Pagtingin 💬4

249 21 2
                                    



𝐒𝐮𝐛𝐮𝐤𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧
𝐒𝐚𝐧𝐚 𝐝𝐢 𝐦𝐚𝐠𝐛𝐚𝐠𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐭𝐢𝐧𝐠𝐢𝐧

KELVIN WP

Napatulala ako sa phone ko. Binasa ko na naman ang chat. Napabuntong hininga na lang ako. Nakita kong nag-seen na siya pero bakit ang tagal niyang mag-reply.

"Iiwasan na niya kaya ako. Paano na? Na-chat ko na. Ito na ba ang huli?" bulong ko. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Natatakot ako sa mangyayari. Humiga ako sa kama. Tumingin ako sa kisame.

"Paano kung wala talaga siyang nararamdaman sa akin? Paano kung ako lang iyong aasa? Paano kung? Paano k-kung! AGHH!" inis kong sabi sa sarili ko. Napasabunot na lang ako sa inis.

"Tanga mo kasi! Masyado kang nagmamadali! Hindi ka man lang nag-isip bago mag-type." inis kong bulong. Narinig kong nag-beep ang phone ko. Dali-dali akong nagbukas ng Fb.

💭New Message from Lucy Madrigal

Kaya napalunok ako. Binasa ko ang message niya.

"Okay." chat niya. Sinarado ko iyong data ko at binagsak ko na lang sa kama 'yong cellphone ko. Napasuklay na lang ako sa sobrang frustrate ko. Tumingin ako sa salamin.

"Ayan! Ayan na nga ba 'yong sinasabi ko. Masyadong kang magaling! Masyado kang pabibo. Hindi ka man lang nag-isip." inis kong sabi pero bigla akong na patingin sa may bookshelf.

"Writer ka Kelvin at kung gusto mong mangyari ang gusto mo. Then do it." sa isip-isip ko. Kumuha ako ng papel at ballpen. Sumunod iyong libro. Binuklat ko ang unang page.

"Una, para makuha mo ang gusto mong sabihin at gawin dapat kalmado ang utak mo. Pangalawa, hayaan mo ang puso mong magdikta sa sasabihin mo. Pangatlo, don't use too much emotion dahil hindi ka niyan dadalhin sa tamang landas." basa ko sa unang page ng "How to write a confession letter to your crush?" Kaya napatango-tango na lang ako. Hindi ko alam kung paano napunta ang ganitong libro sa bookshelf ko but blessing in disguise na rin.

Sinulat ko na ang nararamdaman ko para sa kaniya. Tiningnan ko ang orasan at binasa ko ang ginawa ko.

"Ano 'to? Isang story na yatang 'tong ginawa ko para sa kaniya. Damn! Two pages?" inis kong sabi sa sarili ko. Kaya tumayo na lang ako at umupo sa dulo ng kama. Kinuha ko iyong phone.

"It's already 12:54 A.M." nagbukas ako ng Fb nakita kong bukas pa siya. Kaya nag-chat ako.

" Gusto kita pero sana wag mo akong iwasan. Sana kahit umamin ako at kung wala kang gusto sa akin. Sana manatiling magkaibigan na lang tayo." chat ko. Nakita kong na-seen niya pero siguro naiwan na lang niyang open ang phone niya. Nag-type pa ako ng isa pero d-in-elete ko na lang ulit. Pumunta ako sa timeline ko.

"How to be a man?" post ko. Nakita ko ang sunod-sunod na comment nila at pag-dami ng react sa post ko but one thing caught my eyes. Nag-comment si Glenda iyong kaibigan ni Lucy.

"Walang nakakaalam kung paano. Not until you found the woman and change you into a man. Ikaw at ang sarili mo lang ang nakakaalam niyan. So that's all, naki-FC lang ako dito." comment niya. Kaya natawa na lang ako. Napatango na lang ako.

"I know a little part of me change and she change to be a better man." kaya nailing na lang ako. Humiga na lang sa kama.

"Sana bukas walang magbago. Sana." bulong ko.

𝐁𝐚𝐤𝐚 𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬 𝐢𝐤𝐚'𝐲 𝐚𝐤𝐢𝐧
𝐒𝐚𝐧𝐚 𝐝𝐢 𝐦𝐚𝐠𝐛𝐚𝐠𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐭𝐢𝐧𝐠𝐢𝐧

Pagtingin (Completed) ✓Where stories live. Discover now