Hi. Ako nga pala si Shane. Gusto ko lang sabihin ang kwento ko. Alam kong boring ito so wag na kayong magreklamo.
Si Laurence, ang lalaking kaclose ko ay nagconfess sa akin nung April 2019. Hindi ko nga yun inexpect na may lalaking magkagusto sakin. As in, first time ko yon naranasan. Tapos kaclose ko pa.
Ako dahil first time ko iyong may magconfess na kaclose ko. I was happy. Dahil dun sa confession niya, mas naging close kami. Yes, hindi ko siya iniwasan dahil nga close kami at cute naman yun. Pero hindi ko alam na dahil sa kaclose namin, nagkaroon ako ng feelings sa kanya. At first, I was really indenial about my affection to him. But as time goes by, I didn't notice that my affection to him starts to go deeper. Days passed by after his confession, nagconfess na rin ako. I was so so happy. So, after sa confession ko, nagchachat kami palagi. I remember him when he texted me na magdownload ako ng Mobile Legends at PUBG. Tapos ayun naadik ako ng Mobile Legends. Minsan PUBG pero hindi palagi.
Tas naalala ko pa rin yung mga sinasabi ko sa mga kabarkada ko na 'ang sweet namin pero wala namang label'. Kapal ng mukha ko nung nangarap ako na manligaw siya sakin. Tangina lang. Pero! May good news! Natupad yon! Well, happy ako syempre pero I realized that hindi naman siguro siya manligaw ngayon kung hindi ko pinaparinig sa Twitter. Nakakalungkot man isipin yun pero dahil may pagka-marupok ako, sinagot ko agad not knowing na may consequences.
MU kami for 5 months tapos naging kami nung September 2019. Maraming ang napagdaanan namin pero hindi ako sumuko. Hindi kami sumuko. We hid our relationship for privacy. Ang nakaalam lang ay ang mga kaclose friends ko at kabarkada. Pati na rin ang cousins ko. So, ang mga classmates ko walang alam. Ang alam lang nila MU kami.
Nung Students' Day na, excited na ang mga kaklase ko dahil nga Valentines Day rin. Sinabay lang ng school namin. Pero before sa Students' Day, ang mga school officers ay pumunta each section kung sino ang bibili ng rose for Valentines. Syempre bumili ako. 25 pesos lang eh. Tapos nung sa Valentines na, kami nang kaklase ko pati adviser namin ay nagmovie marathon. Eh tae, isa lang pala yung napanood namin tas hindi natapos dahil may program raw. So ayun binigay na lahat ang mga roses. Nakatanggap nga ako ng isa. Pero nalungkot ako. May nagbigay sa kanya. Charot ako yun HAHA! Binigyan rin nya ako ng chocolate. Toblerone yun pero di ko kinain. Di ako mahilig sa chocolates pero tinanggap ko naman.
Nung February 29, 2020 which is 5th monthsary namin, I didn't greet him kasi gusto ko na siya ang mag greet at di na naman niya makalimutan. Pero hindi siya naggreet. So, I logged in to my dummy account na hindi niya alam na ako. I talk shits about myself para hindi halata. Tas dun ko na siya niremind. Tinanong ko lang siya kung anong date nung time na yun. Tapos nag logged out na ako sa dummy account ko at natulog. Kinabukasan nun, nabasa ko message niya.
From: Laurence
Happy Monthsary!
I smiled bitterly. Nag greet lang siya kasi may nagpaalala. Tapos non, sineen ko lang siya. Nung March na, hindi ko parin nireplyan hanggang nag 6th monthsary na kami. He greet me. Wow, just wow. Narealized na siguro niya. I greet him, maybe? I forgot na kasi. After that, okay na kami.
Nung April 20, 2020, hindi ko na kinaya. Sakit na kasi eh. Puro ML siya ng ML. Tapos magrank na kasama yung babaeng di ko gusto. Kahit may kasama siya kaibigan niya, for me, IT'S CHEATING! Kung sana sinabi niya lang na magrank siya with her and friends mas okay sana. Pero finding out na magrarank sila without my permission. SINONG HINDI MAGAGALIT?! Taena, nagselos ako sakanya. Buti pa siya sinasabayan magrank habang ako. Stuck sa Grandmaster tapos nag Season naman Master 1 ulit ako. Taena kasi. Ang unfair eh. Ako Master 1 tapos siya Epic V na! GAGO GUSTO KO NUN UMIYAK! Napakawalang kwenta ko. Ang bobo ko kasi mag ML taena. So ayun, I broke up with him without hesitation.
