Kabanata 1: Moon

38 5 0
                                    

Nagising ako sa katok ni mama sa aking kwarto maghahapunan na raw at bawal malipasan nang gutom. Amoy ko na rin ang niluto ni manang na 'tinolang manok' bigla akong naglaway sa naiisip. But before that I need to take a bath first. Malayo pa ang byinahe ko kanina at di pa ako nakakaligo simula nong pagdating namin.

Nilibot ko muna ang aking mga mata sa loob nang silid. My room colored like an apple green with the combination of grey, gaya ng gusto ko. It was my favorite color, I smile. Hindi ito gaya ng dati. Pinaayos ni mama ang kwarto ko nang naaayon sa gusto ko. Di sya kalakihan pero di din masyadong masikip. Malinis ang kwarto at maayos na nakasalansan ang mga gamit gaya ng utos ni mama. May iilang mga Kabinet din para sa lalagyan ng mga damit at iilang mga bagay roon. Dahil nga kaonti lamang ang dala kong mga gamit marami pang space ang loob ng kabinet dahil nga di rin naman kami magtatagal.

Meron ding study table at tukador para sa mga aklat para syang mini library. Ang kama ay saktong sakto sakin, you know I'm small and thin. May sariling restroom din sa kwarto. At kulay abo ang mga kurtina na syang nanghahalina saking mga nata. Ang kisame ay di masyadong mataas kung papatong ako sa kama kaya ko nang abutin yun.

It has a big difference in my room in manila. May sarili akong aircon doon pero di na kailangan ng aircon dito. Natural ang kulimlim ng lamig ang tangi mong mararamdaman. Walang init ang namutawi. My room here are peaceful.

Pagkatapos kong maligo lumabas na ako ng kwarto para maghapunan!
Pagkalabas na pagkalabas handa na ang hapunan sa lamesa andon na silang tatlo si Mama, Manang, Kaloy at ako na lang ang hinihintay. Wala si Papa he has a work to deal with. Kaya di na sya sumama sa amin pero nangako syang pupunta dito pag wala ng problema sa trabaho.

Habang kumakain napag isipan kong magpaalam bukas para maglilibot libot. At ano mang gusto kong gawin bukas. Naaexcite ako sa aking naiisip.

"Ma, ahh— magpapaalam sana ako bukas na maglibot libot", I smile sweetly.

"Saan naman ang balak mong puntahan bukas anak?" sabi nya sabay baba ng kanyang mga kubyertos at diretsong tingin sakin.

Mama is very strict when it comes to me. Kaya kailangan ko talagang magpaalam kahit sa mga maliliit na bagay. I'm a little bit nervous. Baka di nya ako payagan or else ipasama nya sakin si manang.

The hell! I'm not a kid anymore! I'm 18! for petes sake!

Pero inaasahan ko parin napayagan nya akong mag-isa. Di naman sya mahirap pakiusapan pag ayaw kong isama si Manang. Roaming around in this province and have manang around with me? Nah. I can't deal with that. Nag puppy eyes na ako kay mama, ginawaran nang napakatamis na ngiti at halatang nakikiusap na payagan nya ako. Ano pang silbi nang pagpunta namin dito pag nasabahay lang ako? Mygad!

" Okay, wag ka lang magpapapawis at lumayo sa lugar natin baka mapahamak ka....... Baka umuwi ng wala sa oras ang Papa mo...... pag may kung anong nangyari sayo alam mo naman yun", Yes! yun ang reaction ng utak ko dahil sa sobrang galak.

" Yehey! Thank you Mama I'll promise po na mag iingat ako", the excitement filled on my voice.

"At isa pa pala, I'm not here tomorrow. May pupuntahan ako sa kabilang baranggy may aasikasuhin lang....
Manang kayo na po muna ang bahala kay Charry baka hapon na ako makakauwi"

"Sige Lucy ako na ang bahala"

Nagpatuloy kaming kumain sa hapag at wala nang may balak magsalita pa. Basta ako enjoy na enjoy sa pagkain ng tinolang manok at nadagdagan pa yun dahil pinayagan ako ni mama.

Natapos na kaming kumain at umalok akong ako na ang maghuhugas ng plato pagod din naman kasi si manang at pumayag naman si mama. Wala pa kasing pahinga si manang simula ng pagdating namin kanina.

Sanay ako sa gawaing bahay. Turo din kasi sakin yun ni mama na dapat marunong ako non paano na daw pag mag-asawa na ako at wala akong alam at pagod pa yung "asawa ko" daw galing trabaho at wala pang nakahain? Idi nganga daw kaming pareho. Sobrang advance mag isip ni mama. Tinatawanan ko na lang yun twing sinasabi nya sakin yun. At ganun din daw ang itinuro sa kanya nang Lola. Kaya ituturo nya rin daw saakin. Well, I'm fine with that bonding na rin namin yun. Gusto ko nga ring may maitulong sa bahay kahit sa mga gawaing bahay lang di lang palagi kalagayan ko ang iniisip nila.

