CHAPTER #12

3 0 0
                                    

Nagising ako ng badang 8:00 am ng may ngiti sa labi,dumiretso ako sa cr ng kwarto ko para maligo.Ng matapos ako maligo nag suot ako ng high waist jeans and white t-shirt with small printed heart sa gilid and white shoes.Nagdala rin ako ng mini backpack para dun ko ilagay yung mga iba kopang mahalagang gamit

Pagbaba ko dala kona yung maleta ko,expect ko na talagang wala sila mom dahil maaga silang umalis nakita ko si nana nag aayos ng iba kong dadalhin like,foods,water,and medicine.Syempre di pwede yun mawala

Kumain na muna ako ng agahan bago pumunta sa school.Inihatid ako ni mang roger nasabihan na kasi sila ni mommy.Pagbaba kopa lang nakita kona sina carl at celine.Napangiti ako ng maisip na mukhang ako ang hinihintay nila.Hindi muna ako lumapit sa kanila.

Maya maya ay tumawag saakin si celine,kaya pinagdiskitahan komuna sila HAHAHA

"Katana,where are you?It's already 9:30 at pinapasakay na yung iba sa bus hinihintay lang namin yung bus na sasakyan natin?Makakasama kaba?"halata sa boses niya ang lungkot

Kaya naman lumapit ako sakanila ng patago

"Sorry celine,hindi ako makakasama di ako pinayagan ni dad"sabi ko kunyari na malungkot

"Ayy ano bayan ganun ba?Sana pala hindi nalang ako sumama"sabi nalang niya at nakita kodin si carl na nakikinig sa pinag uusapan namin.

Hindi kona nakayan at nilapitan kona sila kinalwit ko si carl at nagulat naman siya,natawa naman ako sa reaction niya

"OMG!Katana"sigaw niya dahilan para pagtinginan kami

"Katana? asan?"tanong ni celine at humarap kung nasaan si carl.Sigaw sila ng sigaw

"Oyy wag kayo maingay,nakakahiya"sabi ko at hindi sila tumigil kaya't mas pinagtinginan kami

Maya maya naman ay dumating nayung sasakyan naming bus kaniya kaniyang pwesto kami,dun kaming tatlo umupo sa pinkadulo kung saan may lima yung pwedeng umupo.Dun ako sa tabi ng bintana umupo gusto ko kasing makita yung mga dadaanan namin.Bale ang katabi ko ay si carl pinaggigitnaan namin siya ni celine.Kinuha nung proff na kasama namin yung permit.Nag suot ako ng earphones medyo maingay kasi yung mga estudyante na nandito hindi maawat ng dalawang proff na kasama namin.

Itinext ko si mommy na nakaalis na kami,at ilang minuto din naman ay nag text siya

~~•Mommy•~~

'Take care sweetheart,enjoy!Please take your medicine iloveyou!Ako na bahala sa daddy mo'

Sent

Sabi ni mom at napangiti naman ako.Hindi kona namalayan na nakatulog na pala ako nagising lang ako nung may kumatok sa bintana.Kaya tinanggal koyung earphones ko.Pagkakita ko ako nalang pala yung student na nandito sa bus nakita ko silang nasa harap na ng dagat.Bale sa beach yung camp fair namin,pero mamayang gabi ay pupunta kami sa forest kung saan gagawin yung mga activities.

Pagkakita ko dun sa kumatok sa bintana nakita ko si carl at celine na ngiting ngiti.Napansin kong nakapag palit nadin pala sila ng damit dahil kanina ay mga nakapantalon sila ngayon naman ay naka dress na nabulak lakan si celine at si carl naman ay nagmukhang lalaki sa suot niyang khaki shorts at naka floral polo shirt.

Kaya nagmadali naman akong lumabas para puntahan sila.

"Bat di niyo ko ginising?"Bungad na tanong ko sa kanila

"Ay teh kawawa kanaman kasi kaya hindi kana namin ginsing mukhang puyat ka,ano bang ginawa mo kagabi at antok na antok ka"nagtatakang sabi ni carl

"Napuyat ako dahil hinintay kopa kagabi sina mom and dad late na kasi sila nakauwi eh,"sabi ko at tumango,pupunta na sana ako sa pinaglagyan ko ng gamit ko sa bus ng magsalita si celine

"Katana san ka punta?"tanong niya at isinenyas ko naman yung mga lagayan ng gamit namin."Ayy nadala na nung staff nitong resort,nasa tutuluyan na natin.Magkasama tayo sa kwarto"excited niyang saad kaya nginitian ko naman siya

"Hmm ialng oras pala ako nakatulog,simula nung dumating tayo?"tanong ko at napatingin sa relo ko it's 12:48pm

