Chapter 23

1K 22 0
                                    

Huminga ako nang malalim nang makarating na ako sa tahanan nina Bianca. Noong una ay nagulat ako nang malamang sa isang exclusive subdivision na sya nakatira. Ang laki ng pinagbago ng buhay nya.

Nang makababa ng kotse ko ay sinalubong ako ng yakap ng kambal na kapatid ni Bianca. Akala ko nga nung una ay hindi na nila ako maaalala pa dahil limang taon din ang lumipas mula ng huling kita namin.

"Na-miss ka namin ate Agatha. Ang tagal mo pong bumalik." nakangusong sabi ni Jen, isa sa kambal.

"Opo nga po, ate Agatha. Ang sabi mo ay saglit lang. Hindi ko alam na yung saglit pala ay katumbas na ng limang taon." nakangusong sabi naman ni Jane, mas matanda kay Jen.

Natatawang kinurot ko ang pisngi nila, "Nagtatampo ang dalawang bata. Di bale, may pasalubong naman ako sa inyo eh!"

Agad na nag-agawan ang kambal sa dalawang malaking bag na dala ko. Bago ako bumalik dito sa Pinas ay bumili talaga ako ng pasalubong para sa kanila. Actually meron akong pasalubong para sa kanilang lahat. Hindi ko nga lang alam kung paano ko ibibigay lalo na yung kay Zeus. Kaya naman hindi na ako nag-abala pang dalhin ang mga yun dito kahit na nandito silang lahat. Small world, right?

"Agatha! Buti na lang ay nandito ka na. Akala ko ay hindi ka sisipot." sabi ni Bianca nang makalapit sakin.

Agad akong ngumiti sa kanya, "Dumalaw ako kay mommy at medyo natagalan ako dun."

Niyakap nya ako bago muling nagsalita, "Kanina ka pa hinihintay ni tita Martha."

Hawak nya ang kaliwang braso ko nang pumasok kami sa bahay nila. Ang laki ng bahay nila ah! Talagang nagbunga ang paghihirap ni Bianca.

"Naipundar ko ito noong lumago ang bar ko. Yung mga gamit naman ay unti-unti kong nabili nang makilala ako sa larangan ng sining." pagkukwento nya habang naglilibot-libot ang paningin ko sa bahay nila.

Si Bianca pala ay isang sikat na painter na. Noong pa man ay alam ko nang mahilig syang magpinta. She was born to be a painter.

"Agatha!" pagtawag sakin ni Arriana bago ako niyakap.

"Kumusta ka na? Nawalan kami ng komunikasyon sayo kaya wala kaming balita tungkol sayo maliban sa pag-uwi mo rito." nagtatampong sabi nya.

Ang totoo nyan ay pinutol ko talaga ang komunikasyon ko sa kanila dahil nagtampo ako noong nalaman kong kasama sila sa kasal nina Zeus at Cassandra. Ilang linggo lang naman nagtagal ang tampo ko pero hindi ko na nagawa pang kontakin sila kasi nahihiya ako noon.

"Meet my husband, Dr. Altheo Jun Zudalga. And this is our son, Richie Drake." pagpapakilala ni Arriana sa pamilya nya.

Grabe! Ngayon ko lang nalaman na dalawang taon na palang kasal si Arriana sa doktor at dalawang taon na rin ang panganay na anak nila. Samantalang si Bianca naman ay malapit na ring magpakasal kay Treshian na nakilala ko na sa bar nya.

"Sorry ah hindi ka namin naimbitahan sa kasal. Pero Agatha, ninang ka nitong anak ko ah." sabi pa ni Arriana na masaya kong sinang-ayunan.

Naglalambing namang yumakap sa hita ko ang anak nya habang nakangiti sakin. Hindi ko alam pero muli akong bumalik sa nakaraan. Nakaraang hindi ko pa rin nakakalimutan.

"Ahhhhh! Ang baby koooo! Tulooong!" sigaw nya na rinig na rinig ko kahit na nasa loob ako ng kotse ko.

Mula sa pwesto ko ay kitang-kita ko ang pagtulo ng pulang likido sa mga binti nya.

Nabalik ako sa reyalidad nang gumawa ng baby sounds si baby Drake. Wala sa sariling hinawakan ko ang magkabila nyang pisngi. Ang cute nya!

"Agatha." rinig kong pagtawag sakin at nang tignan ko ay si Nicole pala kasama ang kambal nyang anak.

Untold Stories 2: Mistress (Completed)Where stories live. Discover now