The Love Story of Fairy Godmother by Aubrey Paladan

Start from the beginning
                                    

Bakas rin sa mukha ng Fairy Godmother ang pagkagulat dahil wala naman ito sa plano niya. Ang balak niya lang talaga ay magpanggap na isang mortal at paalalahanan si Cindy na bumalik sa bahay bago mag-alas dose dahil nakalimutan niya itong sabihin kanina. Hindi niya intensyong makigulo sa masalimuot na mundo ng pag-ibig. Hindi niya hinangad magkaroon ng kasintahan dahil bawal. Pero nagulat siya. Nagtaka at naguluhan nang makaramdam siya ng mabilis na pagkabog ng kaniyang dibdib. Napaawang ang kanyang bibig dahil dito. Bakit may tumitibok sa katawan niya gayong wala naman siyang puso?

Nadagdagan pa ang sari-saring emosyon ng Fairy Godmother nang hindi na hinintay ng Prinsipe na kunin niya ang kamay na inaalok nito at agad na siyang hinila sa gitna para sa isang romantikong sayaw. Nahawi nilang dalawa ang mga tao sa paligid at hindi nagugustuhan ni Fairy Godmother ang atensyong kaniyang nakukuha.

“Napakaganda ng iyong mga mata.” Panimula ni Prinsipe Tristan. “Para akong nakatitig sa buwan habang pinagmamasdan kita.”

“Hindi ako ang babaeng dapat na isinasayaw mo, Tristan. Hindi dapat ako ang pamagat ng kuwentong ito.” Sagot niya.

“Ha?” Naguguluhan ang Prinsipe. “Ikaw ang gusto ko. Ano nga pala ang pangalan mo?”

“Wala. Wala akong pangalan.”

Patuloy sila sa pagsabay sa mabagal na musika habang nag-uusap.

“Wala kang pangalan? Bakit ayaw mong sabihin? Ayaw mo ba sa akin?” Sunod-sunod na tanong ng Prinsipe.

Natahimik si Fairy Godmother sa kadahilanang hindi niya alam ang sasabihin. Ayaw niyang magsinungaling at ayaw rin naman niyang malaman ng Prinsipe na hindi siya tao.

“Alam mo, Tristan, prinsipe ka. At hindi ako ang Cinderella mo.” Sabi ni Fairy Godmother.

Natawa ang lalaki. “This is not a fairytale. Walang Fairy Godmother, walang magic...”

Naputol ang litanya ng Prinsipe nang magsalita si Fairy Godmother. “Meron.” Napayuko ang babae. Magugulo ang tadhana kung hindi maisasayaw ng Prinsipe si Cindy ngayong gabi. Wala siyang magagawa kung hindi sabihin ito. “At ako iyon, Tristan. I was born to grant the wishes of others, not to grant mine.”

Naguguluhan na tiningnan ng Prinsipe si Fairy Godmother. Naghihintay ng iba pang paliwanag.
“Nandito ako to make someone happy, not to be one.” Dagdag niya. Hindi napigilan ng Prinsipe ang umiyak. Noon pa man ay pinagmamasdan na niya ang Prinsipe mula sa kalangitan. Nakita niya ang kalungkutan nito dahil sa pag-iisa. Kaya niyang gawing karwahe ang kalabasa. Kaya niyang gawing kabayo ang daga. Kaya niyang gawing tao ang kabayo. Pero hindi niya kayang maging taong nakatakda para sa lalaking ito.

Hinawakan ni Prinsipe Tristan sa baba ang babae at inangat ang mukha nito. “Naguguluhan ako sa iyong paliwanag pero isa lang ang malinaw sa akin ngayon. Kahit gaano pa kagulo ang magiging sitwasyon, handa akong ayusin iyon kung gusto mo.”

Umiling si Fairy Godmother. “Hindi mo kaya.”

Ngumiti ang Prinsipe. “Pagtutulungan naman nating dalawa, hindi ba?”

Muling umiling ang dalaga. Inalis niya ang pagkakahawak ng Prinsipe sa kanyang kamay at tinahak ang labasan ng palasyo.

“Sandali!” Narinig niyang sigaw ng Prinsipe ngunit hindi na siya lumingon pa.

Ayan na naman ang kabog galing sa dibdib niya kahit alam naman niyang wala siyang puso. At ang mas nakapagtataka pa, hindi naman siya umiiyak dati pero bakit kaya naglalabas ng luha ang mga mata niya ngayon? Napahinto siya sa hagdan nang matanggal ang isa sa kaniyang mga sapatos. Kukunin sana niya ito pero baka maabutan siya ng Prinsipe kung kaya hinayaan na lamang niya. Nagpatuloy siya sa pagtakbo hanggang sa hindi na siya naabutan ng mga kawal ng Prinsipe. Dali-dali siyang tumaas sa langit at nag-anyong buwan. Kailangan niyang ipares ang sukat ng paa ni Cindy sa sapatos na naiwan niya. Gagamitin na lamang niya ang kanyang mahika para isakatuparan ang planong iyon.

Jahric Lago Presents: Sweet Fantasy (Published under TBC Publications)Where stories live. Discover now