Twenty Six

339K 2.7K 154
                                    

Twenty Six

Anong problema ni Adam? Ako pa ba ang mali? Eh siya nga tong parang bata na basta na lang nag-walk out.

"O? Hindi maipinta yang mukha mo?" tanong ni Ella. Kasama niya si Jane na dumating.

"Si Adam kasi.." sagot ko.

"Adam.. Adam.. Adam.. Palagi na lang si Adam. Hanggang kailan ba mananatiling title holder si Adam bilang "Latest Ex Boyfriend" mo? Baka naman gusto mong ipasa sa iba ang title?" sabi ni Ella.

"Eh kung ipasa ko kaya sayo ang init ng ulo ko?"

"Eh bakit ba kayo nag-away?" tanong ni Jane.

"Dahil yata kay Brent. Nagpunta kasi siya dito kanina--."

Napuno na ng tili ang buong bahay. Tili ni Jane.

"Oh Em Gee! Si Breeenntt?? Nandito siya?? Waaaahhh!! Asan na??"

"Pinaalis ni Adam", sagot ko.

"Talaga? Nagawang itaboy ni Adam? Nagjombagan ba? Eh teka sino ba yung Brent?" tanong ni Ella.

"Si Brent. Yung gwapo, matangkad, yung kapag ngumiti, malalaglag ang "P" mo! Ayyyy!!"

Si Jane ang sumagot.

"Nakilala ko siya sa party nung friend ni Adam. Matagal na ata silang magkakilala tapos kanina ayun, narinig ko yayayain lang daw ako kumain sa labas, tapos etong si Adam, na hindi ko alam eh mahusay palang artista, ayun nag-imbento na ng kwento. May sakit daw ako, kaya umalis na yung isa."

"Ah.. Nagselos.." sabi ni Ella.

Patango tango lang si Jane. Kumunot ang noo ko.

"Selos? Si Adam, magseselos? Malabo yun. Ang sabihin mo, ayaw lang niya talaga dun kay Brent para sa akin. Ewan ko ba dun, sabi niya kilala daw niya si Brent, ganun."

"Eh lahat naman yata ng lalaki ayaw ni Adam para sayo eh. Baka naman siya ang gusto niya para sayo.." may himig na panunukso si Ella.

"Oo nga, kita mo binabakuran ka hindi naman kayo, eh di lalo na kapag kayo na ulit. Hala ka! Hahaha," dagdag ni Jane.

"Seloso pala si Adam noh?" sabi ni Ella kay Jane.

"Oo nga. Ano kayang itsura ni Adam kapag nagseselos?" tanong ni Jane

"Syempre mas gwapo! Kahit nga seryoso, ang gwapo gwapo pa din. Crush ko nga yun eh."

"Basta ako, gusto ko si Adam", sabi ni Jane.

"Crush mo din siya??!" tanong ni Ella.

"Hindi. Gusto ko nga si Adam para kay Arkisha, kasi si Brent ang crush ko. Hihihihi!"

"Mas gwapo naman si Adam!" sabi ni Ella.

"Ano ka? Bulag ka ba? Mas gwapo si Brent. Tss!" sagot naman ni Jane.

"Basta. Akin si Adam, sayo na si Brent mo!" sabi ni Ella.

Pinapanood ko lang sila. Nakatitig. Nag-apir pa ang dalawa.

"Hoy! Kayong dalawa! Kung mag-usap kayo, parang wala ako sa harap nyo ah. Pagbuhulin ko kaya kayo!" singhal ko sa kanila.

"Pagpasenyahan mo na kami. Ikaw na nga ang maganda. Ikaw na ang mahaba ang hair. O siya, heto ang korona. Jane, ipatong na natin kay Arkisha", sabi ni Ella.

Tumayo yung dalawa at umarteng may koronang ipinapatong sa ulo ko.

"O ayan! Arkisha, ikaw na!"

Sabay sabay kaming tumawa.

"Mga loka loka kayo!"

**

"Anong problema mo sa cellphone mo?" tanong ni Jane. Nagyaya siyang magmall. Wala kasi kaming pasok. "Kanina mo pa paulit-ulit na tinitingnan ang cellphone mo. Sira ba yan?"

