Nang magsara ang pintuan ng elevator, naalala ko ang dahilan kung bakit ako nandito. Mabilis akong tumungo sa Reception Area at hinanap ko si Erik. Kokontakin daw muna ng receptionist si Erik kaya pinaupo niya muna ako sa sofa ng reception.
Makalipas ang ilang sandali, tinawag ako ng receptionist at sinabing pumunta ako sa pangatlong pinto sa may kaliwa mula doon. Alam na daw ni Erik na narito ako kaya tumungo na ako sa kanyang kuwarto. Habang naglalakad ako, tinitingnan ko ang mga tao sa opisina. Alam niyo ba ang pakiramdam na balisa ang mga tao sa opisina? Hindi naman sila nagkakagulo pero alam mong may parang hinahanda silang lahat na kanilang kinakatakutan. Pero dahil hindi ko concern ang trabaho nila, tumungo na lang ako sa opisina ni Erik. Kumatok ako sa pintuan ng kuwartong tinuro sa akin ng receptionist pagkarating ko doon.
"Come in," sabi ni Erik mula sa loob ng kuwarto. Binuksan ko ang pinto at nakita kong may kausap siyang isang babae. Iyon ang unang pagkakataon na nakita kong naka-corporate ulit si Erik.
"Please give this to Mrs. Fuentabella A.S.A.P.," utos niya sa babae na sa tingin ko ay ang kanyang secretary sabay abot ni Erik ang isang folder.
"Yes, sir," sagot ni Ms. Secretary. Binati muna ako ng good morning si Ms. Secretary bago lumabas at isara ang pinto.
Nakatutok ang mga mata ni Erik sa kanyang laptop pagkatapos lumabas ng kanyang secretary. Hindi ba niya napansin na pumasok na ako? Sa halip na bigyang kahulugan pa iyon, ngumiti ako at binati siya. "Hi, Sammy! I have surprise for you."
Nakangiting tumayo at lumapit sa akin si Erik. "What's your surprise, Gorgie?"
Buong saya kong binigay sa kanya ang box ng cake na hawak ko. Binuksan niya iyon at tumambad sa kanya ang isang Red Velvet Cake.
"Thank you gift ko sa'yo iyan para sa ginawa mo sa amin nina Mommy at Daddy," sabi ko sa kanya.
Napangiti siya ulit at nilapag ang Red Velvet Cake sa table niya. "You're welcome, Gorgie. This is so thoughtful of you."
Lalapit sana ako para yakapin si Erik pero bigla siyang lumingon at bumalik ulit sa upuan niya. Inangat niya ang telepono pa tumawag sa secretary niya at utusan na magdala ng plato at tinidor sa opisina niya.
"We shall eat this cake now, Gorgie," sabi niya sa akin.
Naupo ako sa isang upuan. Napansin ko kasi na kahit mukhang natuwa siya sa pagbigay ko sa kanya ng Red Velvet Cake, napaka-seryoso pa rin niya. Kaya binigyan ko siya ng isang seryosong tingin bago ako muling nagasalita.
"Erik?"
"Uhm." Nakatingin pa rin siya sa kanyang laptop.
"Pinabalik ka na nila dito?"
"Yes," mabilis na sagot ni Erik. "And no."
Nagulahan ako sa sagot niya. "Ano?"
Tiningnan ako ni Erik for a moment bago tumingin muli sa laptop niya at nagsimulang mag-type. "Actually, Mom called me last night to report back this morning. That's why I am here."
"Bakit naman 'no'?" Tanong ko.
Napatigil bigla sa pagta-type si Erik habang napatitig siya sa laptop. Kita siya mga mata niya na iyon ang tanong na hindi niya inaasahan. Dahan-dahan niyang isinara ang laptop niya at tumingin sa akin. Nawala rin ang seriousness sa mukha niya at napalitan iyon ng pag-aalala. Pakiramdam ko nga kinakabahan siya nang tanungin ko sa kanya ang dahilan ng 'no' answer niya.
"No, because—"
Naputol sa pagsasalita si Erik dahil may biglang pumasok sa kuwarto. Akala ko si Ms. Secretary ulit. Nagulat ako na si Tita Evangeline pala.
YOU ARE READING
Scripted Relationship
RandomGusto ni Rosalinda Mercedes Mendoza a.k.a. Rose na maging isang scriptwriter para sa pelikula. Kaya nagpasya siyang magsulat ng isang romantic love story as a start. Ngunit, may isa siyang problema: Never pa siyang nagkaroon ng boyfriend! Paano siya...
Chapter 26
Start from the beginning
