""Atras!!" napabalik ako sa ulirat nang marinig iyon. Tiningnan ko ang paligid na puro usok at nakaratay ang mga bangkay, armas, nagkalat ang mga dugo at kung anu-ano pa dulot ng digmaang ito. Nakita ko pang mabilis na nagsisitakbuhan ang mga rebelde para makaalis na rito.

"Isabel." nabalik ang tingin ko sa kaniya.

"Hindi ba't ikaw ay nangakong hindi mo hahayaan ang iyong sarili na masaktan." puno ng pag-aalala ang kaniyang mukha at sa tono ng kaniyang pananalita. I feel the electric rays in my system the moment he laid his hands in the part of my forehead. Maingat niyang hinawakan ang noo kong may sugat habang may pag-aalala. Hindi na maawat ang pabilis na pabilis na pagtibok ng puso ko. It's like their in a race chasing for that finishing line. Please...'wag kang ganito De la Vega ayokong masanay. Ayoko. Masasaktan lang tayo.

--

Dumating ang bagong araw at agad na namang nagpatawag si De la Vega ng pagpupulong. Ngunit ang pagpupulong na ito ay hindi na kasali ang mga Hermañes. Kinausap ko siya nang masinsinan tungkol sa bagay na ito. Sa una hindi siya payag pero ginawa ko ang lahat para makumbinsi ko siya and then he give it a shot.

Pero bago pa ako tuluyang makapasok ay may humarang sa daraanan ko. I raise my head to meet his face. Seryoso lang itong nakating in n sa akin.

"What do you want?" tanong ko. Hindi siya sumagot at hinila ako pabalik sa kwarto ko. Gusto ko sanang magpumiglas pero pinigilan ko ang sarili ko. Siguro kailangan na talaga naming mag-usap na dalawa.

"Umupo ka." utos niya. Napakunot ang noo ko sa inasal niya at sa pagiging authoritative. Pero gayunpaman ay hindi ako umangal at sinunod ko siya. Naka-crossed arms akong nakaupo sa kama habang siya ay may inaasikaso na kung ano. Lumapit siya sa akin kaya napaatras ako.

"Stay still." ganoon pa rin. Seryoso pa ring pagkakasabi niya. Napatingin ako sa hawak niya at sa mga pinagkuhanan niya ng ito. Ito ay nga gamot na galing sa modernong panahon.

"Huwag kang aangal kung ayaw mong magtagal tayo dito at hindi makasali sa pagpupulong." banta niya. Kaya kahit talagang labag sa kalooban kong lapatan ng gamot sa sakit ko ay hinayaan ko na lang siya.

"Kailangan mo nang sumailalim sa chemotherapy sa lalong madaling panahon. Kaya kailangang magmadali ka na para magamot ka na." dagdag niya. Oh how I hate chemotherapy! I tried it once but I regret it though. Kahit pa alam kong makabubuti iyon sa akin talagang ayaw ko lang talagang magpagamot. Wala eh. Tinanggap ko na sa sarili kong maikli lang ang buhay ko. If they say life is short well mine is even shorter. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya hanggang sa matapos siya.

"Sabihin mo agad sa akin kung umaatake na naman ang mga mild symptoms o yung mga mas malala pa." palala niyang sabi. Tumango lang ako at naglakad na papaalis. Pinihit ko na ang pintuan ng magsalita ulit siya.

"I'm sorry. Kinain lang ako nang pag-aalala sa iyo Anderson." malumanay niyang sabi habang nakatingin direkta sa mga mata ko. I can see sincerity in his eyes kaya nginitian ko lang siya ng konti.

"Apology accepted. Kalimutan mo na lang iyon then we're good." sabi ko at tunalikod na.

"Kailangan nating bumuo ng panibagong plano." panimula niya. I like the way he starts everything. He doesn't acknowledge formalities and he's direct to the point. Walang batian at walang pangungumusta o mga pagsasabi ng mga naganap.

"May mailalatag ba kayong plano?" dagdag niya.

"Mayroon akong naisip na plano. Nais ko sanang huwag na tayong maggamit pa ng pain. Imbes na pain ang ating gagamitin ay dahas. Gagamitin natin ang konsepto ng espada at baril. Ang ibig kong sabihin ay lulusubin natin sila." suhestiyon ni Rafael na agad kong kinontra sa kaloob-looban ko.

"Ngunit hindi ba masyadong delikado iyan?" tanong naman ni Rosa. Kahit hindi sila kasali sa labanan ay pinapaalam pa rin namin sa kanila ang plano.

"Iyon din ang iniisip ko." saad ni Carlos na sinang-ayunan naman ni De la Vega. Napabuntong hininga na lang ako. It's time for me to spill my plan.

