CHAPTER 4

3 1 0
                                    

ENTRY #04 - [A Hottie New Friend]

(Kinabukasan)

*KNOCK.. KNOCK.. KNOCK*

ARRRRGH! Sino ba yon? Ang aga-aga ang ingay! Inaantok pa nga ako eh.. TSS! Bala ka diyan. Istorbo eh. -_-

After one minute may kumatok ulit, mas malakas kesa kanina. Ano ba yaaaaan! Tumayo na ako frustratedly, pero naka-pikit parin yung isang mata ko. Baka si manang lang yon.

Binuksan ko na yung pinto.

"What took you so long????!"

Napadilat ako ng wala sa oras. Hala? Si Xander pala yung katok ng katok sa pinto kanina pa. Kainis! Bwisit talaga siya sa buhay ko kahiy kailan. -,-

Pero.

O____O- ako yan. Kasi ba naman! Oh my GOSH! Ang HOT!! Naka-sando lang siya at boxer shorts. Shemay! Ang yummy. ^,^ Kung ganito ba naman araw-araw eh kahit hindi na mag-breakfast solve na. :P hahaha!

Wait..? Sinabi ko bang YUMMY siya? Si Xander YUMMY?

(Paulit-ulit Isay? Isang YUMMY pa. -___-)

Tsssss! A-S-A!!

"What? Are you only going to stare at my body, Isay? Hindi breakfast yan." He smirked.

Feeling ko umakyat yata lahat ng dugo ko sa mukha. Ano ba yan! Nakakahiyaaaaa... Naman eh! >,<

"A-Ano???! Hindi n-naman... Ah. Err---"

"Tsss. Whatever freak! Magluto kana ng breakfast. I'm already starving." Xander

Then umalis na siya. Wow ha? Kahiya naman sa kanya eh. Psh! Isasara ko na sana yung pinto kaso lumingon ulit siya sakin. Ano na naman ba??

"And freak, please FIX yourself first. Ang sama ng itsura."

ABAT---! Ang yabang! Grrrrr... humanda ka sakin Xander, may araw ka rin! >_____<

Grabe naman siya... kala mo kung sinong gwapo. Che!

Bakit Isay, gwapo naman talaga siya diba?

Tssss! Oo na. Kainis. Tiningnan ko yung itsura ko sa salamin. Ang sama daw ng itsura ko? Hindi naman--- WAAAAAAAH! O___O 'Isay! Nakakahiya ka... humarap ka kay Xander na parang dinaanan ng bagyo yang buhok mo tapos may muta at panis na laway kapa diyan. Ewwww! Kadiri ka!' Baka sobrang pinagtatawanan na ako non. Kaasaaaaar! Hmp. -____-

Bumaba na ako. Wala si Xander sa kitchen. HMP! Baka naligo na? Tss ... Pake ko dun? >,<

Naabutan ko si Manang sa kitchen, nagluluto yata ng Bacon at Ham. Wow! *u*

"Manang... ako na po diyan." Pagpi-prisinta ko kay Manang.

"O, Isay gising kana pala. O sige nga't ikaw na ang magtuloy nito nang makapunta na ako sa palengke." Manang

"Sige po. Ingat po kayo. :)"

"Salamat, hija. Bilisan mo nalang diyan at baka mahuli narin kayo sa klase."

"Hindi po. Maaga pa naman po."

Pagka-alis ni Manang. Nagluto na ako ng Bacon, Ham, hotdog at scrambled eggs. Hmmmn... ang sarap naman ng breakfast ng monster na yon. May fried rice pa ha? Siya na! Habang niluluto ko yung fried rice, nag-bake narin ako ng cookies. Sabi naman ni Sir Alex pwede raw akong magluto ng kahit ano basta kaya kong ubusin. Edi go! XD

"Manang... What are you cooking? Bakit ang bango--- oh." Napatigil si Xander. Hindi niya siguro ine-expect na ako yung nagluluto.

Papasok kasi siya sa kitchen. Hmmmn... Bagong paligo yata. Ang bango, shems. Fresh na fresh na ang loko! :DD

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ms.Nerd fallin' with Mr.Yabang (ON GOING)Where stories live. Discover now