nito at hindi ko namang mapigilang mapaiyak ulit sa sinasabi niya.

Huwag ka munang magsalita, kailangan ko muna gamutin ang sugat sa mga kamay mo. Dumadami na ang dugo. Utos ko habang tinitigan ko ang kanyang mga mata

Ang mahalaga ngayon ay ang magamot ko ang sugat sa mga kamay niya. Mas maganda kung  maayos muna siya at maka aalis na siya sa sitwasyon niya bago namin pag usapan ang nangyayari sa aming dalawa.

Inaalalayan ko siyang tumayo, ngunit laking gulat ko nalang ng biglang bumagsak ang kamay nito sa pagkakahawak sa kamay ko at bigla itong nawalan ng malay.

Dapat ay babagsak ang ulo at maging katawan nito, mabuti nalang at nasalo ko ito at tuluyan na siyang bumagsak sa katawan ko.

Ngunit biglang nabasag ang buong pagkatao ko nang mapagtantong nawalan ito ng malay.

LANCE! Sigaw ko ng mawalan ito ng malay at kasunod nito ay ang pagbukas ng pinto at narinig ko na ang iilang yabag.

Young lady! Ano pong nangyari? Sabi ng mga tauhan ni lance.

N-nawalan s-siya ng malay.please tulungan ninyo ako dalhin nyo siya sa room namin. Pag-alalang sabi ko sa kanila.

This is noted young lady. Sabi ng assistant niya

Manang Martha, pasuyo nalang po ako palinis nitong office ni lance. Mag ingat ka po manang ha? Maraming bubog dito. Magpatulong ka nalang sa kanila. Aalagaan ko lang po si Lance. Ma awtoridad kong sabi kay manang Martha

Okay iha, ako na ang bahalang mag linis dito. Tumungo kana sa kwarto ninyo. Alalang sabi ni manang martha

Aalis na sana ako ng biglang nagsalita ulit si manang...

A-ah iha gamutin ko muna yang sugat mo.

Huwag na po manang ako nalang po ang magamot sa sarili ko. Kailangan na po ako ni lance sa taas. Huwag kana pong mag alala, I'm totally okay manang. Nakangiti kong sagot sa kanya

Agad naman akong umakyat sa taas.

Young lady, dito na muna sa sofa namin ilagay si Mr. Montefalcon. Marami pang dugo ang kamay niya baka malagyan ng mantsa ang bedsheet ninyo. Sabi ng secretary niya

Okay lang liam, ako na ang bahala sa kanya. You may now go na. Salamat sa inyo ha?

You're welcome young lady. Nakangiti na sagot nila

Nang makaalis na si liam ay agad akong tumungo sa sa sofa kung saan nakahiga si lance. Agad ko namang ginamot ang kanyang mga sugat, nilinis ko ang kanyang katawan at binihisan.

Tinitigan ko siya ng mabuti, habang hinahaplos ang kanyang noo. "kung alam mo lang lance na unti unti na kitang minahal."

Pagkatapos ay tinawag ko agad ang mga tauhan niya para ilipat siya sa bed namin.

Married To A Billionare Where stories live. Discover now