"Hindi."

"O kung hindi sira yan, baka ikaw ang may sira?"

"Dalawang araw na kasing hindi nagpapakita sa akin si Adam, mula ng gabing yun. Hindi din siya nagtetxt. Nagtataka lang ako."

"Eh nagselos nga kasi yun."

"Hindi nga. Hindi siya pwedeng magselos", diin ko.

"Bakit naman hindi? Anong akala mo dun, walang nararamdaman?"

"Pagdating sa ibang bagay, alam kong manhid si Adam, pero wala sa bokabularyo nun ang selos. At tsaka ang selos ay nararamdaman lang kapag may gusto ka sa--."

Napatigil ako sa pagsasalita. Nakangiting habang tumatango sa harap ko si Jane. Unti unti kong nakukuha ang ibig niyang sabihin.

"BINGO!" sabi ni Jane.

"Imposible."

"Posible", pagtatama niya.

"Tingin mo?"

"Oo. Siguradong sigurado ako. Ipapaputol ko daliri ko kapag wala yung gusto sayo!"

"Eh bakit hindi niya sinasabi saken?"

"Higit sa ating dalawa, dapat ikaw ang nakakakilala sa kanya. Palibhasa kasi, mas nangingibabaw yang feelings mo para sa kanya. Nakakalimutan mo na yung mga signs."

"Signs?"

"Signs na gusto ka niya. At siguro, nabubulag na kayong dalawa sa sitwasyon nyo. Sinasanay nyo kasi ang sarili nyo sa ganyang set-up. Ang hindi nyo alam, may mas ibubuga pa. Kumbaga, pwede pang i-level up."

"Arkisha!"

Pagkakita namin sa lalaking tumawag sa akin, parang kiti-kiti na si Jane. Hindi na siya mapakali. Hindi pa nakuntento, kumapit pa sa braso ko.

"Brent, hi!" bati ko.

"Pinuntahan kita sa inyo, pero sabi nung friend mo, nandito ka nga daw kaya sumunod ako. Kumain na ba kayo? Tara, kain tayo. My treat", yaya niya.

Dahil sa kakiligan, halos kuritin na ako ni Jane.

"Kumain na kasi kami eh", sagot ko.

"Kamusta ka na nga pala? Nung isang gabi, sabi ni Adam may sakit ka daw, okay ka na ba?" pag-aalala niya.

"Ah yon ba? Okay na ako. Wag kang mag-alala."

"Movie. Manood na lang tayong tatlo? Or snacks na lang?" at tiningnan niya si Jane. Pinipigilan ko lang ang sakit sa pagkakakapit ni Jane.

Parang awa mo na Brent, wag mo na siyang pakiligin, magkakapasa ang braso ko nito.

Tiningnan ko si Jane. Nababasa ko sa kanya yung pumayag-ka-na look.

"Okay, snacks will do", sagot ko.

Biglang nagring ang cellphone ni Jane.

"Hello.. Ha?? Ano?? Wait. Hindi kita marinig. Ano?"

Humarap sa akin si Jane.

"Wait lang Arkisha, Brent. Mahina kasi ang signal eh, di ko siya maintindihan. Dyan lang kayo. I'll be back."

Lumayo siya at naghanap nga yata ng signal.

Sinundan ko ng tingin si Jane and there he is.

Ang lalaking kanina ko pa hinihintay na magtext sa akin.

Lumabas mula sa isang botique. Kasunod niya ay isang babae. Ipinulupot ni Adam ang kamay niya sa babae at ngumiti ito sa kanya.

Tama si Venice. Hindi pa rin talaga nagbabago si Adam. Nagkamali si Jane na gusto ako ni Adam. Mukhang kailangan na niyang ipaputol ang daliri niya.

SELOS? Hindi alam ni Adam yun, pero ako sigurado ako na yun ang nararamdaman ko ngayon.

Sa isang iglap, nagtama ang mga mata naming dalawa. Tumingin siya sa bandang likod ko. Sinundan ko ang tingin niya. Si Brent.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Adam. Madalim ang anyo niya. Umiling ba siya o imahinasyon ko lang. Nakahawak pa din siya sa bewang ng babae at naglakad na sila palayo.


EX with Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon