EUNICE

5.5K 156 4
                                    

"Shit! Sino ka? Bakit magkamukha tayo?" gulat na bulalas ni Eunice nang makapasok sa VIP room ng isang restaurant. Personal na akong nagpunta sa Pilipinas. Hindi ako nahirapang contact-in si Eunice dahil mayroong address at phone number ang impormasyong ibinigay sa akin ni detective.

Agad akong lumipad papuntang Pilipinas. Walang idea sina mommy sa ginawa ko dahil ayoko pa silang magalala. Hindi rin naman ako magtatagal. Tutulungan ko lang si Eunice at babalik na ako. Isa pa, alam kong kailangan ko rin itong gawin para sa sarili ko. Para malayo at makalimot sa nangyari sa amin ni Errol. Kailangan ko rin itong gawin dahil alam kong hindi ako matatahimik.

I have money and resources. Puwede kong i-share iyon kay Eunice. Kapatid ko siya. Hindi ko siya puwedeng pabayaan na mauwi sa ganito ang buhay. Hindi niya puwedeng sundan ang yapak ng mga magulang namin.

Honestly, I am disappointed in them. Paano nila ako nagawang ibenta? Paano nila nagagawang hayaang mag-post ng nude ang kapatid ko sa porn site? It was so sick! Hindi ko mapapalampas iyon.

Kaya sa lahat ng ito, si Eunice lang ang ginusto kong makita. Nilunok ko ang una kong sinabi na aalamin lang ang lahat. Nagpakita na ako at tutulungan si Eunice.

Pagkadating ko sa Pilipinas ay wala akong inaksayang oras. Tinawagan ko si Eunice at nagpakilalang producer. Alam kong nagkumahog si Eunice kaya wala pang isang oras, nakipagkita agad sa akin.

At naawa ako sa nakikita kong itsura niya. Halos wala na siyang itago. Tube blouse, dolphin shorts at wedge sandals ang suot niya. Maganda siya pero natabunan iyon dahil sa kapal ng make up. Hindi naka-enhance ng beauty niya ang over make-up kundi nagmukha lang siyang cheap, sad to say.

"Have a seat. Let me explain to you everything." Sagot ko.

Dali-daling tumalima si Eunice. Habang nagpapaliwanag ay ipinakita ko sa kanya ang mga resulta ng imbestigasyon ng detective na inupahan ko hanggang sa napamaang siya sa akin.

"M-Magkakambal tayo..." hindi makapaniwalang tanong niya.

Tumango ako. "Yes."

"Ang alam ni Mama Chita ay patay na ang kakambal ko."

Napabuntong hininga ako. "Ibinenta ako ng tatay natin sa kinilala kong magulang ngayon. Nahanap ni detective ang isang kumpare niyang nasabihan niya ng lihim. He faked the death so he can sell me." Matabang kong sagot.

"Matutuwa si Mama Chita nito. Sumama ka sa akin pagdating niya. Nasa ibang bansa kasi siya ngayon kasama si Uncle Hener." Natutuwang sabi ni Eunice.

At nagulat ako sa susunod niyang ginawa. Tumayo siya niyakap ako nang mahigpit. Biglang naginit ang pakiramdam ko. Na-realized ko na nawalan man ako ng asawa, nahanap ko naman ngayon ang pamilya ko. Bitter sweet.

"Listen. I want to help you." Sabi ko kapagdaka.

Ngumiti ng maluwag si Eunice. "Gusto ko 'yan. Mukhang mayaman ka nga. Ano bang negosyo mo?"

At sinabi ko ang lahat-lahat. Hindi ko na itinago ang negosyong pinakamamahal ko. Namilog ang mata niya.

"I will open a branch here. Ikaw ang magma-manage. Tuturuan kita." Sabi ko.

Napangiwi siya. "Ay, ayoko ng manage-manage na 'yan. Gusto kong maging model! Baka puwedeng ako na lang ang image model mo?" request niya at kinulit-kulit ako.

And I just realized that we're totally opposite. Makulit, full of life at madaldal siya samantalang tahimik ako, may pagka-introvert at seryoso. Naiinggit tuloy ako sa tapang na nakikita ko sa kanya.

"Mapapahiya ka lang sa akin. Alam mo, medyo mahina ako rito." Sabi niya sabay turo sa sentido. "Skul bukol ako, sa totoo lang. Pumasa lang naman ako dahil nilalandi ko ang mga professor ko." Sabi niya sabay hagikgik.

Pinigilan kong mapangiwi sa naririnig ko. Napatikhim ako at tumango na lang sa huli. "Okay. I'll see what I can do."

"Order na tayo?" sabi niya at nagtawag na ng waiter. Hinayaan ko siyang order-in ang lahat ng gusto niya. Halos mapuno na ang mesa namin. Nagsalo na kami sa tanghalian pag-alis ng mga waiter. "Alam mo, nakakainggit ka. Gusto ko ring yumaman kagaya mo." Sabi niya habang ngumunguya.

Ngumiti ako. "Don't worry. I will help you." Sabi ko at bukal iyon sa kalooban ko. Nakikitaan ko siya ng drive at mahalaga iyon. Kung mayroon siyang drive, ibig lang sabihin ay magpupursige siya.

Ngumiti siya. "Salamat. Hulog ka ng langit!"

Nagsikain na kami. Matapos ay nag-aya siyang mag-shopping. Nagpalibre siya at pinagbigyan ko naman. Naubos ang maghapon namin kakabili ng gamit niya. At sa pagkakataon ngayon, hindi ko siya hinayaang bumili lang basta. Tinuruan ko siyang magbihis elegante. Natutuwa siya sa nakikitang itsura niya sa tuwing nagfi-fit siya ng mga damit na pinili ko para sa kanya.

"Tomorrow, I will buy you a makeup. Hindi ako nakapagdala ng sarili kong product. Pero mayroon siguro iyon dito. Bibilhan na lang kita." Pangako ko.

"Thank you!" natutuwang bulalas niya at sinugod ako ng yakap.

Naginit ang dibdib ko. Natuwa ako dahil nakita kong na-appreciate niya ang mga tulong ko sa kanya.

DAUNTLESS CHANGE (PUBLISHED)Where stories live. Discover now