CHAPTER #8

6 0 0
                                    

Papasok palang kami naririnig kona ang boses ni mommy na nag sesermon,I don't know kung sino sinesermonan niya pero nang tuluyan na kaming makapasok nakita ko si mang roger na nakayuko si daddy naman ayun nakaupo habang nag kakalikot sa phone niya

"Diba sabi ko sayo kanina puntahan mo agad si ka----

Di na natuloy ni mom yung sasabihin niya nung napatingin siya sa direksiyon ko,kaya agad siyang lumapit at niyakap ako.Si dad naman napatingin din at lumapit nadin saakin

"M-mom bakit po?"ano bayan katana obvious naman nag aalala sila sayo

"Saan kaba kasi nag pupupunta,alalang alala kami sayo,diba sabi ko naman sayo umuwi na pag oras ng uwian.Pinayagan ka na ngang pumasok sa school eh pero hindi mo kami sinunod may usapan tayo eh!sabi ni dad

"Dad sorry po natraffic lang po talaga kami"sabi ko

"Kami?Sinong kami?"nalilitong tanong niya at bumaling sa likod ko

"Ah tita and tito Good evening po"saad ni ryle

"Sorry po ginabi po si katana na traffic po kasi kami,isinabay ko napo siya dahil nasabi niya po kasi kanina saakin na hindi siya masusundo nung driver niya kasi na flatan po daw ng sasakyan,Eh hinatid papo namin yung girlfriend ko at natraffic din po kami sorry po"mahabang litanya niya

"Ahh ganun ba,salamat ryle kala naman namin kung ano ng nangyari kay katana"sabi ni mom at bumaling saakin"Tinatawagan ka namin dika sumasagot"sabi niya

"Sorry mhie naka silent yung phone ko,diko napansin"sabi ko at napapakamot sa ulo

"Don't do this again Katana cyril,kung ayaw mong sa bahay ulet pumasok"saad ni dad at pumunta sa dining area,kaya napatingin ako kay mom

"Nag aalala lang yun,next time mag text ka para di mo kami pinapatay sa pag aalala"sabi ni mom kay tumango ako bumaling ulet siya kay ryle."Dito kana mag dinner ryle"

"No tita I have to go,may gagawin papo kasi ako"sabi niya

"Ok,thankyou talaga ha,pahatid na kita kay manang"sabi ni mommy

"No mom ako napo"sabi ko

"Malamig sa labas,baka mag kasakit ka"ani ni mom

"It's okay mom,saglit lang naman eh"sabi ko tsaka tumango siya,nakipag beso pa si mom kay ryle bago pumuntang dining area

Hinatid kona sa labas si ryle

"Thankyou ulet,ingat ka pauwi"saad ko at ngumiti naman siya,for the first time nginitian ako ng supladong ko

"Sige,pumasok kana sa loob malamig na oh"sabi niya at ginulo yung buhok ko

"Bye,ingat ule"sabi ko at tuluyan na siyang pumasok sa kotse niya at umalis na

Bakit parang bumait na yun ngayon?Hmm bahala na nga baka nga ngayon lang

Agad akong pumasok ng bahay at dumiretso sa dining area,nag sisimula na silang kumain at agad na akong naupo,hindi na muna Ako nag palit ng damit,siguro mamaya nalang pagkatapos

Nagsimula nadin akong kumain,buong hapunan namin napaka tahimik ng biglang tumayo si dad

"I'm done"sabi niya at pumunta sa pool area,kaya naman sumenyas si mom na sundan ko,at nag ok sign naman ako

Pagkarating ko don, mukhang malalim yung iniisip ni daddy,nandon siya sa pool side at nakalubog yung mga paa niya,kaya ng makarating ako sa tabi niya umupo ako at tinanggal ko muna yung sapatos at medyas ko.

Let Me Escape From Reality(SOON to be published)Where stories live. Discover now