"May iba akong naisip na plano." sabi ko at napatingin silang lahat sa akin at hinihintay ang idudugtong ko.

"Ganoon pa rin. Gagamitin natin ang konsepto ng pain. Pero sa pagkakataong ito, nasa atin ang pain; ibig kong sabihin ay isa sa atin ang magiging pain." dagdag ko.

"Mukhang mas delikado naman ang iyong naisip, Isabel." sabat ni Rafael.  I just smirked.

"Talagang delikado dahil sa digmaang ganito, mawawala ang salitang 'ligtas' at naghahari ang salitang 'delikado'." tugon ko.

"Tama ka naman. Sabihin mo ang iyong plano at titingnan natin." sabi ni De la Vega.

"Sa plano kong ito, kailangang umalis si Martin sa eksena ngunit ito ay pawang palabas lamang. Kailangan natin silang mapaniwala na aalis ka Martin. Dahil kapag nalaman nila iyon sigurado akong maglalabasan na sila sa kanilang lungga lalong-lalo na ang mga taong nakapalibot sa iyo na tinuturing mong kaibigan at mapagkakatiwalaan." paglalahad ko.

"Kung ganoon, sino ang maatasan na humalili muna sa pwesto ng Gobernador-Heneral pansamantala?" tanong ni Rosa. Nice question.

"Dito na papasok ang ating pain. Siya ang kunwaring aatasan ni Martin na mamuno muna habang wala siya. Ngunit ang totoo'y hihintayin lang natin ang pag-atake nila dito sa hacienda at sa pagkakataong iyon ay nakahanda na ang buong hukbo at ang kampo natin para sa digmaang magaganap. Ang nais ko talagang mangyari ay ang pinuno at pasimuno na mismo ang lalabas at magpapakita ng kaniyang sarili sa atin." paliwanag ko. At sana talaga makayanan ni De la Vega ang masasaksihan niya at ni Doña Celestina. Sigurado akong mawiwindang sila.

"At ang tanong, sino ang magiging pain?" tanong ni Doña Celestina. Napayuko ako sandali at huminga ng malalim bago ko sila tinignan isa-isa.

"Iyon ay walang iba kundi ako. Ako ang magiging pain." I confessed. Sinadya kong ako ang tatapak sa apoy at makipaglaro rito.

"Ano??!" nagitlang sabi Carlos.

"Paanong...??" mahinang sabi ni Rosa habang speechless naman si Rafael at gulat na nakatingin sa akin. Lastly, I turn on his gaze. I saw worried eyes at bigla na lang itong naging seryoso.

"Hindi iyon maaari. Hindi ko pinapayagan ang nabuo mong plano, Isabel." sabi niya with finality.

"Sa pagkakataong ito Martin, hindi ako tumatanggap ng 'hindi' na sagot." seryoso kong sagot.

"At ano? Ipapahamak mo ang iyong sarili?" sabi pa niya.

"Simula pa lang nang labanang ito, nasa kapahamakan na ang buhay ko, natin. Kaya karaniwan na ito. Huwag ka nang magtaka." sabi ko.

"Kahit anong sabihin mo hindi ko pinapayagan ang plano ito." matigas niyang sabi.

"Pero kailangan na agad nating bumuo ng pinakamainam na plano dahil siguradong anumang sandali ngayon ay lulusob na ang mga iyon. Naghihinatay lang sila ng takdang oras." I argued back.

"Tapos na ang pagpupulong na ito." sabi ni De la Vega imbes na sagutin ako. Hindi na sila umalma pa dahil ramdam ko ring hindi sila pabor sa plano ko. Nang makaalis na ang lahat ay naiwan ako dito sa loob kasama si De la Vega. Sinadya ko talagang magpaiwan dahil hindi ako titigil hangga't hindi ko siya napapa-oo.

"De la Vega. Sa ayaw at sa gusto mo kailangan mo na—

"Kapag sinabi kong hindi, hindi. Nagkakaintindihan ba tayo Isabel?" matigas niyang sabi na diniinan ang hindi na salita. Tinitigan ko lang siya at hindi nagsalita na naka-crossed arms. I give a not so wide smile.

You left me with no choice De la Vega. Ngunit kailangan kong gawin ito kahit pa alam kong malaki, ang posibilidad na buhay ko ang nakataya at kapalit nito. Hindi ako magsisisi. Malungkot akong nakangiti ulit sa kaniya. Patawad, Martin.

"I'm sincerely sorry." sabi ko habang nakatingin sa kaniyang mga mata.

--

End. Yey! Good night folks!
-blionsky

Saving The Governor-General (Completed) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon