Pagtingin 💬3

269 24 0
                                    



𝐏𝐚𝐡𝐢𝐰𝐚𝐭𝐢𝐠
𝐒𝐚𝐧𝐚 𝐝𝐢 𝐦𝐚𝐠𝐛𝐚𝐠𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐭𝐢𝐧𝐠𝐢𝐧

Paulit-ulit kong binasa iyong ini-screenshot ko. Hindi ko alam kung paano ko pipigilan 'yong saya ko. Nagtatalon ako sa sobrang saya. Impit akong napasigaw.

"Hindi 'to panaginip diba?AHH!!" kilig kong sabi.

"Bakit feeling ko nagseselos siya kay Max. Hindi niya ba alam bakla 'yon. Hindi niya ba alam sa lahat ng writer na favorite ko ay siya lang ang pinakagusto ko. Hayyy sobra na 'yong saya ko." sabi ko. Pumunta ako sa higaan ko. Binasa ko ulit iyong post niya. Kung tatanungin niyo kung ilang beses ko na 'tong ginawa. Sobrang dami na. Naramdaman kong umiinit ang pisnge ko. Kaya tumingin ako sa salamin.

Nakita ko ang mga pisnge kong namumula at ang mga ngiti kong pupunatin na ang mukha ko sa sobrang lawak. Tiningnan ko ang mga mata ko parang may mga glitters.

"Ganito ba ang feeling kapag iyong taong gusto mo nagpahiwatig na? Iyong tipong ang lakas ng tibok ng puso mo. Ang daming paru-paro sa tiyan mo. Natutuliro ang isip mo. Ganito ba ang feeling kasi kung ganito, sana hindi na 'to matapos pa." nangangarap kong sabi at pabagsak na akong humiga sa kama. Tumingin ako sa kisame.

Nagbukas ako ng phone at nag-open ako ng Fb. Pumunta ako sa post section.

"What's on your mind?" basa ko doon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pero isa lang ang sinisigaw ng puso ko at hindi ko alam nag-ta-type na pala ako.

"Favorite writer naman kita. Huwag ka ng magtampo.☺️" post ko at t-in-ag ko pa siya. Nakita ko na ang salitang 'Done'. Kaya sinarado ko 'yong phone ko at binaon ko 'yong mukha ko sa unan.


𝐏𝐚𝐡𝐢𝐰𝐚𝐭𝐢𝐠
𝐒𝐚𝐧𝐚 𝐝𝐢 𝐦𝐚𝐠𝐛𝐚𝐠𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐭𝐢𝐧𝐠𝐢𝐧

Nagpagulong-gulong ako sa nararamdaman ko. Parang kaunting segundo na lang sasabog na iyong puso ko sa saya.
Narinig ko 'yong phone ka na nag-be-beep. Kaya mabilis ko 'tong kinuha.

"Paano kung nabasa na niya? Ano kaya 'yong sasabihin niya. Parang iniisip ko pa lang sasabog na ang puso ko." mahinang sabi ko sa sarili ko. Nagbukas ako ng phone at Fb.

💬 26 New Notifications from your post.

Pero may isang nakakuha ng mata ko.

💬Kelsey Writes comment on your post.

"Gosh! Sana mali ang iniisip ko." pakikiusap ko pero pumunta pa rin ako sa timeline ko.

"Favorite writer naman kita. Huwag ka ng magtampo.☺️"
👥Kelvin WP.
458 reacts, 100 comments and 25 shares
6 minutes ago.

Pero lahat ng reacts ay puro angry. Pumunta ako sa comment section.

"Hoy! Feelingera ka sa tingin mo mapapansin ka na niyan. Ganda ka?"

"Pasikat ka! Porket dumami ang reactors mo sa pangit na boses mo. Ganiyan ka @Kelsey Writes."

"@Kelsey Writes may isang nagpapasikat."

"@Kelsey Writes anong gusto mo report na ba namin?"

Nasasaktan ako sa pinagsasabi nila. Oo gusto nila si Kelsey kay Kelvin pero ako, gusto ko rin si Kelvin. Hindi ba pwede maging madali na lang ang lahat. Wala naman na sila. Bakit parang ako pa ang nagmumukhang umeeksena?

Nagbasa ako ng iba pang comment hanggang sa nakita ko na ang post ni Kelsey.

"Guys stop this! Huwag kayong ganiyan sa kaniya. Natural lang ang humahanga ang reader sa writer at saka normal lang ang ganito kaya please stop bullying okay. If you love me and Kelvin hihinto na kayo sa pag-comment ng masama sa kaniya. Thank you."

Pagtingin (Completed) ✓जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें