Paano?

Ginabayan niya ako sa mga unang paggalaw.

"Ahh", he moaned.

I can't believe I'm doing this!

Ako? Gumagalaw sa ibabaw niya.

Naging mabagal lang ang paggalaw ko sa una, hanggang sa pabilis ako ng pabilis.

And then we both reached our climax.

Nahiga ako sa tabi niya. Infairness, nakakapagod pala ang nasa ibabaw ha!

He kissed me on my lips.

"You are so great, baby!" bulong niya.

Napangiti ako. Sana naman nasatisfy ko siya.

Paglingon ko sa kanya. Nakapikit na siya. Nakatulog siguro sa sarap. Hahahaha!

Ako nga pala si Arkisha at ang lalaking katabi ko ay si Adam, my ex boyfriend. Ganito talaga kami eh.

We are Ex with Benefits.


TWO

My phone rang.

Pagtingin ko kung sino ang tumatawag, si Adam.

"What?!"

"Where the hell are you?" tanong niya.

Bakit parang galit ang tono niya? Inano ko ba siya? As far as I know, I made him happy last night.

"Paki mo!" sagot ko. Normal na sagot ko na yan sa kanya. Eh ano ba naman kasi ang pakialam nya? Kahit nasa ibang planeta pa ako ngayon, wala siyang pakialam.

"Bumalik ka dito sa condo ko."

Abah! Bossy!

"Bakit naman ako babalik dyan? Don't tell me..." sabi ko. Maaga kasi akong nagising kanina. Tulog pa siya nang umalis ako. Alangan namang hintayin ko pa siyang magising para magpaalam sa kanya?! Bakeettt?

"May pag-uusapan tayo."

Pag-uusapan? Tungkol kaya sa amin yun?

"Tungkol naman saan?"

"Basta, magpunta ka na dito."

Actually, andito ako ngayon sa boarding house ko, nagla-lunch. Ano naman kaya ang pag-uusapan namin ni Adam?

Oh my god! Ititigil na ba namin ang pagkikita namin at magpapakasal na siya?!

NOOOOO!

Hindi ako papayag!

Ang alam ko kasi, may girlfriend na siya ngayon. Oo, tama, I'm sleeping with him kahit may girlfriend siya. Pumapayag ako. As long as hindi niya gagalawin ang girlfriend niya eh. Ayoko kayang magkasakit noh!

Tama ng kami na lang dalawa ang gumagawa nun. Ewan ko ba, matapos naming magbreak dati, we just found ourselves sa ganitong set up. So far, so good naman. Walang pressure. Walang stress, pero parang naii-stress ako sa iniisip ko ngayon at yun ay kung anong sinasabi ni Adam na pag-uusapan namin.

Kaya naman after kong mag-lunch, bumalik na ako sa condo niya. Pagbukas ko ng pinto. Holy Sh*t!

Tanging towel lang ang bumabalot sa bewang niya. Tapos basang basa pa ang buhok niya. Tumutulo pa nga sa balikat at likod niya. At ang abs, syeeeett!

"Arkisha..."

Papalapit siya nang papalapit sa akin.

"Huy! Tititigan mo na lang ba ako?"

Hinawakan niya ang baba ko. Hahalikan na ba niya ako??

Hinawakan niya ang labi ko.

"Tsk. Tsk. Tumutulo oh!" sabi niya.

Letse! Gag* talaga 'to! Bumalik naman ang katinuan ko.

"Ano bang pag-uusapan natin? Pwede ba sabihin mo na kasi nasasayang ang oras ko? May trabaho pa ako," sabi ko.

Hinila niya ako paupo sa sofa. Inilapit niya ang katawan niya sa akin.

Pag ako di nakapagtimpi, susunggaban ko talaga 'to, kanina pa nang-aasar eh!

"It's about Maileen."

I rolled my eyes and I'm glad hindi niya nakita.

"The hell I care with your flavor of the month!" sabi ko. Yeah, yun yung girlfriend niya which I consider his flavor of the month. Or should I say, flavor of the week? Ang bilis niya kasing magpalit ng babae, well I'm the only exception. Hahaha!

"Gusto ko ng makipag-split sa kanya."

See? Napakabilis.

"Eh di makipagbreak ka! Go."

"Nah. It's not easy."

"Kelan pa naging mahirap ang makipagbreak para sayo? The last time I check, you are the number one heartbreaker in town."

"Iba 'to."

Inamin din na siya nga!

"Iba si Maileen. Masyado siyang obsessed sa akin, kailangang maipakita ko sa kanya na may iba na talaga akong mahal. Words are not enough to her."

Tinitigan ko lang siya.

Ano bang gusto nitong mangyari?

"Can you pretend as my girlfriend?"

WHAAATTT??

"Ouch!" sigaw niya. Hawak niya ang mukha niya. Sinapak ko lang naman kasi siya.

"How dare you! Gag* ka talaga! Bakit ko naman gagawin yon?"

Bakit naman ako magpapanggap na girlfriend niya eh kung pwede namang totoo. Ayoko nga!

"Sige na."

"NO!"

"I will give you anything you want," sabi niya.

Even his heart?

"No! Adam, maghanap ka ng ibang babaeng mauuto mo! Dyan ka na nga!"

Tumayo na ako at naglakad.

"Ako nang bahala sa tirahan mo."

Pause.

Gipit na gipit ako ngayon eh. I looked at him. Hawak pa rin niya yung parte na sinapak ko.

"Ako nang bahala sa titirahan mo for a year. Tutal isang taon ka na lang naman sa pag-aaral diba? Sige na, pumayag ka na. All you have to do is to act as my girlfriend. Madali lang yon."

I know. Madali lang talaga para sa akin. Nagawa ko na dati eh.

"At kapag tuluyan na akong nilubayan ni Maileen, tapos na ang palabas natin, at hindi mo na poproblemahin ang tirahan mo."

Hindi ko nga poproblemahin ang tirahan ko. Poproblemahin ko naman ang puso ko.

"Arkisha..."

Nag-isip ako.

"Isang taon, ha."

Ngumiti siya. "Oo, isang taon."

Tumango ako. Lumapit siya sa akin, niyakap ako at hinalikan. Torrid.

"Thanks, baby."

Baby na naman?!

Psshh.



EX with Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon