Chapter - 28 BONDING

2K 86 15
                                    

Khai POV

Pauwi na kami ngayon ni Khazy at halata ko sa mukha nya na pagod siya. Nahalata kong pawis na pawis din siya..

"Napagod ata kita MA.. Pasensya kana hindi ako nakapagdala ng extra na damit. Tanggalin mo nalang yang t-shirt mo at yang jacket mo nalang ang isuot mo... For sure basa na yang t-shirt mo baka magakasakit ka pa" Tumingin naman sa akin na parang awkward

"Don't worry hahanap ako ng pwedeng pagparkingan at lalabas muna ako saglit para matanggal mo yang damit mo" dagdag ko...

"No need, just continue driving.. Basta wag na wag kang lilingon sa direksyon ko.. Straight ahead okk" maawtoridad niyang sabi... Tumango naman ako..

"Ito nga pala tissue pagpunas mo sa pawis mo" abot ng isang kamay ko habang nagdridrive at nakatingin sa daan...

Kinuha niya naman ito at nahalata ko sa peripheral vision ko na magtatanggal na ng damit kaya nilagay ko ang kamay ko sa side ng mukha ko para hindi makita... Ewan ko ba.. Ang laki ng respeto ko sa kanya kahit na may nangyari sa amin noon... Ganun ata talaga kung mahal mo ang tao na yun... Pero ako kaya ang first s** niya? Hayyyyyysstt bat ba yan ang iniisip ko.. Tskkk

Pero ang di ko makakalimutan ay ang paghawak ko sa tiyan niyang 4 pack abs.. Nakakapagtaka para sa ordinaryong babae na may ganon kahit maggym pa ito araw araw mahirap magkaroon ng abs lalo na't babae... Ang tanong ordinaryo nga ba siyang babae?

Fiancee ko na kaso hindi ko pa lubusang kilala.. Parents niya palang ang nakikilala ko..

"I'm done" sabi nito.. Binilisan ko na ulit ang pagpapatakbo

"Itulog mo na kuna gigisingin nalang kita mamaya" sabi ko

"Hm" sabi nito sabay tango

Ang saya ko hindi ko maipapaliwanag ang sayang nararamdaman.. Hindi ko aakalain na may makulit siyang side hahahaha.. Naalala ko noong nagpipicture kami sa parking lot grabe ang saya... Unang pose normal palang, sunod nagpabuhat sa likod ko, sunod bridal, saka pacute, paboyish tas ako parang bakla kinuha pa subrero ko, kunwari galit, kunwari naiiyak, at yung nakapout pose na ang cute namin tignan kaso d ako nakatingin sa camera non sa kanya ako nakatingin at ang last eh yung stolen na kiss ko sa kanya sa pisngi.. Gulat na gulat ang reaksiyon niya don kaya tawa ako ng tawa kaso ang ganda niya pa din eh kahit gulat hahahaha... Doon ko nakita na makulit siya hahahaha...

Ipopost ko yung mamaya para mainggit yung mga kasama ko wahahahahhah....

After 10 minutes

"My Angel dito na tayo" gising ko sa kanya nandito na kasi kami sa parking lot.. Hindi parin siya kumibo.. Kaya pinicturan ko hahahahaha.. Ang cute niyang natutulog.. Buti nalang hindi naglalaway hahahah...

Sinipat ko ang kabuuan ng mukha niya.. Ewan ko kung ilang beses ko ng ginawa tohh naadik akong titigan siya.. Wala ako nakikitang bakas ng pimples o kahit galos, yung labi niya namumula.. Kaya masarap halik halikan eh.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko ng hawakan ko ang labi niya...

"Ack– Arayyyyyyyy!" sigaw ko ng pilipitin ang kamay ko...

"Bat ka kasi nanggugulat?" sabi niya at binitawan ang kamay ko... The fuckkkkkk!! Ang sakitttt! Ang bilis ng kamay niya..

"Tiningnan ko lang kung naglilipstick ka" pagpapalusot ko sana effective..

"Ayaw ko ng lipstick or anything na kolorete.. Pulbo lang ginagamit ko.." sagot niya... Shittttt!!! Natural lahatt.. Grabe napakaswerte ko naman kaso may pagkasadista ata itong babaeng tohh... Ang sakit parin ng kamay ko eh.. Tsss....

Heartless Meet Cold Gangster King (R+16)Where stories live. Discover now