Baby angel ko, uwuu!

Tinitigan ko ang maamo niyang mukha. Ang medyo may kakapalan niyang kilay, matangos na ilong, perpektong labi na kay pula! Daig pa ako! Ang guwapo niya talaga!

Hindi ko kakayanin pag naagaw siya sa'kin. Alam ko naman na hindi siya sa'kin, ako lang ang nag-iisip noon. Ngunit nasasaktan talaga ako pag iniisip kung magkakagirlfriend siya ng hindi ako! Makakahalikan na hindi ako! Makakatabi sa pagtulog na hindi ako. Malalapitan ng ganito na hindi ako. At gusto ko ako 'yon. Ako lang.

Selfish na ba ako?

Kailangan ko na talagang mapilit siya. Kung hindi siya mahuhulog sa paganto-ganto ko, baka naman madadaan siya sa haras! Hihihi.

Ewan ko ba, siya lang ang gusto kong maging boyfriend! Para sa'kin, siya lang ang nakikita ko. Malala na talaga ako.

"Stop staring at me." Masungit na aniya at tinulak ako sa noo.

Napaatras naman ako at napalayo. Hindi ko alam na sa sobrang pag-iisip ko ay nakatitig na pala ako sa kaniya habang nilalapit ang mukha ko. Grabe! Kakahiya!

"Sorry, hindi ko napansin."

"Tsk, you're weird." Iling niya.

Ngumuso na lamang ako at hindi na siya kinulit baka mapatitig ulit ako at hindi na lapit ang magawa ko. Baka mahalikan ko na e, bad.

"Salamat po, Mang Gara!" Sambit ko nang makababa. Tumango lang ito kaya sumilip ako sa bintana.

"Thanks bye! Ingat kayo." Sambit ko kay Drain na tinanguan lang ako.

"Let's go, Mang Gara." Aniya kaya nagpaalam na rin sa'kin ang driver.

Ngumuso ako at umatras na lang. Pinanood ko pa ang pag-alis ng sasakyan nila. Ang sungit ah! Galit pa rin kaya siya?

"At sinong maharot ang nagpahatid pa talaga kay Sir Drain?"

Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat sa nagsalita. Chismosang nakatayo si Chenny sa likuran ko. Gulat siyang napatingin sa'kin.

"Oh? Gulat? May nahawakan ka ba?" Turo niya sa kamay kong asa dibdib.

Matalim ko siyang tiningnan. "Oo meron! Pakita ko sa'yo?" Akma ko pang bubuksan ang butones ngunit agad siyang umirap.

"No thanks! Nakakita na ako niyan." Kinuha niya ang bag ko at nauna pa sa'kin papasok.

"So kumusta? May improvement?" Pumasok na siya sa loob at binaba ang bag ko sa couch. Dumiretsyo siya sa dining room kaya sumunod ako. "Nandito na po si Jerace. Pahatid na lang po ng merienda. " Tumingin siya sa'kin. "Oh? Ano na?"

Tamad akong umupo at pumangalumbaba. "Nabadtrip ko yata siya."

"Talaga? Ano bang itsura?" Kinuha niya ang pitcher na may lamang juice at sinalinan ako sa baso.

"Masungit. Hindi ako pinapansin."

"Kung ganiyan, edi araw-araw 'yung badtrip sayo..ganoon?"

"Basta lalong sumungit!"

Inayos niya ang cupcakes sa plato at iniusod sa'kin. "Yan, kain ka muna."

Kinuha ko naman 'yun at sumubo. Umupo na rin siya sa harap ko. Binigay na ang buong atensyon sa'kin.

"Ano bang nangyari?"

Napatingin ako sa kaniya. Naghihintay siya ng sasabihin ko. Napangiti ako. Kaya gustong-gusto ko siya eh. Tinuturing ko na siyang ate ko. Kahit isang taon lang tanda niya sa'kin. Harsh siyang magsalita minsan pero ramdam ko naman ang paggalang niya pag kailangan. Pero pag hindi, binabatukan talaga ako niyan.

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Where stories live. Discover now