"Ewan ko na lang po kay Erik, Daddy," sabi ko. "Galante kasi siyang tao."
"Much better, anak," sabi ni Mommy. "But don't worry. Hindi naman tayo oportunista. Magbabayad pa rin tayo." Sabay, ngiti sa akin ni Mommy.
"Halika na," sabi ni Daddy. "Baka ma-trapik tayo sa daan. Tawagin mo na ang mga kapatid mo, Rosalinda."
Sumang-ayon ako kay Daddy kaya tinawag ko na kaagad sina Romeo at Racky para lumabas na ng kuwarto at dumiretso sa kotse namin. Hindi naman na-tow ang kotse naming matapos ang nangyari kagabi. Mabuti na lang at nakausap kaagad ng mga enforcers si Atty. Garcia. Salamat kay Erik! Good impression #1.
Ang heavy ng trapik papunta ng The Fort. Hindi ko talaga lubusang maintindihan ang trapik ngayon sa Maynila. Mabuti na lang at may music sa kotse. Nagkantahan na lang kaming mag-anak ng aming theme song: Candy Store ng Faber Drive. Saan ka? Pati parents namin, feeling teenager. Lakas makabata kasi ng kanta! Hinanap namin kaagad ang Inspire Restaurant pagkarating naming sa The Fort. Nang mahanap naming iyon, nakita naming nakatayo na sa pintuan si Erik at kausap ang isang restaurant staff. Pagkarating naming, unang bumati si Erik kay Daddy.
"Tito, good evening. Welcome to Inspire. Let me inspire you with our food." Sabi ni Erik kay Daddy sabay gesture for us to enter the restaurant. Nakita kong ngumiti si Daddy sa kanya. Parang waiter lang kasi ang peg ni Erik ngayon.
Lumapit kaagad si Racky kay Erik para yumakap. Hinalikan naman ni Erik si Racky sa noo. Nag-high five naman sila ni Romeo with matching long handshake.
"Mukhang gustong-gusto ka ng mga anak namin," sabi ni Mommy kay Erik nang nakangiti. Aba at nakapuntos na naman si Erik. Good impression #2.
Pumasok kaming lahat sa restaurant. Buong akala naming ay dadalhin kami ni Erik sa isang ordinaryong table for six. Nagulat na lang ako nang dinala niya kami sa isang function room. Tuwang-tuwa sina Mommy at Daddy dahil magiging private at exclusive daw talaga ang dinner namin. Lumapit ako kay Erik habang abala sa pag-upo ang aking pamilya. Bumulong ako sa kanya.
"Ano ito, Erik?" Tanong ko sa kanya. Tinutukoy ko ang private function room na gaganapin ng aming dinner.
"Good impression," pangising sagot niya sa akin.
"Pero paano namin babayaran ang kakainin namin? Mukha kasing marami kang inihanda sa kanila."
"Hey, Rose," sagot niya sa akin. "I'll let Tito decide. It would be too obvious kapag ako maghahanda ng pagkain para sa inyo. Let him decide for the food. Remember, I am also a guest here." Uhm. Good impression #3.
"Rose," narinig kong pagtawag sa akin ni Daddy. "Halina kayo dito ni Erik nang makapag-order na ako."
Naupo kami ni Erik nang magkatabi. Actually, kaharap naming dalawa sina Mommy at Daddy. Parang interrogation ang scene ng aming pagkaka-upo. Hay, Lord! Kinakabahan ako lalo. Lumapit bigla sa tenga ko si Erik at bumulong.
"Relax, okay? Everything will be just fine." Thank you, Lord. Nandiyan si Erik para pakalmahin ako. Of course, naroon pa rin kasi ang mentality ko na magkaroon siya ng good impression sa parents ko. Kaya rin siguro may mga ganito akong jitters.
Lumapit ang isang waiter kay Daddy para makuha na an gaming order. Habang nago-order si Daddy, nakita ko si Erik na pangiti-ngiti sa akin at kina Daddy. Bigla niyang kakausapin si Romeo tungkol sa latest NBA games habang abala si Racky sa paglalaro ng Nintendo DS. Pakiramdam ko noon, parte ng pamilya namin si Erik. Parang kapatid ko lang. Ay wait! Hindi puwedeng kapatid kung hindi wala kaming pag-asa! Erase! Erase!
Naging mabilis ang service ng mga waiters ngayong gabi. Panigurado, sinabihan ni Erik ang mga restaurant staff na maging mabilis ang services para sa amin. Mukhang sang-ayon naman sina Mommy at Daddy na mabilis ang service ng staff nila. Good impression #4. Dumating na lahat ng pagkain namin. Mamaya na lang daw ang desserts. At siyempre, nagdasal muna kami bago kumain.
YOU ARE READING
Scripted Relationship
RandomGusto ni Rosalinda Mercedes Mendoza a.k.a. Rose na maging isang scriptwriter para sa pelikula. Kaya nagpasya siyang magsulat ng isang romantic love story as a start. Ngunit, may isa siyang problema: Never pa siyang nagkaroon ng boyfriend! Paano siya...
Chapter 25
Start from the beginning
