"Sinasabi mo bang— sandali...pinagbibintangan mo ba sila?!" pasigaw na sabi ni Martin kaya maagap siyang pinigilan ng kaniyang ina.

"Martin anak, ikaw ay huminahon." sabi ng kaniyang ina habang hinihimas ang balikat nito.

Ngunit tila hindi nagbago ang ekspresyon ni Isabel sa sinabi ni Martin dahil seryoso pa rin ito.

"Aahh... Isabel, hindi ba napakalabo naman siguro nang iyong sinasabi." maingat na sabi ni Rosa. Bakas ang kaba at takot sa kaniya sa pag-aakalang magagalit sa kaniya si Isabel.

"Hindi ko iyan sinabi, De la Vega. Hindi ko kayo hinihikayat na paniwalaan ako. Nagsasabi lamang ako." kalmadong sabi ni Isabel. Ilang sandali pa at tumayo na ito.

"Sabihan niyo na lamang ako kung ano ang planong inyong nabuo." parang tamad na sabi niya. At naglakad na paalis.

"Sandali lama—

Hindi na niya nagawang matapos pa ang sasabihin pagkat lumabas na ito na tila ba parang walang narinig.

"Hindi ko talaga siya maintindihan." bulalas ni Rafael. Kaya napatingin ang lahat sa kaniya. Natakot siya at humingi ng paumanhin.

"Ano ba ang mainam na plano para rito?" panimula ni De la Vega.

--

Sumapit ang Miyerkules at pinatawag ni Martin sila. Kalaunay dumating na ang lahat liban na lamang kay Isabel. Naghintay pa sila ng ilang saglit ngunit hindi pa rin ito dumadating.

"Nasaan na ba si Isabel?!" naiinis na tanong ni Martin. Kaya kahit natatakot ay sumagot si Rosa.

"Katunayan ho Gobernador-Heneral, hindi ko po nakitang lumabas si Isabel sa kaniyang silid mula kaninang umaga pa." kinakabahang sabi ni Rosa.

"Ano ang iyong sinabi?!" tila nag-aalala si Doña Celestina  kaya't napasigaw siya.

"Opo Doña Celestina. Hindi pa po siya lumalabas sa kaniyang silid. Nakasanayan ko na pong makasabay siya sa umagahan ngunit ngayon po ay kapani-panibago." sabi ni Rosa.

"Puntahan natin siya sa kaniyang silid." maglalakad na sana siya ngunit pinigilan siya ni Señorita Felicia.

"Maaari namang magpa-utos ka na lamang ng pupunta doon sa kaniyang silid, Doña Celestina." magalang na sabi ni Señorita Felicia ngunit mahihimigan ng pagkainis.

Hindi pinansin ni Martin ang sinabi ni Isabel kung kaya't humingi pa rin siya ng tulong sa mga Hermañes. Dahil alam niyang mapagkakatiwalaan niya ang mga ito.

"Tama siya ina. Kaya Rafael puntahan mo ang kaniyang silid." utos ni Martin ngunit umalma si Rosa.

"Ako na lamang ang pupunta." sabi niya at agad na tinungo ang daan palabas.

Nakatayo siya ngayon sa labas ng silid ni Isabel. Kumatok siya ng tatlong beses at tinawag ang kaniyang pangalan.

"Isabel." tawag niya ngunit ilang sandali ay walang tumugon kaya mas nilakasan niya ang kaniyang tinig.

"Isabel, tayo ay ipinatatawag ng Gobernador-Heneral." ulit niya ngunit wala pa ring sumagot. Kaya lakas loob niyang binuksan ito. Napatigil siya at nanlalaki ang mga mata nang makitang nagkalat ang mga gamit sa loob. May nabasag at wala si Isabel sa kaniyang kama. Tumakbo siya patungo sa kama nito ngunit nabato na lamang siya sa kaniyang kinatatayuan. Nagkalat ang dugo sa kumot.

"Hindi...Isabel!" nanginginig na sambit ni Rosa.

Habang naiinip namang naghihintay si Martin sa kaniyang silid. Di nagtagal at dumating si Rosa.

"Rosa nasa—

"Bakit? Ano ang nangyari sa iyo?" nag-aalalang tanong ni Rafael. Ngayon lamang niya nakitang ganito si Rosa at hindi niya nais iyong makita.

Saving The Governor-General (Completed) ✓Where stories live. Discover now