[Ang Simula]

1.4K 33 1
                                    

{Familia Alessandro}

" Bravo! Bravo! Excelente! Iho! ". Tuwang-tuwa na papuri ni Don Vico Alessandro sa kaniyang Apo. Nagpakitang gilas kasi ang Ginoo sa paghawak nito sa baril, at kung gaano ito kaliksi sa pagpapaputok nito. Ang sampong piraso ng mansanas na siya lamang sinayang upang gawing ensayohan nito, ay mabilis niya lamang nasira sa loob ng 20 sigundos na walang mintis ang sunod-sunod na kasa at putok ng baril.

" Napakagaling talaga nang iyong Apo Don Vico. Sadiyang talentado itong batang ito. Aba'y napakasuwerte naman ng babaeng makabibihag ng kaniyang puso! ". Pabirong sambit ni Don Alejandro Amparo. Nagtawanan ang lahat sakto naman paglapit ng Ginoo sa kanila.

" Iho, makipagkilala ka sa aking mga amigos! (friends) ". Utos ni Don Vico sa apo, na siya naman agad sumunod. " Es un placer conocerlos señores (It's nice to meet you sir's) ". Magalang at maginoo na pagpapakilala ng Binata sa mga nakatatanda sa kaniya. " Mis amigos, este es mi nieto favorito ALFONSO ALESSANDRO (My friends this is my favorite grandchildren ALFONSO ALESSANDRO) ". Natutuwang pag papakilala ni Don Vico sa kaniyang paboritong apo sa mga kaibigan niya din dito sa Pueblo Buenavista.

Kilala ang Familia Alessandro na isa sa mga pinakamayamang pamilya dito sa Pueblo Buenavista. Kabilang sila sa listahan nang may malalawak na lupain at napakadaming negosyo sa loob at labas ng bansa. Pumapang-apat sila sa pagkakasunod-sunod na ranggo ng mayayaman sa Bayan.

1: Familia Adricula
2: Familia Perez
3: Familia Cayabat
4: Familia Alessandro
5: Familia Bautista
6: Familia Policarpio
7: Familia Santiago
8: Familia Dela torre
9: Familia De Celesta
10: Familia Reyes
11. Familia Eñosa

" Kinalulugod ka din namin makilala Ginoong Alfonso! ". Balik na bati ni Don Alejandro. Matamis na ngiti ang ibinalik na tugon ng Ginoo sa mga ito. Matapos ang mahabang pagkukuwentuhan, ay nag pasiyang bumalik ang mag lolo sa loob ng Mansion de Alessandro (ngalan ng mansion ng mga Familia Alessandro).

" Ama, Alfonso! Saan kayo nang galing at tila ngayon na lang kayo umuwi? ". Salubong na tanong ni Donya Buena Alessandro, ang Ina ni Alfonso. " Diyan lamang sa ating Rancho, Buena. Huminahon ka nga riyan ". Sagot ni Don Vico. Tumahimik ang Donya at lumapit sa kaniyang Bianan at Anak. Kinuha nito ang mga saklob sa ulo ng dalawa upang siya ang magtabi.

" Salamat po Ina ". Sambit ni Alfonso matapos kunin ng ina ang saklob niya. " Pagod kayo, mabuti pa'y ipaghahain ko kayo ng makakain niyong miryenda! ". Sambit pa ni Donya Buena. Hindi na umimik pa ang mag lolo at nanguna ng magtungo ang mga ito sa silid hapagkainan. Doon ay sumalubong ang isang anghel na tila bagong gising lang.

" Lolo!!!!!!!!! ". Sigaw nito at niyakap ang lolo. " Chiquita apo, anung problema? ". Nag-aalalang tanong ng matandang Alessandro. Kinarga ni Don Vico ang batang Chiquita. Si Chiquita Alessandro ang bunsong kapatid ni Alfonso. Umiling ang bata, napatawa naman ng mahina si Alfonso. " Mukhang nanaginip ka nanaman ng di maganda? ". Tumingin ang batang Chiquita sa kaniyang Kuya Alfonso. Kasabay nito ang pag tango niya.

Hinawakan ni Alfonso sa ulo nito si Chiquita at ginulo ang buhok na para bang aso. " Lagi mong tatandaan na kapag nanaginip ka ng masama, magdasal ka lang sa kaniya (ang diyos) ". Paalala ni Alfonso sa palagi niyang sinasabi kay Chiquita sa tuwing nanaginip ito ng di maganda. " Narinig mo ang iyong Kuya Alfonso, gawin mo iyon Apo! ". Dagdag pa ni Don Vico.

" Nakahanda na ang miryenda, mag miryenda na po muna kayo Ama, at ako na po muna ang bahala kay Chiquita! ". Kinuha ni Donya Buena si Chiquita sa matandang Alessandro. Sabay namang nag tungo ang mag lolo sa hapagkainan at kumain nang nilutong Menudo Ala Alessandro ng kanilang mga kasambahay ang mga ito.

" Year 1899 " (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon