"Oh, hi there, Rose," masayang pagbati sa akin ni Tita Evangeline. Lumapit siya sa akin at nakipagbeso.

"Hello po, tita," bati ko rin sa kanya.

"Are you doing good?" Tanong niya.

"Opo, tita."

"Well, good to hear that," sabi niya sa akin. Saka siya tumingin kay Erik na nakaupo pa rin. "Erik, does Rose already know?"

Nagtako ako bigla. Ano ang alam ko na? Tumingin ako kay Erik na makasalubong ang aking mga kilay. Dahan-dahan, tumaas ang kaliwang kilay ko nang tumingin pabalik sa akin si Erik. Ano ang dapat kong malaman, Mr. Dela Rosa? Ngunit, hindi nagsalita si Erik. Naging balisa bigla ang kanyang tingin na piniling tumitig sa kung saan-saan.

"Anak, I think Rose must know that—"

Naputol si Tita Evangeline sa pagsasalita. Ano ba ito? Puro pabitin ang mga nangyayari! Nagkasundo ba sila para putulin ang bawat pag-uusap sa pamamagitan ng pagpasok sa kuwarto ni Erik? Ngunit, pagtingin ko sa taong pumasok bigla, nawala bahagya ang inis ko dahil ang taong kapapasok palang ay si Harold, the K-Pop Guy. Napangiti ako bigla.

"Sorry, did I interrupt something?" Tanong ni Harold.

"Nothing, Harold," sabi sa kanya ni Tita Evangeline bago siya lumapit sa akin. "By the way, I believe you haven't met Rose."

"Oh, I already met her sa elevator kanina, Tita," sagot ni Harold pagkapasok niya sa kuwarto. Ngumiti siya sa akin. "Actually, I just returned for my phone. Naiwan ko yata sa upuan." Tumingin siya kay Erik. "Nakita mo ba, pare?"

"Here," sabay labas ni Erik ng isang mamahaling cellphone mula sa drawer niya. Lumapit sa kanya si Harold at binigay naman sa kanya ng Erik ang cellphone.

"Salamat, pre," sabi niya kay Erik.

"Anyway, Rose," panimula ni Tita Evangeline. "Harold will be our new Operations Manager. He will be assuming Erik's former position of Senior Vice President two weeks from now."

"Congratulations!" Masayang pabati ko kay Harold.

"That's nothing compared to Erik," sagot ni Harold. "He will be going to the U.S. tomorrow. Right, Tita?"

Napagitla ako. Wait lang. Hindi ko alam pero nagpintig talaga ang mga tenga ko sa narinig ko. U.S.? Tumingin ako kay Tita Evangeline at nakita kong napakagat-labi siya habang nanlaki ang mga mata niya kay Harold. Isip-isip ko, wrong move ang ginawa ni Harold na sabihin iyon. Tumingin ako kay Erik. Ang itsura niya? Gulat! Gulat na gulat! Aba! Malamang dahil hindi nanggaling sa kanya ang sinabi ni Harold.

Nang magkita ang mga mata namin ni Erik, hindi ko napigilang sumimangot at manlisik ng tingin. Naramdaman kong umakyat ang lahat ng dugo sa aking ulo. Uminit ang ulo sa kumukulong galit! Mabilis akong lumabas ng kuwarto at tumungo sa elevator. Narinig kong sinigaw ni Erik ang pangalan pero hindi ko iyon pinansin. Mabuti na lang may nagbukas agad na elevator kaya pumasok ako at mabilis na pinindot ang close button.

"Wait! Rose!" Mabilis na tawag pa ni Erik habang papasara na ang elevator. Mabuti na lang at nagsara kaagad ito bago man makapasok itong si Erik. Sa sandaling iyon, nangongolekta na naman ng tubig ang aking mga mata. Mabilis kong pinikit ang aking mga mata para pigilan ang pagluha ko dahil ayaw kong mag-drama sa loob ng elevator na may sakay pang pitong hindi ko kilalang mga tao.

----- O -----

ERIK

Damn elevator! The elevator was taking too long a time to open. It's not even lunch break yet! I needed to catch Rose before she leaves the vicinity. If not for the stupid mouth of Harold, Rose would not leave. For sure, she was shocked to learn that I will be leaving for the U.S. tomorrow. After some five minutes, an elevator opened and brought me straight to the ground floor.

Scripted RelationshipWhere stories live. Discover now