"Ayy mag iisang oras nadin teh"sabi ni carl."Hindi kana pinagising nung proff natin dahil sabi nila hayaan na muna daw dahil para makapag pahinga kadin."sabi niya,kaya tinanguan mo naman siya

"Saan nga pala yung room natin?Para makapag palit nako nakakahiya naman na ganito yung suot ko eh nasa beach tayo"ani ko at natawa naman ang dalawa.Pumunta na kami sa room na titigilan namin.Nasabi saakin ni celine na may tatlo daw kaming kasama.Limahaan kasi daw yun kada room pero tig iisa kami ng kama.Napaka galante naman ng school namen ang taray.Pero alam ko naman na ang ginamit na pera dito ay kalahati nung binayad namin Sa First sem.

Ng makarating kami sa room naiwan na si carl sa labas.Kahit na bakla si carl syempre lalaki padin siya kaya kailangan may privacy yung room namin dahil puro babae kami.Malay ba nating may nagbibihis kaming kasama at nakita yun ni carl,baka isipin pa ng kasama namin manyak si carl

Dun nakapwesto sa pangalawang dulo si celine at dun naman ako nakapwesto sa pinakadulo .Hindi masyadong malayo yung mga kama sa isat isa may pagitan lang kung saan kasya pa dumaan

Inayos ko muna yung gamit ko bago nag palit.Nakita ko yung mga kasama ko na nasa kaniya kaniya nilang kama at mga natitulog kaya dahan dahan lang ako.Dun ako nagbihis sa banyo.Ang suot ko ay pastel short and floral na offshoulder pero sleves at ang pang ibaba ko naman ay muffin sandals sinuot dinala ko yung ratan bag ko para dun ko ilalagay yung phone,medicine and important things.Brinaid ko yung buhok ko pero nakalugay yung style.

Paglabas ko sa banyo hinihintay na ako ni celine,napangiti siya nung makita ako at nag thumbs up siya

Pag labas namin ng room nakita ko si carl at nag aantay din.Napangiti din siya nung makita ako

"Ayy taray teh,tinalo mo ang mga prinsesang haggard"saad ni carl at natawa kami

"Tse!Kumain naba kayo?"tanong ko

"Nako teh,hindi pa pero tuwing titigin ako sa dalampasigan ay nabubusog na agad ako"sabi niya kaya napatingin ako kay celine na natatawa

"Katana ibig sabihin ng bakla ay nabubusog siya tuwing nakkita ang mga monay ng topless na turista"sabi ni celine kaya naman natatawa akong naatingin din sa tinitignan ng bakla.

Abat ang maharot na bakla ay nakitingin sa mga lalaking nasa harap ng dalampasigan na mukhang nagbibilad sa init.

"Ayy busog na pala ang bakla,halika na celine at tayo'y kakain libre ko iwan nanatin to"sabi ko at hinila si celine pero agad na humabol ang bakla

"Uyy teh joke lang no"habol ni carl

"Kala ko ba ay busog kana carl,nung narineg mong libre ay mabilis pa sa mabilis ang paghabol mo"natatawang sabi ni celine kaya habang naghahanap kami ng makakainan ay tawa ako ng tawa

Maya maya ay nakakita kami ng restaurant na ang isineserve ay puro seafoods pero may mga pork and chicken den mas madami lang ang seafood dish dito.Kaya pumasok na kami at pag pasok palang namin ay binati kami ng staff.Humanap kami ng muupuan,naupo kami malapit sa glass wall na tanaw ang dagat.Nakakarelax pinaorder kona sila

"Ahmm 1 order of buttered shrimp,2 order of Tuna belly,1 order of Pork belly,3 rice,2 pine apple juice and 1 apple juice Please.Thankyou"si carl nayung pinagsabi namin

"Okay maam and sir Please wait your order in 15 minutes"saad nung crew kaya naman nginitian ko siya at nung makaalis natatawang tumingin kay carl na nakasimangot

"Sa ganda kong to,tinawag niya akong sir"pagtataray ni carl

"Hayaan mona ang pogi mo nga diyan sa suot mo eh"saad ko ng natatawa

"Hoy teh,hindi to pogi ganda to!Ganda"saad niya na patukoy sa mukha kay napatango nalang ako

Habang hinhintay namin yung order,walang tigil sa pagkwekwento ng kung ano ano si carl.Kaya tawa kami ng tawa ni celine.Natigil lang yun ng may pumasok na mga lalaki at isang babae sa restaurant

Follow me on my:
Facebook:Kate Ungria
Instagram:Kate_Ungria

Let Me Escape From Reality(SOON to be published)Where stories live. Discover now