☆DREAMS☆
Ito ay istorya ng mga teenagers na susubukang resolbahin ang kasong pinag-usapan sa buong campus nila. Sa kasong ito ay nasangkot ang isa sa mga magkakaibigan, at bilang kaibiga'y susubukan nilang tulungan ito. Sa pamamagitan ng pananaginip ay doon nila makikita ang mga kasagutan sa misteryong kaso ni Analeigh. Sa huli kaya'y magawa nilang mailabas ang kaibigan nila't matukoy kung ano ang katotohanan sa likod ng misteryong kaso?
☆ABOUT THE CHARACTERS☆
Ang mga pangalan ng mga tauhan dito ay syempre ako ang pumili. Magulat ka, ikaw ang pumili. Char! HAHAHA! Hindi ko binase mula sa mga sikat na artista o personalidad ang mga tauhan dito. Lahat ito, imbento ko lang. HAHA! Lalagyan ko na lang din ng appearance para ma-visualize niyo kung anong hitsura nila. HAHAHA!
VOWELLE
Nung nag-iisip ako ng magandang pangalan para sa bida ng book na 'to, naalala ko talaga si Eleven sa Stranger Things. Kung iyon, based sa numbers. Yung akin, I tried to base it from letters. Diyan lumabas ang idea ko na gawing Vowel ang pangalan ng main role. Vowel looks so plain kaya dinagdagan ko ng 'le'. Gusto mo 'yown?!
Appearance:
▪May brown na buhok. Di naman totally brown, parang may halo lang yung black ng brown pero natural 'to, di tulad ng iba diyan HAHAHA!
▪May salamin, yung round yung frame. Mala-harry potter ganon. Hindi naman siya nerd dahil may salamin ito, malabo lang talaga paningin nito.
▪Medyo singkit.
▪May freckles siya pero wala siyang lahi. Wala lang trip ko lang.
▪Medyo patpatin itong si Vowelle dahil nga sa ayaw niyang kumain sa bahay nila. Haha!
▪Doesn't wear any make-up. Sorry ka, natural.
▪Medyo maputi lang itong si Vowelle.
CASH
The name Cash comes from it's characters background. Na-buhay siya sa parang magulong buhay. Rebelde dito, walwal don. Parang siya kasi yung tipo ng babae na lasengga. Young, wild and free. At naisip ko na ang pera yung parang nakakapag-dulot sa'tin para gawin yung mga bagay na yon. Tama ba? Haha! Ewan ko, ako lang ba? Pero kapag narinig mo kasi yung name na Cash, iisipin mong badass siya. HAHAHA!
Appearance:
▪Iba-iba ang kulay ng buhok nito. Black, pink, violet and blue. Medyo rockstar kasi ang peg nitong si Cash.
▪Yung mata niya ay parang pang-pusa rin pero mas maganda yung kay Beige.
▪Dahil nga medyo rebelde mode si Ate mo Cash ay may tattoo rin ito na star sa baba ng kanang mata nito.
▪Wears black lipstick all the time.
▪Parehas lang ng kulay sina Vowelle at Cash.
BEIGE
Beige just sinked in to my mind. Kapag Beige kasi parang sosyal at saktong-sakto yun kay Beige. Beige in this book looks so elegant, yayamanin, yung tipo ng babaeng bawal mong hawakan kung'di ka pa nag-aalcohol (Coronavirus ka beh!? HAHA!) Basta sosyal 'tong si Beige at para sakin ay bagay sa kaniya ang pangalang Beige.
Appearance:
▪Black long hair. Mga hanggang tiyan.
▪May mata ng pusa.
▪Pouty lips siya.
▪Sexy, super duper! HAHA!
▪Matangkad siya. Pang model yung height.
▪Puputok na ang mukha dahil sa hindi na ito nawalan ng make-up sa mukha.
▪Maputi ito kasi nga 'diba richkid si ate girl.
LEXXEY
Sa totoo lang itong pangalan na 'to, random lang. Nag-isip ako ng pangalang bagay makulong. HAHA! Di ko naman gustong sabihin na parang lahat ng Lexxey ay bagay makulong. Swear, wala lang talaga akong maisip at random lang itong Lexxey na 'to.
Appearance:
▪Curly yung buhok niya. Kung nanonood ka ng Money Heist at kilala mo si Stockholm don, parang katulad non. Ang pinagkaiba lang ay brown ito, dark brown.
▪Malaki ang mata nito.
▪Pouty lips din pero mas maganda ito kaysa kay Beige. Mas natural kasi ito tignan kaysa kay Beige.
▪Medyo may kaliitan nga lang itong si Lexxey.
▪Sa apat sa kanila, siya lang ang medyo may kaitiman.
☆SOUNDTRACKS☆
> Imagine - Ariana Grande
☆DISCLAIMERS☆
Hello sainyong lahat! Ang librong ito ay hindi hango sa kahit ano mang dream related shows or books. Marami kasing nagsasabi na para daw itong ganito o ganiyan pero para malaman niyo pong lahat, ang concept ng libro kong ito ay sariling gawa ko po. Kung may mga resemblance man kayong nakikita mula sa ibang movie or books ay 'di ko po iyon sadya at nagkataon lamang po ito.
Kaya ko naisulat itong 'Dreams' ay dahil lately nananaginip ako. Actually iba iba nga ang napapanaginipan ko e. Hindi ko na sasabihin pa ng specific kung ano ang mga iyon haha! Basta pumasok lang sa isip ko na bakit kaya hindi ako gumawa ng story about sa pananaginip. Then yun, duon na nabuo ang Dreams!!!
Share ko lang. Dream ko rin talaga ang maging isang author/director ng isang book/movie. Pero sa ngayon, let me showcase it muna dito sa mundo ng wattpad.
Huwag niyo kalimutang i-vote every chapter ng story na ito, wala lang tulong na lang rin HAHAHA! Atsaka comment na rin kayo ng mga thoughts niyo every chapter. Masaya akong basahin ang mga comment ninyo. Yiee kinilig. Haha! At syempre huwag niyong kalimutan to...
☆ ENJOY THE STORY ☆
YOU ARE READING
Dreams
Mystery / Thriller[COMPLETED] Paano kung sa panaginip mo makita ang kasagutan sa mga problemang kinakaharap mo sa kasalukuyan? Tatanggapin mo ba ang mga sagot na ibinibigay nito kahit mayroon itong kalabuan? Sa panaginip nila makikita ang mga sagot sa katanungan, ngu...
