Sa kalagitnaan ng hapon, habang unti-unting nilalamon ng dilim ang kalangitan, ako naman ay nagmamadaling nagtungo sa kusina - kung saan ang liwanag ng lumang bumbilyang dumuduyan sa kisame, ay tila mamatay-matay sa pagsindi. Binuksan ko ang gripo, pagkatapos ay nagbanlaw ng duguan kong mga kamay. Umagos ang mga dugo mula sa kamay ko, pagkatapos ay dahan-dahan itong nagtungo sa butas ng lababo. Maya-maya pa, nang tuluyan ng maalis ang marka at bakas ng dugo sa magkabila kong mga kamay, ay agad kong sinarhan ang gripo; at tuluyan na nga'ng humupa ang kaninang mga tubig na dumadaloy rito.
"Chloe, sigurado ka ba talaga sa ginagawa natin?" Nagdadalawang-isip akong tinanong ng kasama ko; habang ang magkabila niyang kamay, ay tila abalang-abala sa ginagawa niyang paglilinis ng mga dugo na tila sariwa pa lamang ang pagkakapinta sa kahabaan ng sahig.
"Sa tingin mo ba? May pagpipilian ako?" Lumingon ako sa kan'ya; bago kumuha ng mga basang basahan, at tinulungan siya sa ginagawa. "Oh, bakit dinudumihan mo ulit ang mga kamay mo?" Inagaw ng kasama ko ang mga basahan sa kamay ko, bago muling nagsalita. "Tapusin mo kaya muna 'yong mga ginagawa mo roon, baka kung saan-saan pa tumulo 'yang mga dugo sa kamay mo, madagdagan pa ang lilinisin natin." Nagrereklamo ako nitong tinulak pabalik sa kusina; pagkatapos ay hinagisan ng isang boteng naglalaman ng manilaw-nilaw na likido.
"Ano 'to?" Tanong ko, kasabay sa dahan-dahang paglapag ng bote mula sa hangin pababa sa mga palad ko. "Malamang, ibubuhos mo 'yan doon sa ginagawa mo!" Yamot na sagot ng kasama ko, bago muling nagwika. "Ano ba'ng gusto mo? Ako na'ng tumapos n'yan, at ikaw na ang magpatuloy ng ginagawa ko?" Inagaw muli ng kasama ko ang bote mula sa mga kamay ko, kasunod ang pagtungo niya sa kusina at agad na trinabaho ang bagay na nasimulan ko.
Ilang sandali pa, mula sa kusina ay rinig na rinig ko ang maingay niyang pagsigaw. "Ano ba'ng gusto mo'ng gawin ko rito? Putulan ko ng leeg? O alisan ko muna ng mga paa?" Natatawang nagbiro ang kasama ko, bago ko siya natanaw na kumuha ng matatalas na kutsilyo. "Ikaw na'ng bahala, basta't siguraduhin mo lang na maayos at malinis mong magagawa 'yan!" Wika ko; kasunod ang pagdampot kong muli sa mga basahan, at paglinis ng napakaruming sahig.
Habang nasa ganoon kaming posisyon, ay bigla kaming nakarinig ng mga kakaibang ingay - pagkalabog at pagbagsak ng kung ano-anong mga bagay mula sa labas ng bahay. Dali-dali akong tumayo; kinuha ang babasaging paso sa 'di kalayuan, at tyaka nagtungo sa pintuan ng lumang tahanan.
Nang makarating na ako malapit sa pintuan, dahan-dahan akong sumilip sa maliliit na butas nito; at sa pagsilip ko, bigla akong napasigaw sa takot. "Sasha! May duguang kalapati sa labas." Sigaw ko. Subalit, bago pa man ako muling makasigaw, mabilis na bumukas ang pintuan sa harapan ko. "Kamusta Chloe? Sabi ko na, matatakot ka sa kalapati; buti na lang talaga at may nadaanan ako bago ako magtungo rito." Niyakap ako ng lalaking ngayon ay nakatayo na sa harapan ko, pagkatapos ay hinalikan niya ako sa labi. "Joshua, tinakot mo naman ako." Pagkagulat ko, bago ko sinundan ng ilang mga katanungan. "Anong ginagawa mo rito? Paano mo nalaman na nandito kami ni Sasha?" Hindi tumugon ng kahit anong sagot ang kasintahan kong si Joshua, bagamat ay hinalikan lamang niya akong muli sa labi. Ngunit, matapos ang ilan pa'ng paglapat ng aming mga labi sa isa't isa, ay doon lamang siya sumagot sa aking mga katanungan. "Syempre, hindi ako papayag na hindi ko makita ang pinakamamahal kong babae." Tugon n'ya, bago ako sinimulang usisain. "Pero teka, bakit dito kayo lumipat? Hindi ba kayo natatakot dito? Kasi, kung ako lang, hindi ako titira rito Chloe."
Sa totoo lang, kakalipat lang din kasi namin ni Sasha rito - gawa ng kagipitan sa pera. Pinaalis kami sa dati naming tinitirhan; kaya't hanggang ngayon, ito kami ni Sasha't naglilinis pa rin ng lumang bahay na nabili ko. Ang sabi nila - nang mga taong napagtanungan ko, napakayaman daw noon ng may-ari nito. Halata naman; dahil kahit lumang-luma na ang bahay, ang mga kasangkapang naiwan ay mistulang pinasadya pa sa iba't ibang bansa; kaya't hanggang ngayon, aakalain mong bago pa rin ang mga ito.
BẠN ĐANG ĐỌC
The Mysterious Case of Leonardo Sanchez
Bí ẩn / Giật gânNang maglaho si Leonardo Sanchez sa kanilang lugar, dalawang babae ang nakabili ng kanyang tahanan. Ngunit, habang tumatagal ang kanilang pananatili rito, unti-unti nilang nabubuksan ang misteryo sa pagkawala at buhay ni Leonardo Sanchez. Maligtas k...