Nasa harap na ako ng lababo at inuumpisahan ng sabunan ang mga pinagkainan. Nilibot ko ang mata saaming kusina. Pati pala kusina pinaayos ni Mama. The color of walls here are white pati din ang tiles kaya maliwanag tingnan.

Napasulyap ako sa maliit na bintana sa harap ko na nasa itaas sya ng lababo. Kita ang labas. Pinanood ko ang dilim ng labas. Kitang kita ang liwanag ng buwan galing dito sa loob. Naaakit ako sa ganda nito. Dumedepina ang kanyang hugis at liwanag sa malayo. I really love moon, skies and all things above. Gusto kong kuhanan ng litrato ang buwan. Kaya tinapos ko na ang paghuhugas ng plato at nagpunas nang kamay at kinuha ang cellphone sa kwarto para makapag picture na.

Lumabas ako ng balkonahe. May ilaw galing don na syang nagsisilbing ilaw sa kabahayan. Tinanaw ko ang buwan galing sa malayo. I took a picture with any angle at nag heart finger pa ako sabay capture nito.

Why I'm so inlove in this kind of thing? Bigla akong nalungkot sa kaisipang paano kung mawala ako? makakapunta kaya ako sa buwan? Kapag nasa langit na ako mahahawakan ko kaya ang langit? Makikita ko kaya ang sari-saring kulay ng mga bituin nang harap harapan? Ano ba tong iniisip ko as if naman sa langit ang punta ko hays. Di ko na namalayang may luhang lumandas sa aking pisngi. Dali dali ko itong pinunasan.

It's already 9:30 in the evening! Papasok na sana ako sa loob ng may natanaw akong isang lalaki na naka jacket at hoddie nakatanaw sya sa buwan at papunta sakin. He genuinly smile. My heart beat so fast. Anong ginagawa ng lalaking to ng gantong oras? Nasa malawak na espasyo sya malapit sa amin. At bakit parang may kakaiba akong nararamdaman? Kinakabahan lang ba ako? but I didn't find him creepy. Naglalakad sya palapit sakin. At ngayon nasa harap ko na sya. He smiled again!

"Hi!" masiglang bati nya sakin. Kilala ko ba to? Kilala nya ba ako?

"Uh—hi", oh crap! Hi lang naman nabulol pa ako. Mygad.

"Bago lang kayo dito? Ngayon lang kita nakita dito at nagkailaw ang bahay na yan. Bakasyon?" he said confidently samantalang ko nabubulol pa. I calm my self first.

" Ah—yeah, kanina lang kami dito" sinikapan kong di mabulol.

" Ah anong ginagawa mo dito sa labas? It's already 9:30 pm. Madilim na dito sa labas." paano nya nalamang 9:30 na nang gabi nang di man lang sya tumingin sa orasan?

"Nanonood lang.....ng buwan"

"Mahilig ka din sa buwan? Ako din. Siguro nagtataka ka kung bat ako nandon sa may malawak na espasyo.... yeah like you, I like moon too. Kaya nandito ako lagi ng gantong oras mas kita kasi ang liwanag pag nasa dilim ka at sya ang natatangi mong ilaw. Parang tinuturo ka sa dapat mong tahakin", he smiled. Binalik ko ang paningin sa buwan at pinagmasdan pa ang kagandahan nito.

"Anak Charry", narinig ko ang tawag sakin ni mama.

"Tawag na ako ni Mama", nginitian ko sya.

"O-okay, bye goodnight".

"Goodnight!" He smiled at my last word. At tumalikod na ako at pumasok na sa loob. That smiled! I can't help but to smile too.

"San ka galing hija? hinahanap ka ng mama mo wala ka daw sa kusina at kwarto mo" tanong ni manang.

"Sa labas lang po manang may tiningnan"

"Ah matulog kana at ako na ang magsabi sa mama mo. Magpahinga kana hija"

"Sige po manang, goodnight"

"Goodnight din hija"

Pumasok na ako sa loob ng kwarto at nahiga. Iniisip pa rin yung ngiti nyang yun. Parang di pa yata ako papatulugin ng ngiting yun.

He smiled! That smiled! Mygad this is really frustrating!

Pinilit ko na lang ang sariling matulog at pinilit iwaksi ang lahat ng kaisipang yun.

9:30 PM: Goodnight!Where stories live. Discover now