PROLOGUE

26 5 0
                                    

I was about to start the engine of my car to leave this Mall but someone hit my eyes.

Hindi ako nagkakamali, it's him. Kahit apat na taon ko siyang hindi nakita ay memorado ko ang tindig niya kahit sa malayo. Mabilis akong bumaba at hinabol siya.

"Excuse me?" hindi ko manlang mabanggit ang pangalan niya.

Napahinto siya sa pagbukas ng kanyang sasakyan at humarap sa akin.

"Amara?" siya nga ito, halata sa kanya ang gulat pero agad namang ngumiti. Hindi ko maitangging namiss ko siya dahil bukod sa trabaho ay siya ang dahilan kung bakit ako nandito sa Manila. "Kailan ka pa dito sa Manila? It's been a long time since I last saw you." nakangiti pa rin siya, dahilan kung bakit walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko.

"Ha? kahapon lang" kahit nahihiya ay pinilit kong ngumiti.

Halong hiya at saya ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung alin doon ang mas nangingibabaw. Nahihiya ako dahil hindi ako gaanong nakapag ayos ng sarili baka kasi haggard ako. Masaya ako dahil sa wakas ay nakita ko na ulit siya, because for four years I wanted nothing but to see and be with him again.

"Hey Kyen?" nagising ako sa katotohanan nang narinig ko ang isang boses ng babae mula sa bintana ng kanyang sasakyan. Nakatingin ito sa kanya na tila bang nagtatanong kung sino ang kausap.

"Hey, wait for me there. I'm just talking to someone." ngumiti siya sa babae niya at humarap sa akin ulit.

"Hindi mo ba ako ipapakilala sa kausap mo babe?" nakababa na pala ito at nakangiting lumapit sa amin.

Ngayon alam ko na kung ano ang mas nangingibabaw sa nararamdaman ko, galit. Sa tingin ko ay nawawalan ng lakas ang mga paa ko. Sa oras na ito ay mukhang gusto ko nalang magpalamon dito sa kinatatayuan ko kaysa ang humarap sa kanila. Ayokong magsalita dahil anytime ay tutulo na ang luha ko.

"Oh sorry I almost forgot." halata sa mukha niya ang gulat kaya wala siyang choice kundi ipakilala ako sa GIRLFRIEND niya. "Her name is Amara babe, she is my friend somewhere and Amara this is Eiyacinth my wife"

Hindi pala girlfriend kundi WIFE.

"Hello Amara nice meeting you," lumapit siya sa akin at inabot ang kamay para magpakilala. Nararamdaman kong nanginginig ang mga kamay ko dahil sa galit. Ngunit kailangan kong maging matatag dahil ayoko ng malaman pa ng asawa niya ang tungkol sa nakaraan namin.

"Nice meeting you too" ngumiti nalang ako at binawi ang kamay tsaka tumalikod na dahil babagsak na talaga ang mga luha ko ayaw ko namang makita nila iyon. Mabilis akong bumalik sa kotse ko ngunit bago pa man ako makasakay ay may humila sa akin at iniharap sa kaniya. Bakit niya pa ako sinundan.

"A..Amara I need to talk to you" hinawakan niya ako sa mga braso ko. Hindi ko mapigilang umiyak ng umiyak. Wala akong ibang hinilling kundi ang makita siya pero mukhang pinagsisihan ko na iyon.

"You know what? I...I've been waiting for you in fucking four years!" iyon lang ang mga salitang namutawi sa bibig ko.

Hindi ako makapaniwala, I felt betrayed by the guy standing in front of me.

"I thought you already know about it..."

"KNOW WHAT? THAT YOU'RE ALREADY MARRIED??? Gago ka ba?!"

"Ca...calm down Amara let me explain." he can't even talk straight to my face. Siguro ay nag iisip ng idadahilan.

"For what? My two eyes can see so please enough! I saw your wife and she..."

"..she's pregnant!!" humagulgol na ako sa iyak sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ay gusto ko ng sumuko sa lahat.

"Sana pala ay hindi nalang ako bumalik ng Manila at sana pala ay hindi na kita hinanap. Malaking pagsisisi lang pala ang makikita ko dito at ikaw yon."

He promised to come back, and I waited for him.

I can see his tears running down from his cheeks.

"Just tell me, did you really love me back then?"

He cleared his throat, my heart raced but I tried my best to remain composed.

I stopped sobbing so I could hear his answer clearly.

"I"m s...sorry Amara"

That's it. He really fooled me that WHOLE FUCKING SUMMER.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the authors imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 04, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Summer to Remember (ASuRe)Where stories live. Discover now