Chapter 6 : Helping hand

Start from the beginning
                                    

“TAAAKKKBBBOOOO!!!”

*END FLASHBACK*

Maganda na eh, ayos na eh, sablay lang sa huli, nagoyo ako dun akala ko napakalakas niyang nilalang    

May hinahalungkat parin siya sa kanyang bag


“Kanina ka pa nagbabanggit ng kung anu ano, pero bakit hindi mo parin mapahinto yung Toro!!?” tanong ko sa kanya


“P-pasensya na may konting aberya lang---” humawak siya sa batok “---saka hindi yan Toro isa yang Aurochs!!!” bigla nagbato ng malaking bato ang Toro sa gilid nung kasama ko “AGuuuY!!” sigaw at iwas niya sa bato


“Papaano ba mapatigil yang…yang ….YON!!” hindi ko matandaan yung tawag niya sa Toro, pagod na ako kakatakbo, kahapon pa ako takbo ng takbo


“Wala akong bagay dito sa bag para mapigilan siya---” naku naman!! Katapusan na ba namin!! “---pero may paraan pa ang puno ng Forsitress, kaya lang sa nakikita ko walang puno ng Forsitress dito” teka!! Yun ang binanggit ng walang hiyang lalaki kanina


“Alam ko yan kung nasaan!! Puno ng FOR STRETCH!!”


“FORSITRESS!! Hindi for stretch!!”


“AY!! Kung ano man yan STRESS na yan!! Basta puno!!Alam ko saan meron”


“Saan!! Saan!!” patuloy parin siyang naghahalungkat sa loob ng bag, kahit na sinabi niyang wala siyang kukuhang bagay na mapipigil sa Toro


“Kaya lang nakalayo na tayo kailangan nating bumalik” ibang direction ang nadaan namin


“Sandali, pwede ito!!!” sigaw niya

May inalabas siyang kulay itim na kumot sa kanyang bag


“Kumot!? Ano magagawa niyan?”

Ngumiti siya sa akin “Hindi ito pagkaraniwang kumot, makikita mo” sabay kindat sa akin 

May gana pa siyang gumanyan sa akin, hinahabol na nga kami ng Torong halimaw

Hinila niya ako at pinaupo ako sa tabi ng nakatumbang puno, itinaklob niya ang hawak niya kumot sa akin at saka siya tumabi

Ano kami naglalaro ng taguan? Bata ba yang halimaw para hindi kami makita sa kumot na tinataguan namin, kahit bata makikita kami yung halimaw pa kaya  

ALICE { o n  g o i n g ...}Where stories live. Discover now