Nagtataka ba kayo na wala akong ina? ang mahal na inang reyna ay ang ina ng mahal na hari. Ang sabi nila ay patay na raw ang aking ina ngunit hindi ako naniniwala, wala silang maipakitang bangkay, hindi ako naniniwala na nasa hukay na ang nagluwal sa akin.

Ngunit alam ko kung anong mukha ng aking ina. Nakita ko ang mukha nito sa imahe bago ito sinunog sa aking harapan ng mahal na hari.

"Wag na wag kang magtatangkang gamitin ang iyong kapangyarihan rito sa mundo ng mga tao, mahal na prinsipe." agad siyang napatingin sa kanyang tabi. Ang babaeng nakausap niya sa kalagitnaan ng gubat, ng sandaling tugusin siya ng mga kawal.

"Ikaw nanaman? Papaano ka nakapunta rito sa mundo ng mga tao? Anong ginagawa mo rito?" sunod sunod na tanong niya rito. Impossibleng makasunod ang babaeng ito sa kaniya, depende kung ang mahal na hari ang nagutos.

Nanatili itong nakayuko, "Sabihin na nating, ako ang naatasang magbantay sayo rito sa mundo ng mga tao. Kagaya ng sinabi ko, bawal kang gumamit ng kapangyarihan mo rito sa mundo nila, dahil kung hindi mo sinunod ang sinabi ko, magkakaroon ng napakalaking gulo." saad nito.

"Bakit magkakaroon ng gulo? Ano ba itong mga taong ito, wala bang may kapangyarihan sa kanila kahit na isa?" tanong niya rito at agad naman itong umiling.

"Pangkaraniwang tao lamang sila, mahal na prinsipe. Ngunit marami silang nalalaman."

Napangisi siya, "Sigurado kaba sa sinasabi mong ikaw ang naatasang magbantay sa akin?"

"Oo, mahal na prinsipe. Pinagdudu dahan mo ba ako?" tanong nito sa kanya.

"Mali ba kung sasabihin kung oo? Isa ka sa pinaka weirdong tao na nakilala ko. Hindi ko nga alam kung saang bayan ka nang galing." ani niya rito.

Dahan dahan itong tumingin sa kanya at pinaningkitan siya ng mata, kagaya nito ay naningkit rin ang mata niya. Ang mga matang iyon, napaka pamilyar. Parang nakita na niya iyon sa kung saan, hindi nga lang niya maalala.

Ngayon niya lang nakita ang mata nito. Sa sandaling magusap sila sa may gubat, nakayuko lang ito habang nagsasalita.

"Sabihin mo nga sa akin kung anong lengguwahe ang ingles? Ba't hindi ko alam 'yon?" tanong niya rito.

Natawa ito at agad na yumuko, "Isa kang mahal na prinsipe ngunit hindi mo alam ang lengguwaheng iyon. Sabagay, wala ka namang ginawa kundi ang tumakas ng tumakas kaya iyan ang naging resulta, naging prinsipeng walang alam."

Nagsalubong ang kilay niya at dinuro niya ito, "Anong sabi mo? Prinsipeng walang alam? Ako?" sigaw niya rito, nag kulay pula ang kanyang mata takda na unti unti siyang naiinis, unti unti niyang inipon ang yelo sa kanyang kamay ngunit bigla nalang naglaho ang babae at sumulpot naman si Sid.

"Hoy lalaki, anong ginagawa mo rito?Ba't nagsasalita ka ng mag isa riyan? Tuluyan kana bang nabaliw?" tanong nito sa kanya. Bumaling siya ng tingin rito, nawala na ang yelo sa kamay ngunit hindi pa naglalaho ang kulay pula niyang mga mata.

"Teka, anong nangyari sa 'yong mga mata? Are you wearing contact lense?" tanong nito. Agad siyang nagtaka kung bakit naiintindihan na niya ang ingles. Hindi kaya... Agad siyang luminga linga sa paligid at agad niyang nakita ang babaeng kausap niya kanina, nagtatago ito sa isang pader malayo sa kanila.

"Ano, contact lense? Ano yon?" maang maangan niya. Siguradong magtataka ito kapag nalaman nitong marunong na siyang makaintindi ng wika nila.

"Oh, gumanda ang pronounciation mo. Wala iyon, namalikmata lang ako." ani nito, mukhang bumalik na sa pagiging itim ang kulay ng kanyang mga mata.

"By the way, let's go. Umalis na tayo rito, tapos na ang practice ko." dahan dahan siyang tumango at agad na sumabay sa paglalakad nito.

Habang naglalakad ay napansin niya ang paghawak ni Sid sa kanyang cellphone ng matagal. Maya maya ay bubuksan niya iyon at isasara, tapos bubuksan ulit at isasara. Ang babaeng iyon, kung anong ginawa sa kaniya ay nakatulong, hindi na siya mukhang ignorante sa mga kagamitan ng mga tao.

THE LIGHT IN THE DARK : TWO DIFFERENT WORLDWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu