Wizard's Kiss by Margie Evangelista

166 11 0
                                    

Wizard’s Kiss
Margie Evangelista

“Nagsinungaling ako sa ‘yo. Ang totoong solusyon sa problema ko ay… k-kailangan akong halikan at mahalin ng isang wizard na kagaya mo.”



Gusto kong pasalamatan si God dahil isang blessing na naman itong pinagkaloob niya sa akin. Salamat sa walang sawang pagpapaulan ng blessing, G! Mahal kita!

Sa family ko na laging nakasuporta sa akin, hindi lang parents ko pero pati mga tito’t tita, lolo’t lola. Salamat po sa walang sawang suporta! Wala man akong kinikita sa mga librong gaya nito, thankful pa rin ako dahil hinahayaan niyo akong gawin ang gusto ko—ang magsulat. Salamat po!

Sa mga kaibigan ko na naniniwala sa kakayahan ko sa pagsusulat, sa mga naniniwalang may mararating ‘tong ginagawa ko, at sa mga naniniwala sa pangarap ko, maraming-maraming salamat! Isa kayo sa mga inspirasyon ko para ipagpatuloy itong pagsusulat ko. Yie! Drama. Hahahaha!

Kay Ate Aegyodaydreamer, isa sa mga naging inspirasyon ko sa Wizard’s Kiss ang libro mo na Wizard’s Tale. I super love it! Sana po makagawa ka pa ng maraming fantasy story. Love! Love!

At sa TBC Publications, kay Kuya Jahric, maraming-maraming salamat sa pagtanggap nitong Wizard’s Kiss! Isinali ko ito dati sa isang writing contest and unluckily, I failed. Pero sabi nga nila, everything happens for a reason at siguro kaya natalo itong WK sa contest na ‘yon ay dahil sa TBC nakadugtong ang kapalaran nito. Hahaha! Salamat po ulit! At least may nangyaring maganda sa experiment ko na magsulat ng fantasy. Heart! Heart!

Margie Evangelista



“Isa kang masamang tao! Hindi bagay sa ‘yo ang maging maganda at hindi nararapat sa ‘yo ang mga kayamanang meron ka! Dahil sa kasamaan ng iyong ugali ay isusumpa kita. Magiging pangit ka at mawawala ang lahat ng yaman mo!”

Iwinagayway ng mangkukulam na si Jasher ang kanyang baston. Lumabas sa baston ang isang makapal na usok at kasabay no’n ang malakas na pagkidlat. Natakot ang prinsesang si Tria at gusto na n’yang tumakbo, pero hindi n’ya maikilos ang kanyang mga paa na tila naka-semento na sa lupa ang mga ito.

“Mediyo aku as!”

Lumaki ang usok na inilalabas ng baston ni Jasher. Unti-unting pumalibot kay Tria ang usok at nagkaroon pa ito ng kuryente. Napasigaw si Tria sa sakit.

“Itigil mo na ‘to! Magiging mabait na ako! Hindi na ako mananakit ng ibang tao! Magiging mabuting prinsesa na ako!”

“Hindi! Ilang beses na kitang pinagbigyan pero hindi ka pa rin nagbabago!”

Lalong lumaki ang usok at kuryente. Namimilipit na sa sobrang sakit si Tria.

“Aahhhh!!! Tama naaaa! Masakit na!”

“Isa akong wizard, kaya naman isang wizard lang din ang makakakontra sa aking kapangyarihan. Ngunit mangyayari lamang iyon kapag nagawa ka n’yang mahalin at halikan. Tanging halik at pagmamahal ng isang wizard ang makatatanggal ng sumpang ito!”

Iwinagayway pa ni Jasher ang kaniyang baston at may nabuong malaking liwanag sa tuktok nito. “Sirei sucot!”

Itinira n’ya iyon kay Tria at tuluyan nang nawalan ng malay ang prinsesa.

Nang magising ang prinsesa ay pinakiramdaman n’yang mabuti ang kanyang sarili. Suot pa rin n’ya ang kanyang magandang damit at kahit nahihirapan ay sinubukan n’yang lumakad. Kailangan n’yang makahanap ng isang wizard para mawala ang sumpa, ngunit saan siya hahanap? Hindi n’ya alam kung saan nakatira ang mga wizards na kagaya ni Jasher.

Naglakad pabalik ng palasyo ang prinsesa. Ngunit bago pa siya tuluyang makalapit sa palasyo ay napahinto siya. Isinumpa siya ni Jasher at ang sumpang ibinigay nito ay upang papangitin ang kanyang itsura. Paano siya makikilala ng kanilang mga tauhan?

Jahric Lago Presents: Sweet Fantasy (Published under TBC Publications)Where stories live. Discover now