Sixty Five

235K 2.9K 536
                                    

Arkisha's POV

Nagising ako at si Adam ang nasilayan ng mga mata ko.

"A-adam.."

"Babe, buti naman gising ka na."

"Kamusta ang mga bata?" tanong ko kaagad.

"Okay na sila. In fact, may mga pangalan na nga sila."

O_______O

May pangalan na?! Agad agad? Ako ang nanay tapos may pangalan na agad. Napansin ni Adam na nagulat ako. Napakamot siya sa ulo.

"Eh tulog ka pa kasi nung fill up-an ko yung birth certificates nila", sabi niya.

"Ano naman ang inilagay mo??"

Oh God! Please, sana naman matinong pangalan ang inilagay niya.

"Ano??!"

"Eh nagmamadali kasi ako sa pagiisip eh.. kaya.."

"Kaya ano?"

"Ang ipinangalan ko ay.. Scarlett at Brent."

O__________O

"ANO??!"

"Eh wala na kasi akong maisip eh."

"Naman Adam! Ang dami daming pangalan sa mundo, bakit naman iyon pa?!"

"Sorry naman."

Umuusok yung ilong ko sa galit, pero siya, nakatawa na.

"Dahil dyan, hinding hindi ko na talaga ibabalik ang benepisyo mo! Dahil kapag ibinalik ko, at nakabuo na naman tayo, baka kung ano na naman ang ipangalan mo!"

"Babe, teka lang naman! Benepisyo ko yun. Wag namang ganyan!"

"Tse! Kapapanganak ko lang, pinapaiinit mo ang ulo ko!"

"Babe naman, binibiro lang naman kita. "

Tiningnan ko siya. Seryoso na ang mukha niya.

Nagbukas ang pinto at dumating sina Ella at Jane.

"Arkisha! Kamusta ang mommy?!" Nagbeso sila sa akin.

"O? Bakit parang hindi ka masaya?" tanong ni Jane.

"Eh iyang si Adam kasi, pangalanan ba naman ng Scarlett at Brent ang kambal!"

"Binibiro nga lang kita. Ano ka ba?"

Nilapitan niya ako at niyakap.

"Mukha ba akong nakikipagbiruan?"

Nagbukas ang pinto at dumating si Jam, kasama niya si Ian.

"May dala akong prutas", sabi ni Jam. Naiinis pa din ako kay Adam.

Nagbukas ulit ang pinto at dumating ang kambal.

Not my twins.

I'm talking bout Venice and Paris.

"Where are the babies?" tanong ni Paris.

"Nasa nursery", sagot ni Adam.

Siya namang pagpasok ng nurse kasama ang kambal ko.

Sobrang saya ko nang makita ko sila. Binigay ni Adam sa akin ang isa at buhat buhat niya ang isa.

"Boy and girl. Nice!" sabi ni Ella.

"Ate, anong pangalan nila?" tanong ni Ian.

Tumingin ako kay Adam ang I rolled my eyes at him.

EX with Benefits (COMPLETED)Where stories live. Discover now